15

903 Words
3rd Person's POV; "Manager akala ko ba kinancel mo lahat ng schedule natin at ano itong mga contract?" tanong ng binatang si Derek bago naiinis na ihagis ang mga papeles sa coffee table. "Derek pasensya na pero yung company mismo ang tumanggap sa mga yan." ani ng dalaga na kinatingin ni Galvin. "Mawawalan tayo ng oras kay Alex hindi natin pwede laging isama si Alex sigurad---." "Hindi yun ang inaalala ko Galvin maeexpose tayo masyado sa media at siguradong---arghh kainis!" ani ng binata na halos sabunutan ang sarili sa frustration. "Papa." kusang lumambot ang ekspresyon ng binata ng marinig ang boses ng batang babae. "Gabi na bakit gising ka pa?" kalmadong tanong ng binata ng makita ang batang babae na nasa hagdan. "Ayos lang po kayo papa?" nag aalalang tanong ni Alex na kinangiti ng konti ng binata bago tumayo sa kinauupuang sofa at lumapit sa anak. "May iniisip lang si papa." sagot ng binata bago buhatin si Alex. "Wag niyo na po ako alalahanin papa big girl nanaman ako tiyaka may work kayo nina uncle kaya po naiintindihan ko kayo." ani ng batang babae na kinangiti ng konti ng lalaki bago ito halikan sa noo. --- "Sana matulungan mo ako, dont worry babayaran naman kita doble pa sa kita mo sa pagiging teacher bantayan mo lang si Alex." ani ni Derek na kinataas ng kilay ng dalaga. "Bakit ako? may mga agen---." "Sayo lang lumalapit si Alex." putol ni Derek na kinabuga ng hangin ng dalaga. "Ano pa bang magagawa ko hindi ko naman pwede pabayaan si Alex." sagot ng dalaga na kinangiti ng binatang si Derek. "Salamat, Salamat." ani ng binata na parang nabunutan ng tinik dahil sa sinagot ng dalaga. --- "Hihi ang cute mo Kuya." komento ng batang si Thalia habang minimake upan si Triton na busy sa paglalaro ng brix. Habang si Alex naman ay nakahiga sa hita ni Triton at natutulog. "Nasan na ba ang kupal na yun gabi na wala pa." naiinis na sambit ng dalaga habang nakatingin sa mga batang nasa sahig. "Papunta na dito si Boss mukhang siya na susundo sa tatlo." ani ni Crios na kinatingin ni Allison. "Papa." tuwang tuwa na sambit ni Thalia bago tumayo at salubungin ng yakap ang binatang si King na kasunod ang ilan sa mga tauhan nito. "Thalia masyado ng gabi bakit ayaw niyo pa umuwi?" kalmadong sambit ng lalaki bago buhatin ang anak at tingnan si Triton na nasa loob at nakatingin sakanila. "Nasan si Bullet?" walang emosyong tanong ng binata bago tingnan ang dalagang si Allison na nasa table. "May trabaho at hanggang ngayon wala pa." balewalang sagot ng dalaga bago tumayo at lumapit sa pwesto ng dalawang bata. "Umuwi na kayo Triton ako na bahala kay Alex." ani ng dalaga bago dahan dahang buhatin ang batang babae. "Papa worried ako kay Alex may an---." "Iknow Princess." bulong ng lalaki pagkatapos nitong takpan ang bibig ng anak. "Crios, Chaos maiwan kayo dito hanggat wala pa ang gagong yun dito muna kayo." utos ng binata na kinayuko ng dalawang lalaki bilang pag galang. "Kaya kong protektahan ang batang ito hindi ko kai---." "Hindi ko ito ginagawa para sainyo para ito sa asawa at at anak ko na nag aalala sainyo." walang emosyong putol ng binata bago tumalikod at umalis kasunod ang batang si Triton na hawak ang kamay ng ama. "Masyadong harsh dun si boss." bulong ni Chaos. "Para namang hindi mo kilala si Pinuno." komento ni Crios habang nakatingin sa gate kung saan lumabas ang sasakyan ng pinuno. "Chaos." "Copy." Ani ng binata bago pumunta kung saan. ---- "Sigurado ka ba sa nakuha mong info?" ani ng lalaki habang may hawak na binocular. "Sigurado ako." sagot ng lalaking nakaupo sa gilid ng puno. "Kasalukuyan ng sinusundan ng Grupo ni White yung kotse kanina mukhang dun nakasakay ang mga Aragon na tinutukoy ng assset natin." ani ng lalaki ng---. "Walang chix diyan sa loob ako na nagsasabi." ani ng binata na nasa ibabaw ng pader ng eskwelahan. "f**k!" mura ng tatlo sa grupo ng mga black in ng tumalon pababa ang lalaki ng paulanan nila ito ng bala. "Lakas ng loob ng putanginang yan wala man lang hawak na baril." komento ng lalaking may hawak na binocular habang nakatingin sa lalaking parang wala lang na nakikipaghabulan sa bala. "Tagilid tayo." ani ng lalaki bago tumayk habang hawak ang ipod nito na kinatingin ng dalawang lalaki. "Si Chaos West yan isa sa kambal na kanang kamay ni King kailangan na nating umalis dito." ani ng lalaki bago kunin ang mga gamit nito. "Eh ano naman? kung kanang kamay yan wala akong pakialam kokontakin ko s---." "Putangina Lee bago pa makarating mga tauhan mo dito ubos na tayo, dahil diyan sa kahambugan mo pare pareho tayong sasaimpyerno pagnagkataon." putol ng binata bago pumasok sa kagubatan na sinundan ng lalaking may hawak na phone na kinayukom ng kamao ng nangangalang Lee. "Bwisit." mura ng lalaki bago lingunin ang binatang si Chaos na nakatingin sakanya habang nakikipaglaban sa mga tauhang bumabagsak ng duguan. "Lee ano ba?!" sigaw ng binata na may hawak na bag na kinamura nito bago tumakbo papasok ng gubat. "Putangina niyo ganyan ba kayo kaduw---." "Hindi kami duwag Lee hindi lang kami kasing hambog mo." putol ng lalaking may hawak na bag. "May tamang panahon diyan Lee relax ka lang." ani ng lalaking may hawak na ipod at kasalukuyang may chinicheck na kung ano. "Makakaganti din tayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD