Pabiling-biling si Maggie sa kama dahil hindi siya makatulog. Mukhang namamahay ang kaluluwa niya. Ayaw pumirmi ng huwisyo niya kahit na pasado alas doce na ng hating-gabi. Nagawa na niya ang lahat-- nagtimpla na siya ng gatas, nag-basa ng old pocketbooks, at nanood ng TV. Kaso, ayaw pa rin talaga siyang dalawin ng antok.
Frustrated, she grabbed a pillow and buried her head on it. Kaso mukhang maling desisyon din 'yon. Lalo niyang naalala ang mga eksena mula kaninang tanghalian at hapunan.
Na-hot seat siya. Actually silang dalawa ni Arthur. Natural, nagtanong ang Daddy niya tungkol sa chismis na siya mismo ang nag-announce kaninang umaga-- na fiance niya si Arthur. Mabuti na lang bibo na rin si Arthur ngayon, hindi tulad noon na madaling madala sa sindak. Kalmado itong sumagot na totoo ang pinakawalan niyang chismis kahit na wala naman talaga iyong katotohanan dahil engaged na si Arthur sa girlfriend nitong si Samantha or simply Sam, isang Fil-Am chef at environmental activist. Yes, Arthur was not able to wait for her to say yes. Well, mas tamang sabihin na nagkaroon ito ng mas maraming choices. But she's glad Arthur had found Samantha. They are perfect for each other.
Sa totoo lang, wala naman talagang plano si Arthur na sumama sa kanya pauwi ng Pilipinas. Kaya lang may kailangan itong asikasuhin sa Pampanga. May property ang pamilya nito doon na matagal na nilang ibinibenta. Kung hindi siya nagkakamali, it's one for the last few remaining properties ng pamilya nito dito sa Pilipinas. Unti-unti na kasing dini-dispose ng magkapatid ang properties ng mga ito dahil wala naman na talagang babalikan ang mga ito sa Pilipinas. They sold off their house a couple of years ago. Kaya nga sa kanila ito tumuloy ngayon. Na sobrang pinagpapasalamat niya. Buti na lang talaga sumama ito sa kanya dahil full support ito sa drama niya kanina habang kaharap si Phil.
Phil.
She groaned inwardly when her mind began to picture him in her mind in every vivid detail. Bakit gano'n? Hindi man lang ito pumangit kahit kaunti para naman sana may maipintas siya rito kahit paano. Kaso mukhang malabo talagang mangyari 'yon. Noon pa man, pinagpala na ang genes nito. Magka-level ang genes nito at ni Stacey e-- hango sa mga imortal. At natitiyak niya, sa isang linggo niyang ilalagi sa Pilipinas, mas marami pa siyang makikitang exposure ng immortal genes ni Phil.
Bumuntong-hininga siya at tumitig sa kisame. She tried to remind herself that her past, specifically Phil, has nothing to do with her present anymore. She had outgrown that stupid feeling she had for Phil.
Yes, I did, she convinced herself.
Bahagyang kumabog ang dibdib niya. Kung nagrereklamo o nae-excite ang puso niya, hindi niya alam.
Dinala niya ang kamay sa kanyang dibdib. "Be still. No need to fuss. You did it before, you can do it again. It's just a few days."
Right, just a few days.
She closed her eyes and prayed for the few days to be over quickly.
-----
7:00 AM
"Tawagan mo 'ko 'pag nando'n ka na," bilin ni Maggie kay Arthur habang inaabot dito ang bag nito na naglalaman ng ilan nitong mga gamit sa 2-day trip nito sa Pampanga.
"Yes, mother," nakangising sagot ni Arthur bago inihagis kung basta na lang sa backseat ng rented car ang bag nito.
Tinampal niya ang braso nito. "I'm not mothering you! I'm reminding you to be careful. Nangako ako kay Sam na akong bahala sa 'yo rito. Kaya kargo kita, Mr. Policarpio."
Arthur chuckled. "What am I a toddler? Don't mind me too much. Just enjoy your vacation."
Umikot ang mga mata niya. "This ain't a vacation. This is torture."
"So, that explains your panda eyes."
Napasighap siya at agad na kinapa ang ilalim ng mata niya. Halata ba talaga na 'di siya gaanong nakatulog kagabi?
Natawa si Arthur. "Relax, Maggie. I was kidding."
Bumusangot siya. "Umalis ka na nga! Inuumaga mo 'ko."
Imbes na pumasok sa kotse, nakangising dumipa ang lalaki. "C'mon, Maggie, give your fiance a goodbye hug."
Humugong siya pero pinagbigyan na rin ito. Niyakap siya ni Arthur, mahigpit. "You'll be fine, Maggie. Just stop running away."
"You're talking weird again," komento niya bago kumalas sa pagkakayakap sa kaibigan.
Ilang sandali pa, lumarga na ito. Hinatid niya ng tingin ang sasakyan hanggang sa maglaho iyon sa kanyang paningin. Akmang papasok na sana siya sa gate nila nang may magsalita sa likuran niya.
"Where's your fiance going?" sabi ni Phil, pormal ang tinig.
Lihim siyang napa-irap kahit na panay ang kabog ng dibdib niya. Bakit ba nando'n agad ito? Hindi man lang ito nag-abiso na lalapit ito sa kanya at uumagahin nito ang pagdi-display ng immortal genes nito?
Naiinis man, sinubukan niyang pumormal. Tumikhim muna siya bago, "That's NYB."
Ngumiti ito, revealing his still perfect set of teeth and dimples. "What's that? Is that some kind of law jargon or what?"
"It means none of your business, Phillip," sarkastikong sagot niya.
Imbes na mapahiya, natawa lang ang kausap. "A, 'yon pala 'yon. May natutunan na naman ako sa 'yo, Maggiepie. Just like the old days, huh?"
May umalon na kung anong damdamin sa kanyang dibdib nang marinig niya ang itinawag nito sa kanya. Nag-panic ang huwisyo niya.
"D-don't mention it. P-pasok na 'ko," alanganin niyang sagot bago muling tumalikod.
"Gusto mong mag-breakfast? Tara libre kita." Pumihit siya paharap dito. Sinalubong nito ng ngiti ang pagbubuhol ng kilay niya. "Buhay pa rin 'yong canteen ni Aling Wilma or kung gusto mo, kahit sa cafe na lang diyan sa labas ng subdivision. Balita ko 24/7 na raw ang operation nila ngayon e. Or kung meron ka pang gustong puntahan na kainan, just tell me. I'll let you decide."
Nagbuga siya ng hininga. Sandali niyang binasa ang mata ng kababata. Mahigit kalahating dekada na mula nang huli niyang mapagmasdan nang ganoon ang mga mata ni Phil. At imbes na longing ang maramdam niya, nalulunod siya sa iba't ibang damdamin na sabay-sabay na umaatake sa kanya nang sandaling iyon. And there's only one thing she does when she's uncomfortable, she walks away.
"No thank you," aniya na bahagya pang umiling. Naitulak na niya ang dahon ng single access gate nang muli siyang tawagin ni Phil. Nilingon niya ito.
"Maggie."
"Yes."
Sandali muna siya nitong pinakatitigan bago, "I just want to greet you goodmorning."
Gusto niyang sumagot pero parang napipi siya. Mayroon kasi siyang kakaibang emosyon na nababasa sa mata ni Phil. At nang hindi na nito mahintay pa ang sagot niya, ngumiti ito bago tuluyang naglakad pauwi.
-----
2:00 PM
Nasa grocery si Maggie dahil naglambing ang Mommy niya na magluto siya ng specialty niya na Boeuf Bourguignon for dinner. It's basically beef stew with a French twist. Si Sam ang mismong nagturo niyon sa kanya.
She was eyeing a specific red wine from the rack when a familiar voice spoke from her back.
"Wine. Isn't it too early to get wasted, Maggiepie?"
She groaned inwardly. Kahit hindi niya lingunin, kilala niya ang may-ari ng boses na 'yon. It's Phil. "I'm cooking. At wala sa plano ko ang maglasing."
Nilingon niya ito. As usual, ipinapangalandakan nito ang immortal genes nito sa suot nitong simple t-shirt at ripped jeans. "Besides, I only drink on good occasions."
The side of his mouth twitched. "And good occasions include..."
"Promotion, getting a case, and winning a case." Inilagay niya sa cart ang isang bote ng white wine at red wine. She'll be needing the red wine tonight, the white wine for another dish she had in mind. Itinulak niya ang cart. Dalangin niya na sana lubayan na siya ni Phil. Kaso, sumunod pa rin ito.
"What about socializing? Catching up with old friends and meeting new people."
"That's not a celebration. We meet old and new people everyday. So, no." Nagmadali niyang itinulak niya ang cart papunta sa aisle ng mga gatas kahit na wala naman siyang naiisip na bibilhin doon. Kaso bumuntot pa rin si Phil sa kanya.
"E Chuckie, umiinom ka pa?"
Sinulyapan ni Maggie ang walang malay na chocolate drink sa rack. Agad na namula ang pisngi niya nang maalala ang pagkasira ng tiyan niya dahil sa inuming 'yon noong third year college sila. Pa'no, 'yon lang ang nilantakan niya buong araw. Natural, nagwelga talaga ang tiyan niya. Muntik na ngang magtawag ng ambulansya si Phil noon e kaso pinigil niya. 'Yon nga lang, gabi na sila nakauwi noon dahil ayaw siyang tantanan ng tiyan niya. Mukhang may balak tumira sa CR ng College of Business, Economics and Accountacy!
Sinamaan niya ng tingin si Phil. "Inaasar mo ba 'ko?"
"Of course not! Ito naman para nagtatanong lang," painosenteng sagot nito bago tipid na ngumiti. "So, hindi ka na talaga umiinom ng Chuckie?" Umangat-angat ang kilay nito bago tuluyang ngumiti.
Mamaktulan na sana niya ito kaso nakakita siya ng pagkakataong takasan ito nang may matandang magpatulong dito sa pag-abot ng gatas mula sa top rack. Nakahinga pa siya nang maluwag nang marating niya ang condiments section na payapa at walang Phil na nakabuntot sa kanya.
Ilang minuto pa, kumpleto na ang ingredients para sa lulutuin niya. Muli siyang dumaan sa milk section dahil nakalimutan niyang bumili ng low-fat milk. Napalingon pa siya nang may tumikhim sa likuran niya.
Again, it was Phil.
Hindi na nakatiis si Maggie at hinarap ito. "Sinusundan mo ba 'ko?" Nawaywang na siya sa sobrang inis sa kababata.
Phil chuckled, an amused one. "What are you saying? I'm just gonna get my supply of almond milk." Humakbang ito papunta sa rack sa likuran niya at kumuha ng tatlong karton ng almond milk. Sinadya pa nito iyong ipakita sa kanya nang pumihit ito paharap bago tuluyang i-shoot sa hawak nitong basket. Wala itong imik na naglakad palayo.
Nagbuga ng hininga si Maggie. Pakiramdam niya inaaltapresyon siya. Kung wala lang sila sa public place baka kanina pa niya ito kinalbo, sinakal at tinuhod! Napipika na siyang talaga sa panggugulo nito sa huwisyo niya.
Nagmamadali niyang tinulak ang cart at hinabol ito.
"Why are you pestering me? Hindi pa ba malinaw sa 'yo? Ayaw kitang kausap."
"May hindi ka rin maintindihan, gusto kitang kausap. And besides I'm not pestering you, Maggiepie."
Napapadyak na siya. "Stop calling me that!" she hissed.
Phil stopped on his tracks, looked at her before stretching his mouth to a boyish grin. "What should I call you then, Maggie babe? Maggie love? What about Maggie darling? O kaya Sweetheart Maggie?"
Lalong nag-init ang mukha niya sa inis. "Stop calling me with endearments! Call me Margarette! Just Margarette."
Nagbuga ito ng hininga. "Fine. Are you done shopping, Just Margarette?"
Natampal na niya ang noo, pikang-pika na talaga siya. Iisang hibla na lang ng pagtitimpi ang natitira sa sistema niya.
"Just what the hell do you want, Phil? Hindi na tayo mga bata. Ano bang nagawa ko sa 'yo para asar-asarin mo 'ko nang ganito. I am annoyed as hell para sabihin ko sa 'yo--"
"May utang ka sa akin," putol nito sa litanya niya.
Nagdikit ang mga kilay niya. "Anong utang? I don't owe you--"
"Just because you forgot doesn't mean you're excused, Margarette." Binigyan diin nito ang pagkakasabi ng pangalan niya. "And I intend to make you pay whatever it takes."
Lalong nagbuhol ang mga kilay niya. Nang maglakad papunta sa cashier ang magaling na lalaki, sumunod din siya. Naunang nakabayad ng mga pinamili nito si Phil. Matapos magbayad, tinakbo niya ang parking lot.
Papaalis na ang kotse ni Phil nang harangin niya iyon mula sa harapan.
"What the-- umalis ka diyan, Maggie!" anito, mula da driver’s seat, nakasungaw ang ulo nito sa bintana.
"No! Let's settle this once and for all!" pagmamatigas niya. "Magkano ang utang ko sa 'yo? I'll write a check--"
Bumaba ito ng kotse, namulsa at tumitig sa kanya, mataman. Ilang beses din itong humugot at nagbuga ng hininga, tila may gustong sabihin ngunit sa huli binabawi rin.
"You'll figure it out. Matalino ka naman e."
Bumalik na ito sa sasakyan. Nang paandarin nito ang kotse, kusa siyang gumilid.
Malayo na ang sasakyan ni Phil, pero nanatiling nakatanaw si Maggie.