3rd Person's POV;
"So? yung limang lalaki lang ang kasama mo sa bahay?" tanong ni Allison sa batang babae bago tumango tango.
"Opo teacher para po silang mama,papa at kapatid ko, ginagala po nila ako, nakikipaglaro at pinagluluto sila din po yung nag aayos ng gamit ko tinutulungan din po nila ako sa assignments ko sabi nila princess po nila ako, tapos yung papa ko siya po palaging nag iipit sakin hihi nanonood po siya sa laptop niya kung pano niya po ako maiipitan ng maganda look teacher Allison." ani ng bata bago umikot na kinangiti ng dalaga dahil sa napansin nga nito na paiba iba ng style ng ipit ang estudyante na akala ay ibang babae ang gumagawa.
"Galing pala mag ipit ni Uncle Bullet noh." humahagikhik na komento ni Thalia sa tabi ng teacher na kinatawa ng mahina ng guro.
"Kaya maging nanay at the same time tatay ng papa ko kaya proud na proud po ako sakanya kaya kung papapiliin ako ng pamilya kay papa pa din ako kasama ang uncles ko." nakangiting sambit ni Alex na kinapalakpak ng kambal at ng dalagang si Allison habang ang ibang bata naman ay nakasimangot at pilit na pumalakpak.
---
"Hindi ka pa uuwi Aj?" tanong ng batang si Thalia ng makitang nasa loob parin ng classroom ang batang babae.
"Wala pa papa ko may work kasi siya eh." sagot ni Alex na kinatingin ni Allison na nasa table ng pumasok ang kambal.
"Samahan kana namin." nakangiting sambit ni Thalia bago umupo sa sahig at nakipaglaro kay Alex na bumubuo ng puzzle habang si Triton naman ay umupo sa upuan.
Habang naglalaro ang dalawang bata siya naman ang pagdating nina Chaos at Crios.
"s**t! kala ko nawala na yung kambal." habol hiningang sambit ni Crios ng makita ang kambal sa loob ng classroom at mapatingin sa table ni Allison.
"Pasensya na Teac---."
"Uncle Crios hi po." nakangiting sambit ni Thalia bago kumaway sa mga sundo.
"Sundo niyo sila uuwi na kayo?" tanong ni Alex na kinatingin ni Thalia sandali bago tumingin sa kambal na nasa pinto.
"Uncle Crios pwede po ba namin antayin papa ni Alex sasamahan lang po namin siya." magalang na sambit ni Thalia na kinatinginan ng kambal.
"Papaalam lang kami princess okay? pag pumayag mama mo sige baka kasi mag worry sila." ani ng binata na kinatango ni Thalia bago kulbitin si Triton na nakatingin sa dalawang babae.
"Kuya pwede ikaw kumausap kay mama?" bulong ni Thalia na kinabuga ng hangin ng batang lalaki bago tunayo at lumabas kung nasan ang kambal.
"Salamat Thalia sad kasi dito si Teacher Allison lang kasama ko wala ako kalaro." ani ni Alex na kinangiti ng malapad ni Thalia.
"Pagtapos ng klase lagi kami pupunta dito para may kasama ka." ani ni Thalia na kinangiti ni Alex bago sila maglaro ulit.
"Yes mom dont worry po safe naman dito tiyaka nandito din naman si Auntie Allison." ani ni Triton habang may hawak na cp at nakatingin sa dalawang babae.
["Fine mag iingat kayo diyan yung kapatid mo Tri."] biling ng dalaga sa kabilang linya.
"Yes mom bye po." ani ng batang lalaki.
[Bye baby boy iloveyou.] ani ng dalaga na kinangiti ng konti ng batang lalaki.
"Iloveyoumore mom." sagot ng batang lalaki bago patayin at iabot kay Chaos.
"Pumayag si mom uncle." ani ni Triton bago pumasok sa loob para makipaglaro.
---
"Ang galing ang dami niyong nabuo ah." komento ni Allison ng tumayo siya sa table ng matapos ang gagawin niya at lumapit sa mga bata.
"Teacher Allison diba po bear ito?" tanong ni Thalia bago ituro ang card ng puzzle na nasa sahig.
"Thalia oso yan." sagot ni Alex na kinasimangot ni Thalia.
"Bear kasi yan hindi oso." sagot naman ni Thalia na kinangiwi ni Triton habang tatawa tawa namang umupo si Allison sa tabi ng mga bata.
"Pareho kayong tama english ng oso ay bear." natatawang sagot ng dalaga na kinanguso ng dalawang bata.
---
"Bwisit naman kasi bakit ngayon niyo lang sinabi na may pictorial tayo at ilang oras aabutin di sana hindi ko muna pinapasok si Alex." naiiritang reklamo ni Derek habang pasulyap sulyap sa wrist watch nito.
"Hindi ko din alam malay ko bang magkakasabay sabay yun sabi ko na kasi sayo Shintaro kunin mo kay Sec. yung sched natin." paninisi ni Reid ng makapasok sila at malapit na sa gate ng eskwelahan.
"Dito lang kayo ako na papasok." ani ng binata bago suutin ang hood nito.
"Putangina mo Derek magshashades ka pa? gabi na gago." mura ni Galvin ng nagshades ito at mabangga sa gate na kinahilot sa sintido ni Jackson ng mapamura si Derek at kapa kapain nito ang gate para makapasok.
---
"Papa!" excited na sambit ni Alex ng makita ang ama amahan at yakapin ito ng mahigpit ng manakbo ito palapit sa lalaki.
"Sorry baby ngayon lang si papa hassl---kambal andito din pala kayo." ani ng binata ng makita si Thalia at Triton na nakaupo sa sahig.
Habang si Crios at Chaos palihim na yumuko bilang pag galang.
"Gabing gabi nakashades ka." nakataas ang kilay na tanong ng dalaga na kinangiwi ni Derek.
"Salamat sa pagbantay sa anak ko Teacher ganda." nakangiting sambit ng binata na kinahagikhik ni Alex.
"Hi sayo Unc---." tinakpan ni Triton ang bibig ni Thalia ng may babanggitin itong pangalan.
"Thalia, Triton tara na pauwi na yung kalaro niya." yaya ni Chaos na kinatakbo ng kambal sakanila.
"Teacher Allison gusto mo kumain sa labas makapagpasalamat man lang sa pagbabantay mo sa mga bata." ani ni Derek bago tingnan ang kambal.
"Kayo din treat ko kayo ng cake." nakangiting sambit ng binata na kinatalon ni Thalia.
"Cake yehey!" tuwang tuwa na sambit ng batang si Thalia na kinatuwa din ni Alex at bumaba pa ito mula sa pagkakabuhat ng ama para makipag tawanan sa mga bagong kaibigan.
"Teacher Allison sama na po kayo samin please." pagpapacute ni Alex na ginaya ni Thalia para pumayag ang guro.
"Fine sige wala nanaman akong gagawin." sagot ng dalaga na kinatuwa ng dalawang batang babae.