3rd Person's POV;
"Hindi ko iniexpect na makikita kita ulit dito." ani ni Derek habang buhat si Alex na natutulog.
"May mga inaayos lang ako kaya ako nandito." walang buhay na sagot ng binata habang nakatingin sa kabilang table kung saan naguusap ang magkapatid.
---
"Yun pala ang nangyari kaya napunta ka sa puder niya." ani ng dalaga habang pinaglalaruan ang hawak nitong tasa.
"Mabait naman si Racer kahit segu segundo nagpapalit ang mood niya." nakangiting sambit ng dalaga na kinaangat ng tingin ni Allison.
"Mas masaya ka ba ngayon?" tanong ng dalaga na kinangiti ni Aki.
"Sobra ate kahit para akong laging nakikipagpatintero kay kamatayan ang wierd nga kasi nagagawa ko pa ding tumawa at ngumiti kahit ganito sitwasyon ko, basta kasi nasa tabi ko si Racer feeling ko safe ako hindi ko kailangan matakot." sagot ni Aki bago bahagyang haplusin ang sunog sa kalahating mukha nito.
"Yang sunog mo sa mukha may pera na ako pwede na nating ipaopera yan." ani ng dalaga na kinailing ni Aki at ngumiti.
"Hindi na kailangan ate." sagot ni Aki bago bahagyang silipin si Racer na nasa kabilang table at nakikipagtitigan ng masama sa lalaking kaharap nito.
"May kilala na kasi akong tao na kahit ganito mukha ko tanggap ako yung tipong pag tumitingin ako sa mga mata niya parang ang ganda ganda ko, I think hindi ko na kailangan nan." sagot ng dalaga bago ngumiti.
"Kasama mo pala yung idol kong artista." parang kinikilig na sambit ng dalaga na kinangiwi ni Allison.
"Ahh ok Aragon din siya." sagot ni Allison na kinatigil ni Aki.
"Aragon? pero yung mukha---."
"Mask lang at contact lense." putol ni Allison na kinakurap ni Aki.
"Ahh kaya pala nagawa siyang ipakidnap ni Racer." ani ni Aki na kinatingin ng dalaga.
"Anong kidnap?" tanong ni Allison.
"Nalaman kasi ni Racer na idol ko si Derek ng Dark Beat tapos pinakidnap niya akala ko nga papatayin niya kasi sobrang dilim ng mukha niya ng sinabi ko yung wish ko nung birthday ko na makita ko si Derek hihi tapos yun nagpicture kami tapos autograph." kwento ni Aki na kinangiwi ng dalaga.
"Tapos malalaman ko isa siya s---." tinakpan ng dalaga ang bibig ni Aki ng lumapit sa pwesto nila ang dalawa.
"Aki." utos ni Racer na agad kinatayo ni Aki at yakapin sandali ang kapatid.
"Uwi na kami gabi na din eh." paalam ni Aki na kinabuga ng hangin ni Allison bago tumayo at yakapin pabalik ang kapatid.
"Mag iingat ka okay sana makadalaw ka din minsan samin." ani ng dalaga na kinangiti ni Aki.
"Siyempre naman ate." nakangiting sambit ni Aki bago parang batang tumakbo kay Racer na nasa pinto na ng shop.
"Ginabi na tayo tsk." ani ng lalaki bago bahagyang ayusin ang suot na hood na dalaga na kinangiti ng konti ng dalagang si Allison dahil nakita niya sa mata ng Aragon na kasama ng bunso niyang kapatid ang pagpapahalaga at pagmamahal na nakikita niya sa mga Aragon na kinakasama ng nakakatanda nilang kapatid.
"Daan muna tayo sa ice cream parlor ah? nacacrave ako sa peanut flavor na ice cream." ani ni Aki bago lingunin ang kapatid ng papalabas na sila ng coffee shop at kumaway na kinangiti ni Allison.
"Sana alam ng kapatid mo ang ginagawa niya." out of the blue na sambit ng binata ng makasakay sila ng sasakyan habang buhat ni Allison si Alex na natutulog.
"Ano namang ibig mong sabihin dun?" ani ng dalaga bago tumingin sa labas ng bintana ng iistart na ng binata ang kotse.
"Pagdikit palang niya sa kapatid ko para na din siyang humukay ng sarili niyang libingan kaya kung may naiisip kang paraan para palayuin ang kapatid mo gawin mo na." sagot ni Derek na kinatahimik ng dalaga.
"Libingan naman niya ang hinuhukay niya hindi naman sakin bakit ko papakialaman." pambabara ng dalaga na kinailing ng binata si Derek.
"Pano ko siya pipigilan kung katulad niya nagsisimula na din akong hukayin ang libingan ko." bulong ng dalaga na---.
"Anong sabi mo?" tanong ni Derek na kinatingin ng dalaga.
"Wala ang pangit mo iuwi mo na ako, peste ka ginagamit mo pa ang bata para magawa mo akong alalay." singhal ng dalaga na kinataas ng gilid ng labi ng binata.
--
"Oy Ms. Ganda salamat sa pagsama ah." ani ng binata pagkatapos nitong iayos sa back seat ang batang babae at lingunin si Allison na chinicheck si Alex.
"Ewan ko sayo epal ka ang dami ko pang report gagawin ngayon umalis kana." pagsusungit ng dalaga tatalikod ito ng---.
"An---."
"5 minutes." putol ni Derek habang yakap ang dalaga.
"Kailangan mo pa ba talaga manghila para manansi---."
"Masyado kang maingay pag ako nainis hahalikan kita." tila pikon na sambit ng binata na kinatikom ng bibig ng dalaga.
"Salamat okay na ako." ani ng binata ng lumayo ito at ngumiti ng malapad.
Pero kahit ngumiti ito hindi nakalampas sa mata ng dalaga ang namumupng ulap sa mga mata ng binata na tila may namumuong bagyo na hindi maintindihan ng dalaga.
"Calm down." bulong ng dalaga bago marahang haplusin ang pisngi ng binata na kinagulat ng konti ni Derek at kinawala ng ngiti nito.
"A-Ano p-pasok na ako sa loob." paalam ng dalaga bago lakad takbong pumasok sa gate at walang lingon lingon na pumasok sa tinitirhan nitong apartment.
"Ang hawak na yun." bulong ng binata bago hawakan ang pisngi kung saan humawak ang dalaga.
"Ang pakirandam na ito parang naramdaman ko na ito minsan...pero saan?"