Magulo at maingay ang paligid. Katatapos lang ng graduation nila Maggie. Finally, she finished her BS in Accountancy course with flying colors. Sunod naman niyang bubunuin ang board exam. Excited na lumapit ang dalaga sa pamilya niya na naghihintay sa likuran ng theater kung saan ginanap ang graduation rites ng university. Maluha-luha siyang sinalubong ng Mommy niya.
"My baby is now a college graduate," anito sa pagitan ng pagsinghot. "I'm so proud of you Maggie."
"Thank you, Mom," bulong niya habang nakayakap pa rin sa ina.
"Next stop, law school!" excited naman na banggit ng Daddy niya.
Binitiwan siya ng Mommy niya at pinukol ng masamang tingin ang Daddy niya. "Ikaw naman Lawrence, pine-pressure mo nang husto si Maggie na maging CPA Lawyer. E bakit ikaw, you pushed your dream to become an Engineer. Palibhasa, frustration 'yon ng Papa mo sa 'yo, pinapasa mo sa anak mo." Bumaling ito sa kanya at bahagyang inayos ang buhok niya. "Do what you what you want to do. Law school or not, I'm still proud of you."
Ngumiti siya. Her mother had always been supportive of her in all her endeavors. Psychologist ito at kasalukuyang guidance counselor sa isang international school. Madalas itong mag-explain tungkol sa human psyche, expressions and the hows of things. Habang lumalaki siya, siniguro ng Mommy niya na bukas ang linya ng komunikasyon sa kanilang mag-ina. Ang sabi nito, sa panahon ngayon, hindi daw madaling maging teenager. Ang pressure daw kasi to be accepted and wanted ay hindi lang nanggagaling sa outside world, pati na rin daw sa virtual world. Kaya naman kahit na may full time ito sa trabaho nito, ni minsan hindi naramdaman ni Maggie na nag-iisa siya. She can say everything to her mother. And she's more than blessed to have a mother like Dr. Shirley Fernandez. Siguro kung may isang bagay na hindi pa niya sinasabi sa Mommy, 'yon ay ang tunay niyang nararamdaman kay Phil. Well, that's a thing she promised to keep from her family until the end of times.
"Si Kuya?" takang tanong niya maya-maya.
Panandalian siyang luminga at sa 'di kalayuan, nakita niya ang Kuya Richmond niya na nakiki-picture sa grupo ng mga graduates mula sa College of Engineering. Napairap siya. Hanggang ngayon na tatlong taon nang graduate ang kuya niya may mga naliligaw pa rin itong fans sa university.
Well, unlike her, her brother, is quite popular as a college student. Basketball varsity player, campus heartthrob and a dean's lister. Well, she's a deans lister too but not as popular as her brother. Marami nga ang hindi makapaniwala na kapatid siya nito e. She's a recluse and her brother is very out-going. She loves being invisible while her brother loves basking in the limelight of popularity.
Nang makita siya nito agad itong nagpaalam sa grupo ng mga kababaihang nagpa-picture dito at lumapit sa kanya.
"Mags, graduate ka na! I can't believe it! Pa'no ka nila pinasa?" nakangising kantyaw nito sa kanya.
"Dad, o!" nakangusong sumbong niya sa ama.
"Tigilan mo 'yan, Richmond. Today's Maggie’s day. Stop pestering your little sister," anang Daddy niya sa awtorisadong tinig.
"Biro lang! Ito naman si Maggiepot, tampurorot agad. Mahal ang gift ko sa 'yo, 'kala mo. Bigay ko sa 'yo mamaya sa lunch," anito bago siya inakbayan. Sa totoo lang, thoughtful ang kuya niyang si Engr. Richmond Alekzander Fernandez. Alaskador nga lang talaga. At madalas siya ang paborito nitong gawing subject ng kalokohan.
"Hi, Maggie. Congrats!" ani Arthur na hindi niya namalayang nakalapit na pala sa kanya. Nang lingunin niya ito, may hawak itong bouquet ng red roses. Alanganin nito iyong inabot sa kanya.
"Thanks, Arthur. Congratulations too," aniya. Nang tumikhim ang Daddy niya saka pa lamang niya naalala na ipakilala ang binata sa pamilya.
"And you are my daughter's date for tonight's ball?" anang Mommy niya, ang mata naka'y Arthur.
"Yes, Ma'am," masayang sagot nito bago tumingin sa kanya. "I promise to take good care of her."
"Till death do you part?" biglang tanong ng Daddy niya.
"And so help you God?" dagdag pa ng kuya niya.
"P-po?" ani Arthur, taranta ang mukhang tumingin sa kanya.
Nilingon niya ang kapatid. Hanggang tenga ang pagkakangisi nito. Napairap siya. Tinataranta at pasimpleng ginigisa ng Daddy at kuya niya ang kawawang si Arthur. Hindi pa naman ito sanay sa gano'n. Avid follower ito ng world peace, enlightenment at zen!
"They're just kidding, Arthur," anang Mommy niya. "I know you are a good young man and you will take care of my unica hija. Right, Maggie?"
Hindi siya agad sumagot bagkus ay tinignan niya muna si Arthur. Papunta na sa ngiwi ang pekeng ngiti nito. Nailang talaga sa simpleng pangha-hotseat ng Kuya at Daddy niya.
"Right. I'll see you tonight Arthur. Salamat ulit sa flowers," aniya. Bago ito tuluyang nagpaalam, nagpakuha pa silang dalawa ng picture.
Maya-maya pa, sina Tita Clara at Tito Robert, ang mga magulang ni Phil, naman ang lumapit sa kanila. Nakipag-usap ang mga ito sa mga magulang niya tungkol sa joint lunch celebration nilang dalawa ni Phil sa isang restraurant.
Hindi kasama ng mga ito si Phil. Nang ikalat niya ang tingin, nakita niya sina Phil at Stacey having a selfie. Halos magdikit na nga ang mukha ng mga ito. Gumuhit ang sakit sa dibdib niya. Nitong nakaraang mga araw kasi, lalong nagiging malapit ang mga ito sa isa’t isa. Araw-araw, kasama nila si Stacey sa pagpunta at pag-uwi galing sa school. At halos wala siyang magawa. Siyempre alangan namang awayin niya si Stacey. Alangan namang mag-deklara siya ng trespassing tuwing lalapitan nito si Phil. Sino ba naman siya para gawin 'yon? She's just Phil's bestfriend.
No more, no less.
Sandali pang nag-usap ang mga ito bago lumapit si Phil sa puwesto nila. Nagkunwari naman siyang hindi niya nakita ang paglapit nito.
"Maggiepie! Congrats!" masayang bati nito bago siya inakbayan. Agad na kumabog ang dibdib niya sa inakto ng kababata. Umahon ang kilig mula sa tiyan niya patungo sa dibdib niya. Sa ganitong mga pagkakataon, masarap mangarap. Na baka puwede silang dalawa ni Phil. Na baka nga may something sa kanila na hindi pa lang handang pangalanan ni Phil. Pero...
"I am the proudest best friend, Maggiepie! c*m Laude e. Talino!"
Best friend. A, oo nga. Hanggang do'n lang pala talaga sila.
Nginitian siya nito bago pinisil ang pisngi niya. Umangal siya ngunit nanatiling nakakurot ang mga daliri nito sa pisngi niya. At dahil ayaw nitong tigilan ang pisngi niyang siguradong namumula na, siniko niya ang magaling na lalaki sa tyan. Nilakasan na niya nang bahagya para naman makaganti siya kahit papano sa paulit-ulit nitong p*******t sa ego at puso niya kahit hindi nito alam.
Kumalas ito sa kanya bago umuklo, sapo ang sikmura. "s*****a kang talaga, Maggie. Para binibiro ka lang."
Tumuwid ito ng tayo at walang sabi-sabing hinigit siya palapit dito. At dahil sa gulat, bumunggo si Maggie sa dibdib nito at wala sa sarili niyang tiningala ang magaling na kababata. Tatarayan niya sana ito kaso... alanganin ang ditansya ng mga labi nila. Masyadong malapit na para bang nalalasahan na niya ang mabangong hininga nito. Lalong lumakas ang pagkabog ng dibdib niya. Pakiramdam niya, barado ang baga niya at wala na siyang kakayahang huminga.
Buti na lang mabilis na nakabawi si Phil. Tumikhim ito at ngumiti na siyang nagpakawala sa anumang spell na bumalot sa kanya sandali. Niluwagan nito ang pagkakayakap sa kanya bago siya muling inakbayan.
"Picture tayo, Maggiepie," deklara nito bago mabilis na inilabas ang cellphone nito. Alanganin ang bawat pagngiti niya sa bawat picture. At kahit na anong gawin niyang ngiti, ayaw talagang umayos ng facial muscles niya. Para tuloy siyang natatae na ewan.
"Tapos na kayo d'yan?" pukaw ni Tita Clara sa kanila maya-maya. Sabay silang tumango. "Halina kayo. Baka ma-traffic pa tayo," dugtong pa ng Mommy ni Phil. Nagpatiuna na itong naglakad palayo kasama ang asawa nito at ang mag-anak na Fernadez.
Susunod na sana siya sa mga kasama kaso biglang hinawakan ni Phil ang kamay niya. Napatingin tuloy siya sa kamay nilang magkahugpong. Sa maraming taon ng pagkakaibigan nila ni Phil, ngayon lang nito hinawakan ang kamay niya. Well, bukod noong partner niya ito sa prom at noong debut niya. Pero walang okasyon ngayon bakit may pa-holding hands ito?
Kunot ang mga noong tinignan niya ito. Gumanti rin ito ng titig bago, "What? Tara na. Lunch."
Magkahawak-kamay silang lumabas ng theater hanggang sa marating nila ang kani-kanilang sasakyan.
Alanganin ulit ang comprehension ni Maggie. Nagtatalo ang lohika niya at ang puso niya. Kung mga numero siguro 'yon, baka mas madaling magbigay ng meaning at insight. Pero...
In the end, pinili niyang h'wag na lang bigyan ng meaning ang pa-holding hands ni Phil.