Chapter 9

2284 Words
     Maingay ang hall kung saan kasalukuyang ginaganap ang retirement party ng Daddy ni Maggie. Ginanap 'yon sa isang hotel malapit sa opisina ng Daddy niya.      Pili lang ang mga naimbitahan. Halos mahigit-kumulang 150 guests lang.  Her father's former colleagues and bosses, close friends and some neighbours, at siyempre ang staff ng tatay niya sa  Primebuild-RMM Builders na pinagsilbihan nito bilang senior project engineer for the past 35 years. The CEO of the company, Mr. Rob Mendoza, personally gave a symbolic gift and plaque of appreciation to her father. Afterwhich, nagkaroon ng short testimonials and messages from the guests. Many memories were uncovered.  The recollection was so poignant, it made her Dad teary eyed a couple of times. Well, sino ba naman ang hindi?  Thirty-five years is a lot of time. Sa totoo lang, her father wouldn't have opted for retirement just yet hadn't it been due to the slight accident he'd encountered on-site a couple of months back. Silang dalawa ng kuya niya ang nagdesisyon na patigilin na ito sa pagtatrabaho at maging consultant na lang o kaya magtatayo ng sarili nitong negosyo. Well, under negotiations pa ang pagkakaabalahan ng Daddy niya after retirement.      Ang mahalaga ngayon, her father was all smiles the entirety of the program. She's sure, maraming babauning magagandang alaala ang Daddy niya.      "Enjoying the party, huh?"      Kusang rumolyo ang mga mata ni Maggie nang marinig ang pamilyar na tinig sa kanyang tabi. She made a sideway glance at Phil before downing the cocktail drink served at the bar where she currently sits.     "I was having a nice time by myself... until you came," sarkastikong sagot niya.     Natawa ang lalaki. "Bilib na rin talaga ako sa humor mo ngayon, Maggie. You can even make an insult sounds like a joke. Anong klaseng talent 'yan?"     Binalingan niya ito. "Sarcasm," nagtataray na putol niya rito.     "Well, I really like your sarcasm.  Deadly weapon. Even the way you look, dammit, Maggie! Your eyes can be a weapon for mass destruction. Sobrang talim!"     Sumulak na ang inis niya ngunit nagpigil pa rin siya.     "Is this still about the thing I owed you, Phillip, kaya mo 'ko pinepeste ngayong gabi?"     Tumungga ito mula sa champagne flute na hawak nito bago, "That and my love for keeping lonely people company."     "Do I look lonely to you?" Tumaas na nang kaunti ang tinig niya. Tumango ito na lalo niyang ikinainis. "Para sabihin ko sa 'yo Philip, I'm pissed! I'm so pissed!”     "Well, kahit ako man. Kung hindi ako sinipot ng fiance ko sa retirement party ng tatay ko, magagalit din ako. Where is Nerdy-Arty by the way? Hindi pa ba bumabalik?"      Inis siyang bumaling dito. "First, his name is Arthur. Second, NY-"      "NYB. None of my effin business," mabilis nitong sambot sa sana'y sasabihin niya bago ngumisi. "I know, Margarette. But I'm a nosy body. So, magtatanong pa rin ako."      Nagbuga siya ng inis na hininga. Nasaan na ba talaga kasi ang fake fiance niya nang tantanan na siya ni Phil sa pangungulit? She quickly fished her phone from her purse. May text si Arthur. She groaned inwardly when she read the message. Arthur is stuck in traffic. Mabilis niyang ibinalik ang cellphone sa purse niya bago muling um-order ng cocktail drink sa bartender.      "Easy, Maggiepie. The last time you had too much drink, nang-iwan ka ng kasama sa graduation ball. Ayokong maiwan mag-isa dito, in this sea of unfamiliar people."      Umiwas ng tingin siya ng tingin at inisang lagok ang laman na alak ng basong nakasilbi sa harap niya. The mere mention of their graduation ball six years years ago brought a familiar twinge in her heart.      Gusto niyang manumbat. Gusto niyang maninghal. Gusto niyang isampal dito ang katotohanan na ito ang dahilan kung bakit siya nag-walk out sa graduation ball nila.      But what would that make her? A bitter woman who can't get over some silly feeling from what seemed like a lifetime ago.     Tumikhim siya at ibinaba ang kopita sa counter. "I can handle myself, alright. I have changed. Everything in me had changed. So keep your concern to yourself, okay? I don't need any of it."     Nagkibit-balikat ito. "Okay, sabi mo e." Muli nitong dinala ang champagne flute sa bibig nito.     Ilang sandali pa, it was her Dad's turn to make a speech.     "My life had been a series of roller coaster rides. And all of it wouldn't be as fun as it would be without all of you in it. Most especially to my children, Richmond and Margarette,  who had been my inspiration since day one. And of course the love of my life, my amazing wife, Shirley. All of you made the journey worth it. And since all of you are special to me, I'd like you all to be a part of an occasion very dear to me and wife. And so now, I'd like to make an announcement." Nagbulungan ang mga tao. Iginiya naman ng kuya niya ang  Mommy niya paakyat ng stage na halatang naguguluhan din gaya niya sa announcement ng Daddy niya.     "I'd like to invite you all next Friday, in our home, to be the witness on me and my wife's renewal of vows as we celebrate our 30th wedding anniversary."      Nilunod ng palakpakan ang pagsinghap ni Maggie. Wala siyang ideya na may magaganap na ganoon. Nagtama ang tingin nila ng kuya niya. Nag-thumps up ito.  Saka pa lang naintindihan ni Maggie na marahil ang kuya niya ang may pakana ng lahat. Na-stress siya bigla and at the same time, nakonsensya.  Siya ang anak na babae, hindi ba dapat siya ang nakakaisip ng mga ganoon? She heaved a frustrated sigh. Marami na talaga siyang hindi nagawa para sa pamilya niya nitong nakalipas na mga  taon dahil lang iniiwasan niya si Phil. Well, that's one way of keeping herself from getting hurt again. Kaso napaka-unfair no'n.  Siya na nga ang nasaktan, siya pa talaga ang nagtatago.     Nagyakapan ang kanyang mga magulang. Her mom's face was glowing with happiness and so was her father. Ilang sandali pa, nagtungo ang mga ito sa dance floor and led everyone to dance on the sweet music.     Should she extend her leave now? Should she reschedule her flight? Of course she should! Baka itakwil na siya ng Daddy niya kapag hindi siya um-attend sa renewal of vows ng mga magulang niya.     Oh God! Why do unexpected things keep on happening? she thought, weary.     "Thirty years. Sa tingin mo aabot kayo nang ganoon katagal ni Arthur?" pukaw ni Phil sa pag-aalala niya. Nang lingunin niya ito, nakatitig ito sa kanya nang mataman.     Napakurap siya. Nailang siya sa paraan ng pagtitig nito. Umiwas siya ng tingin bago sumagot. "E-Ewan ko."     "You don't know? You're marrying him and yet thirty years from now, hindi mo alam kung kayo pa rin?"     Napairap na siya. Bakit ba ang dami nitong tanong? Siya ang abogado dapat siya ang maraming tinatanong.     Puwes, kung gusto nito ng lecture, pagbibigyan niya ito. Tumikhim siya bago sumagot. She wanted to  sound confident on her argument.  "Maraming factors for a long lasting marriage. Compatibility, loyalty, honesty, and compromise. All of those contribute to the success of a marriage. And I don't know if after that time we would--"     "What about love?" putol na tanong nito sa kanya.     Sumulyap siya rito. Titig na titig pa rin ito sa kanya. "L-love can't guarantee everything." She tried to look away but it's already too late. Phil's eyes made her a prisoner.     "Logically, you are correct. Nothing in this world is guaranteed. But love makes all the risks worth it."     Tuluyan nang lumakas ang pagkabog ng dibdib niya. For the first time in years, she’s at a loss for words. Pakiramdam niya kasi kapos sa hangin ang paligid kaya hindi siya makahinga nang maayos. Maya-maya pa, ginagap ni Phil ang kamay niya. She tried to contain her gasp though the erraric beating of her heart made it almost impossible.     "Let's dance, Maggie," anito, hindi inaalis ang mga mata sa kanya.     Nag-panic ang lohika niya. Hindi alam kung saan hahagilap ng puwedeng irason sa kausap.     "I... I… I--"     "There you are, Phil!" ani Stacey na biglang sumulpot out of nowhere. Kinuha niya ang pagkakataong iyon upang bawiin ang kanyang kamay. Wala pang isang segundo, sumulpot din sa likuran ni Stacey si Arthur. "Nagkita kami sa labas ni Arthur. Buti na lang may kasama akong late," natatawang paliwanag ng babae.     Mabilis siyang nilapitan ni Arthur. He looked really tired and troubled.     "Sorry, I'm late. Late na kasi akong lumuwas. Naabutan tuloy ako ng rush hour," paliwanag nito bago umupo sa katabi niyang bar stool.     "I-It's okay," tipid niyang sagot, ang mga mata pinaglilipat-lipat ang tingin kay Arthur at kina Phil at Stacey.     Stacey is not my wife... yet.     Yet. Ibig sabihin in the future, plano nito.     Nagbuga siya ng hininga. Hindi niya gusto ang pinatutunguhan ng isip niya.     Lumapit ang tatay ni Stacey sa dalawa. Hindi niya ito nakita kanina,  marahil nahuli rin ito at kasama ni Stacey na dumating. Ilang sandali pa, umalis na ang matanda at tinungo ang table na nakalaan para sa mga kapitbahay nila sa subdivision.     Sumunod naman sina Phil at Stacey sa matanda. And just like a de javu  from 6 years ago, nakalimutan siya ulit ni Phil dahil lang sa pagdating ni Stacey. Hindi na nito inulit ang pag-aya nito sa kanya na sumayaw. Ni hindi rin nga nito nagawang magpaalam man lang sa kanya.     Wala sa sarili niyang pinagmasdan ang dalawa. Ang marahang paghila ni Phil kay Stacey patungo sa dance floor. Ang masuyong paglapat ng ulo ni Stacey sa dibdib ni Phil. At ang marahang pagsayaw ng mga ito sa saliw ng musika.     Just like that. Phil forgot about her again just like that.     Umiwas siya ng tingin. Masama na ang nararamdaman niya. The scene just made her heart ache. Hindi na siya dapat nasasaktan pero nasasaktan pa rin siya. And she finds it utterly unfair na lagi na lang siyang sinasaktan ni Phil. At ang masaklap, hindi nito iyon alam at wala siyang karapatang ipaalam.     Sa puntong iyon, alam na niya. Alam na niyang hindi pa tapos mahalin ng puso niya si Phil.     And because she can't deal with the pain coming from her foolish heart, um-order siya ng tatlong tequila shots  sa bartender. Sunod-sunod niyang tinungga iyon pagkatapos.  She wanted to just knock herself to sleep and skip all the drama for the night.     Muli pa sana siyang oorder nang magsalita si Arthur.     "I guess you have had enough drinks for the night, Maggie." Tumayo si Arthur at inalalayan siya sa pagbaba mula sa stool. Susulyap pa sana siya sa dancefloor nang, " Eyes on me, Maggie. There's no need for you look at them," ani Arthur. Mabilis siya nitong kinabig payakap bago iginiya palabas ng hall. Dumiretso sila sa kotse nito sa parking lot. Pumuwesto ito sa driver's seat habang siya naman, sa shot g*n seat.     Matagal silang walang imikan. Hindi rin pinaandar ni Arthur ang kotse. Nanatili lang silang tahimik. Hindi nagkikibuan.     Nakatulala siya sa harapan ng sasakyan. She's trying to contain the hurt, preventing her tears from falling and convincing herself that she is okay. Kinaya niyo 'yon noon, kaya rin niya dapat ngayon.     "Siya pa rin. Si Phil pa rin," seryosong sabi ni Arthur maya-maya.     Nilingon niya ito. Mataman itong nakatitig sa kanya. She wanted to lie, to just keep the hurt to herself, just like before. But she can't lie to Arthur. He knows her too well even the pains she cannot utter.  One look from him and she's exposed.     Agad na nangilid ng luha niya. Hindi na niya nagawa pang sumagot. Bagkus ay yumakap na lang siya sa kaibigan at umiyak nang umiyak. Gaya noong gabi ng graduation ball nila, noong hinatid siya nito sa kanila habang umiiyak, hindi nagsalita si Arthur. Niyakap lang siya nito. Mahigpit.     "I wanna go home," aniya nang bahagya siyang mahimasmasan.     Arthur drove back to their house in silence. Hinatid din siya nito hanggang sa kuwarto niya. Ngunit bago siya nito iwan, may sinabi ito.    "I have to go back to Texas early, Maggie. Samantha called and she had a minor accident in the kitchen and... she needs me. I already booked a flight for tomorrow. Ayos lang ba sa ‘yo na iwan kita rito?"     Kumurap-kurap muna siya bago alanganing tumango. "Go. I... I'll be fine."     Pilit na ngumiti si Arthur. Inabot nito ang pisngi niya. "You're hurt is clearly written in your eyes. And you know what? There's only one cure  to stop all the what if's and questions in your head, the chasing, and the hiding you've been doing for the past years. The truth." Napakunot-noo siya. Arthur cupped her face with his hands and looked at her intently. "I wish you all the love you deserve. And I hope you'd stop running away from the truth. We were trained to uncover truths with the right questions. And right now is the time to ask him why he did what he did to you. Free yourself, Maggie. Be brave and ask him."     Kinintalan siya nito ng halik sa noo bago ito tuluyang lumakad patungo sa tinutuluyan nitong kuwarto. She closed the door behind her and walked towards her bed. Still with a heavy heart, she laid down quietly on it.     Papasikat na ang araw nang dalawin siya ng antok. At paggising niya, nakaalis na si Arthur.  

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD