Kabado si Maggie habang pinagmamasdan ang kanyang sarili sa harap ng salamin. Suot-suot niya ang cocktail dress na binili pa mismo ng Mommy niya sa isang sikat na designer. The little black dress was made of fine laces and expensive silk. Sabi ng bakla na nag-make up sa kanya kanina, litaw na litaw daw ang ganda ng kutis niya sa damit. The make-up artist said she has olive-tone skin. Not negra nor parang pwet ng kawali. Sabi pa nito, na kahit 'di siya gaanong katangkaran, pwede raw siyang pumasang modelo. Basta alam niyang i-project ang sarili niya sa crowd at siyempre sa camera. Nahiling niya tuloy na sana naririnig ni Stacey ang mga sinabi ng bakla kanina.
Mabilis siyang umiling. Aktibo na naman ang insecurities niya kahit malayo si Stacey sa kanya.
Nagbuga siya ng hininga at plinantsa ng kamay ang damit niya. Inayos din niya ang nakalugay niyang buhok na hanggang balikat ang haba na sadyang kinulot ang dulo for a touch of simple elegance. On her ears were her mom's vintage pearl earrings. And on her neck was a silver necklace with an ornate heart pendant.
Indeed, she looked simple yet exquisite.
A smile broke in her mouth as she casually ran her fingers on the necklace she was wearing. It was Phil's graduation gift for her. In turn, she gave him an ID bracelet with his name carved on it. Hindi naman sila nag-usap na dalawa and she really find it amazing na parehong alahas ang iniregalo nila sa isa't isa.
Pero wala sa damit, sa make-up o sa suot niyang mga alahas ang atensyon niya ng mga oras na 'yon. Kundi nasa puso niyang ganado sa pagtambol. Hindi kasi siya masusundo ni Arthur sa bahay nila. May last minute touch-ups daw sa venue at kailangan ito doon bilang president ng graduating class. Kanina habang nagla-lunch sila, nag-volunteer na ang Kuya Richmond niya na ihatid siya sa venue ng ball. But Phil insisted na makisabay na lang daw siya sa kanila ni Stacey. Aayaw sana siya kaso sa bandang huli pumayag na rin siya.
Bukas, aalis na si Phil. At mawawala ito ng dalawang taon. Titiisin na lang niya siguro ang walang effort na kaplastikan ni Stacey basta makasama niya si Phil nang mas mahaba ngayong gabi at hindi lang sa last dance.
Wala sa sarili niyang pinagmasdan ang dalawang picture na nakapatong sa night stand. Kuha ang mga 'yon noong elementary at high school graduation nila ni Phil. In an instant, her heart was filled with nostalgic memories.
She then realized that she’d terribly miss Phil. Maisip pa lang niya, parang hindi na niya 'ata kaya. But it can't be helped. They had grown. And society tagged them as ready, ready to embark on their new journey to adulthood.
Napaigtad pa siya nang may busina sa harapan ng kanilang bahay. Sumilip siya sa bintana. She saw Phil right outside their gate. Kumaway ito nang makita siya. She had one last glance of herself on the mirror before she went out of her room. Matapos ang ilang papuring narinig niya mula sa Daddy at Mommy niya na noon ay kasalukuyang nanonood ng TV sa sala, madali niyang tinungo ang front door. Saktong naroon na rin si Phil, naghihintay... sa kanya.
Lalong lumakas ang pagtambol sa dibdib niya nang magtama ang kanilang mga mata. As usual, he looked dashing on his coat and tie. Pinigil niya ang sariling h'wag maalangan nang simulan nitong ipasada ang mata sa kabuuan niya. Nakasalamin sa mga mata nito ang paghanga.
"You're wearing it," anito nang dumako sa leeg niya ang mga mata nito. Ang tinutukoy ay ang kwintas na bigay nito.
Ngumiti siya at sinilip ang wrist nito. "And so are you," komento niya nang makita niya ang ID bracelet na regalo niya rito.
Ngumiti lang din ito bago muli siyang pinakatitigan.
"We'll don't just stand there, Phillip. I'm waiting for a compliment," natatawang sabi niya.
"Y-you're beautiful Maggiepie... I mean, Margarette."
Napangiti siya. Ikinumpas pa sa ere ang kamay. "Don't mention it. I know."
Natawa si Phil sa isinagot niya. "Matindi rin talaga ang paniniwala mo sa sarili mo, 'no Maggie?"
"Well, ano pa bang magagawa ko? Natuto ako mula sa pinakamayabang na taong nakilala ko. And I'm your best student, Mr. De Guzman." Muli, natawa ito habang umiiling. "You looked handsome as well," dugtong niya.
Tumikhim ito at inayos kunwari ang coat nito. "Well, I don't want to disappoint. I have an image to uphold, Maggiepie."
Nanulis ang nguso niya. "Yabang!"
"Hindi kaya. Honest lang."
Kusang rumolyo ang mga mata niya sa sinabi nito. Hindi na lang siya sumagot baka kasi humaba pa ang usapan.
Ilang sandali pa, nagpaalam na ito sa mga magulang niya. Gaya kaninang lunch, hawak nito ang isang kamay niya habang maingat siya nitong iginigiya patungo sa kotse nito. Sa passenger's seat sana siya didiretso kaso okupado na pala ‘yon. Noon lang niya naalala na kasama nga pala nila si Stacey papunta sa venue ng ball.
Nagngitian lang sila ni Stacey bago siya tuluyang sumakay sa back seat ng kotse. Pag-upong-pag-upo niya, nilunod siya agad ng mabangong halimuyak ni Stacey. Gusto niyang magmura dahil halos malasahan niya ang pabango nitong sobrang tamis at feminine ang dating. Anong laban do'n ng regular scent ng Johnson's Baby Cologne na siyang ginamit niya?
Kung alam lang niya na magpapatalbugan din sila ni Stacey sa halimuyak ng katawan, sana pala 'yon na lang favorite scent ng mommy niya from Chanel ang ginamit niya kanina.
Lihim siyang umirap. Wala pang halos isang minuto silang magkakasamang tatlo, badtrip na siya agad. Hindi talaga magandang tabihan si Stacey. Nangangain ito ng self-confidence.
Nang masiguro ni Phil na maayos na siya sa backseat, lumarga na sila patungo sa venue ng ball. At gaya ng mga nakaraang araw, walang kontribusyon si Maggie sa ingay sa loob ng sasakyan dahil tungkol pa rin sa sports ang topic. Ngayon lang talaga niya napagtanto na mas marami palang puwedeng mapag-chismisan tungkol sa mga athletes kaysa sa mga celebrity ng Hollywood. At dahil hanggang numero at contemporary music lang hangganan ng kanyang talino, buong biyahe siyang walang imik.
Nakahinga lamang siya nang maluwag nang marating na nila ang venue ng graduation ball. Isa iyong three star hotel na malapit rin sa university. Unang bumaba si Phil at inalalayan siya sa pagbaba. For a while the spotlight was on her and most, if not all, guests gave her a second and even a third look. Ngayon niya naintindihan kung bakit gustong-gusto ng Kuya Richmond niya ang atensyon na nakukuha nito sa mga babaeng humahanga rito.
Agad siyang nilapitan ni Arthur, who for her taste has transformed into one real hunk just for that night. It's probably because he got rid of his nerdy glasses and opted for contacts, his pushed-back hair or the well-tailored suit he wore.
Tama siya. Mahawaan lang ng kaunting fashion sense si Arthur, marami talaga itong patutumbahin na hunk wannabe sa university.
"Wow! Margarette, you're... mesmerizing," anito matapos ipasada ang mata sa kabuoan niya.
Napangiti siya. Bumalik ang confidence niya sa sinabi ng kapareha sa gabing iyon. "You look close to perfection as well, Arthur. I told you, you should lose the glasses."
Nahihiyang nagkamot ng ulo si Arthur. Ngumiti, bago maingat na dinala ang kamay niya sa nakahandang bisig nito. Kaso naramdaman niya ang pagsi-shfit ng atensiyon ng mga tao nang si Stacey naman ang alalayan ni Phil pababa sa kotse nito.
Stacey was wearing a tube midnight blue beaded gown. It was as if the gown was ripped straight from the night sky along with it are the sparkling stars. She looked liked a goddess ready to blind them all, mere mortals, with her luster and dazzle.
Pinauna nilang makapasok sina Phil at Stacey sa venue bago sila sumunod ni Arthur. Kusang sumunod ang mga mata niya sa direksiyong tinahak nina Phil at Stacey. Nasa dibdib naman niya ang mabigat na pakiramdam na sa buong buhay niya ay hindi pa niya nararanasan─ selos. Pa'no naman niya mararamdaman ang selos noon, e never pa naman nagka-girlfriend si Phil. Nanatili itong loyal admirer from a far ni Stacey for many years.
Sana pala talaga hindi na lang nagka-kotse si Phil para hindi na ito nagkalakas-loob na lapitan pa si Stacey. Nahihiya kasi itong lapitan si Stacey noon dahil puro bigating tao ang manliligaw ng beauty queen.
Dumiretso siya sa table ng mga blockmates niya at mula roon ay pilit na tinanaw ang bulto nina Phil at Stacey na masayang nagkukuwentuhan. Hindi bale maghihintay na lang siya mamaya... sa last dance na ipinangako ni Phil na ibibigay nito sa kanya.
---
Lumipas ang ilang oras ngunit nanatiling malapit sa isa't isa sina Phil at Stacey. Halos tatlumpung-minuto na lang, matatapos na ang event. And Maggie is beginning to doubt if Phil still remembers her promise to her. Palagi kasi hinihila ni Stacey si Phil sa kung saan-saan at nakikipag-usap ito kung kani-kanino. Ni hindi nga 'ata alam ni Phil kung saan siya hahanapin. Lalo pa siyang nainis dahil lagi siyang iniiwan ni Arthur sa table nila. Ito kasi ang nag-overseer sa buong event. Nang hindi na siya nakatiis, nag-request siya ng cocktail drink sa bar.
Diretsong tinungga ni Maggie ang cocktail drink na laman ng basong hawak niya. Nakakalimang baso na 'ata siya no'n, pero hindi niya malasahan ang pait o kaya ni kaunting sipa ng inumin. Maya-maya pa muli siyang binalikan ni Arthur.
"Sorry," anito, binigyan pa ng marahang pisil ang kamay niya.
"Isayaw mo na lang ako, Arthur," walang gana niyang sagot. Agad namang tumalima ang lalaki. Maingat siya nitong iginiya sa dancefloor.
Mula sa dancefloor, muling hinanap ng mga mata niya sina Phil at Stacey. Natagpuan niya ang mga ito na masinsinang nag-uusap sa isang sulok. Ilang sandali pa, nagyakap ang mga ito. And then... they kissed.
She felt her heart hitched as deep pang of sorrow filled her. Mabilis niyang iniiwas ang tingin. Dagli siyang natigilan sa paggalaw sa dancefloor at yumuko.
Sigurado na siya, hindi na naaalala ni Phil ang pangako nito sa kanya.
"Maggie, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Arthur. Umiling siya. "I guess you had too much drink. Nahihilo ka ba? Do you want to sit?"
Umiling siya ulit. "P-puwede mo ba ‘kong ihatid sa... sa bahay namin?" nahihirapang pakiusap niya.
Hindi ito sumagot bagkus ay marahan siya nitong iginiya palabas ng venue. Nang makalulan sila ng taxi, doon pa lamang siya nagsimulang umiyak. Gusto niya sanang magpaliwanag man lang kay Arthur ngunit pakiramdam niya imbalido ang dila niya. Mabuti na lang at hindi nagtanong si Arthur. Nakinig lang ito sa kanyang mga paghikbi habang hinahagod ang likod niya. Nang makarating siya sa kanila, kalmado na siya. Nagpasalamat siya kay Arthur bago siya tuluyang pumasok ng bahay nila.
Buti na lang tulog na ang mga magulang niya. Wala nang magtatanong kung bakit umuwi siya na hindi kasama si Phil. Subalit nang tuluyan na siyang nahiga sa kanyang kama, ayaw man niya, nagtanong ang kanyang puso sa kawalan. Tinanong ng puso niya kung bakit hindi siya─ bakit hindi siya ang para kay Phil.
---
Alas doce y medya na ng tanghali nagising si Maggie kinabukasan. Nananakit man ang kanyang ulo at mata, napabalikwas siya sa kama nang maalala na ala-una kinse ng hapon ang flight ni Phil papuntang Singapore. Agad niyang sinilip sa bintana ang bahay ng mga De Guzman. Sarado ang lahat ng bintana, pati ang gate, naka-lock. Sigurado siya, nasa airport na ang mga ito. Hindi na niya naisip pa ang anumang nangyari kagabi. She needs to say goodbye to Phil.
Mabilis niyang tinawagan ang cellphone ni Phil. Nakahinga pa siya ng maluwag nang matapos ang ilang ring, may sumagot sa kabilang linya.
"Phil!"
"Yes, Maggiepie," natatawang sagot nito. "Sinilip kita kanina, tulog ka pa e. Hindi na kita ginising."
"A-ano kasi... ano..."
"Nakita ko kayo kagabi ni Arthur na sumakay ng taxi. Siya ang naghatid sa 'yo?"
"Ha?" Lumunok siya. Ngumiwi. "O-oo e. Medyo nahilo kasi ako. Naparami 'ata ako ng inom sa cocktail drink," pagrarason niya.
Nagbuga ito ng hininga. "Be... careful next time."
Maya-maya pa, narinig niyang nagtatawag na ng pasahero para sa flight ni Phil.
"Hey Maggie, listen. Focus on the review. Ipasa mo 'yong board exam."
"I will. Ikaw din. Go pro and get that sponsor too," aniya sa pinasiglang tinig.
"I promise you, I will." Nagbuga ito ng hininga. "Alagaan mo ang sarili mo habang wala ako, ha?"
Nakagat na niya ang pang-ibabang labi niya. Ito na 'yon talaga. Aalis na si Phil.
"I will... T-take care of yourself too." Garalgal na ang tinig niya.
"Okay, Maggiepie. I have to go. Keep in touch, okay? I'll miss you."
Napapikit si Maggie. Tumulo na ang luha niya at pinipigil niya ang sarili na humikbi. At dahil halo-halong emosyon na ang nararamdaman niya sa mga oras 'yon bigla na lang niyang nasabi ang, "Phil, I love you."
Natutop ni Maggie ang kanyang bibig ngunit huli na ang lahat. Nasabi na niya ang hindi dapat. Ngunit nanatiling tahimik si Phil sa kabilang linya.
"P-phil? A-are you still there?" alanganin niyang tanong maya-maya, nag-aalala.
Ngunit hindi na sumagot pa si Phil. Matapos ang ilang segundo, tuluyan nang naputol ang tawag.