Chapter 8

1235 Words
      "Why are you up so early? Madilim pa sa labas, Margarette," sita ng Mommy ni Maggie sa kanya.      Eksakto alas-singko pa lang ng umaga at totoong madilim pa sa labas. At kahit na hindi na naman siya nakatulog nang maayos kagabi dahil sa pag-iisip ng utang diumano niya kay Phil, maaga pa rin siyang bumangon ngayon dahil magja-jogging siya. She had learned the habit while she was abroad. At napansin niya na nakatulong iyon sa pagpapalakas ng baga niyang hikain. She never missed a day  running since. Nitong nakaraang dalawang araw lang.     Nakasimangot siyang sumulyap sa kalendaryo. May apat na araw pa siyang ilalagi sa Pilipinas. Muli siyang humiling na sana mag-fast forward na ang mga araw so that she won't have to deal with Phil anymore. Lihim siyang umiling. Umagang-umaga, pagtatago kay Phil ang inaatupag ng isip niya.     "I'll just go for a quick run, Mom. Hanggang sa park lang po ako," aniya bago tuluyang lumabas ng bahay.     Madilim pa ang langit pero sa bandang silangan, malapit nang basagin ng liwanag ang dilim. Nag-inat siya saglit bago tuluyang tinakbo ang daan patungo sa park ng subdivision.    Maliwanag ang kalsada kaya hindi siya natatakot na siya pa lang ang tumatao sa daan. Kahit noon pa man kasi sobrang peaceful na sa subdivision nila.     Napaigtad pa siya nang may nagsalita sa likuran niya.     "Hi, Maggie!"     Huminto siya at pairap na nilingon ang tumawag sa kanya. Of course, kahit hindi niya lingunin, alam niyang si Phil ang nasa likod niya. Naantala lang nga ang sanay pagtataray niya nang mapagtanto niyang hindi nag-iisa si Phil. Kasama nito ang kalahi nitong imortal-- si Stacey.     "Looking good, Maggie," ani Stacey sa kanya. Bumagal ang proseso ng isip ni Maggie. Sandali niyang pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawang kaharap. At kahit ayaw niya, kusang nag-analisa ang isip niya.     Sila pa rin pala.     "Thank you!" nasabi niya mayamaya. "You too Stacey, you look stunning as always."     Ngumiti si Stacey, idinisplay ulit ang perpektong mga ngipin nito. And for the first time in years, Maggie felt inferior once again.     "I didn't know you're into running now?" takang tanong ni Phil sa kanya.     "Well, there's a bunch of things you don't know about me now," kaswal na sagot niya bago nagsimulang tumakbo. Sumunod ang dalawa sa likod niya. At ayaw man niya, kusang nakinig ang tenga niya sa usapan ng mga ito.     "Vaccine ni Miggy today. Hindi kita masasamahan," ani Stacey.     Nalukot ang noo ni Maggie. Sino si Miggy? At bakit need ng vaccine? Ano ito baby?     "It's ok, I can manage. Just snuggle our little boy tonight to ease the pain."     Our little boy.     Napamaang siya. Baby nga! May anak na ang mga ito? Gaanon siya katagal nawala sa sirkulasyon at hindi man lang niya nabalitaan na may anak na si Phil kay Stacey? Well, golden rule niya sa nakalipas na anim na taon sa pamilya at mga kaibigan niya na h'wag na h'wag siyang babalitaan ng kahit na ano tungkol kay Phil.     Pinigil niya ang lumingon. Ayaw niyang isipin ng mga ito na nakikinig siya sa usapan ng mga ito. E ano naman sa kanya kung may anak na ang mga ito? She's out of their business. And it's not in her character to be nosy. Kaya naman, binilisan niya ang pagtakbo. She reached the park in no time. Nang dumako siya sa malawak na skate rink, she ran around it a couple of times teaching herself to concentrate on the task at hand rather on the slight ache in her heart.     Nakasikat na ang araw nang matapos siya sa pagtakbo.  Hapong-hapo siyang umupo sa isa sa mga bench na naroon upang mag-cool down.  Ilang sandali pa tumabi sa kanya si Phil, habol din nito ang hininga. Pasimple niyang iginala ang tingin, absent ni anino ni Stacey.     "You're good. Hindi ko alam na kaya mo ngang tumakbo nang ganoon katagal." Inabutan siya nito ng mineral water.     "No thanks. I'll just drink at home. Besides, ayokong madagdagan ang utang ko sa 'yo."     Natawa ito. Ito na rin ang uminom sa tubig na inalok nito sa kanya. Iniiwas niya ang tingin. He looked so effin hot drinking water, panting and drenched in sweat and all. Wala na siyang karapatang tignan ito nang may paghanga. Pag-aari na ito ni Stacey.     Tumayo siya at muling nag-stretching. Balak niyang ikutin ulit ng sampung beses ang rink.     "So, how old is your son?" wala sa sariling tanong niya.     "Son?"     "Yeah, Miggy?"     Tumayo ang lalaki at hinarap siya, nakangisi. "You're eavesdropping."     "I'm not. Bakit hindi mo tanungin si Mrs. Romero. I'm sure narinig din niya ang usapan ninyo ni Stacey. Loudmouths!" Pairap niyang sabi bago muling tumakbo. Sa pagkakataong iyon, sumabay si Phil sa kanya sa pagtakbo. Ang sinasabi niyang Mrs. Romero ay ang retired teacher na may-ari ng bahay malapit sa bukana ng subdivision. Mahina na ang pandinig nito pero ubod ng sungit.     "Why do I hear jealousy in your voice, Maggie?" amused nitong tanong. Napamaang siya. Huminto siya sa pagtakbo at hinarap ito.     "Why would I be jealous?"     Nagkibit-balikat ito. "I don't know, tell me." Pinabukol nito ang dila sa loob ng pisngi nito.     Lalong siyang nagngitngit sa inis. "I wonder how small your ego is for you to go around claiming random women to be jealous of your relationship. FYI, I'm engaged and I'm not jealous. I've never been jealous! More so, if it comes to you and your wife."     Nagsalubong ang mga kilay ng kausap na ikinailang niya.     She bit the insides of her cheeks. Bakit, may mali ba sa conclusion niya?      Phil remained silent while looking at her intently before his mouth broke into a satisfied smile.      "Do you know how beautiful your eyes are under the sunlight? They’re like rare gemstones. Breathtaking. Captivating," bulong nito.     "W-what?"     He chuckled and broke the trance they were both in.     "I'd better run my 10 kilometers para hindi ako tostado mamaya sa party ng Daddy mo. Wala pa sila Mom and Dad, bukas pa ng umaga ang balik nila mula sa conference from Thailand. Kaya ako ang magbabasa ng message ni Dad for Tito Lawrence." Tumalikod na ito ngunit muli ring humarap sa kanya. "By the way, Miggy is a distressed puppy na na-rescue ng animal welfare group where Stacey and I are both volunteers. Miggy is staying with Stacey for the meantime. Puno na kasi 'yong shelter."     Agad na namula ang pisngi niya. Sablay nga talaga ang conclusion niya!     Sumayaw ang mata ni Phil, mukhang tuwang-tuwa ito na nagkamali siya sa conclusion niya.  "Stacey is not my wife... yet. I'm very much single, Margarette and I'm accepting  applications. Would you like to try?" Kinindatan siya nito.     Natigagal man siya sa paliwanag nito, mabilis na nakabawi ang huwisyo niya.     "I'm engaged you conceited oaf!"     Nagsimula na itong mag-jogging, paatras sa kanya. "What? I can't hear you, Maggiepie." Itinuro nito ang tenga nito.     "I'm engaged!" sigaw niya.     Ilang metro na ang layo nito sa kanya. Sumenyas ito na hindi pa rin nito naririnig ang sinabi niya. Napapadyak na siya sa inis. Humalaklak naman ito. Halatang iniinis siyang talaga.     "I'll see you tonight, Maggie," anito bago tuluyang tumakbo palabas ng subdivision.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD