Chapter 6

2342 Words
      "Six years and nothing has changed!" naiiling na komento ni Maggie habang nakatingin sa labas ng sasakyan. "Wala man lang pinagbago. In fact, lumala pa nga 'ata." Sinipat ni Maggie  ang wristwatch niya. "Oh heck! We've been stuck here for almost 30 minutes! Gumagalaw pa ba tayo, Kuya?"       Natawa lang si Kuya Richmond. "Of course, we are! At saka anong ine-expect mo sa traffic sa Pilipinas, mawala na lang na parang milagro? It ain't Manila if there's no traffic."       Humugong siya at ipinaikot ang mga mata.        "Well, kung may nagbago man, ikaw 'yon. Naging mas reklamador at mas mabunganga ka, Margarette. Paano mo natagalan 'tong mala-armalite na bunga nga ni Maggiepot, Arthur?" Sinulyapan ng kuya niya si Arthur na nasa backseat na noon ay tahimik na kinakalikot ang cellphone nito.       Ngumisi si Arthur. "Easy," umpisa nito bago nag-angat ng tingin. "I use earmuffs," natatawang patuloy nito. Pumutok ang tawanan sa loob ng sasakyan.        Nilingon niya ang magaling na lalaki at inirapan. "You're joke is definitely not working. I am annoyed as hell, Arthur," aniya bago muling itinutok ang mga mata sa daan.        "Relax, Maggie. Pinapagaan ko lang pakiramdam mo. I know this trip is--"       "This trip messed up my schedule for the final quarter of the year. No more, no less!" galit na putol niya kay Arthur. Bumaling siya sa kapatid. "At kasalanan mo 'yon, Kuya!"       "Oh, ba't ako na naman sinisisi mo? Ako ba ang magpapa-party? Si Daddy naman ah," depensa ni Kuya Richmond.        Umirap siya dahil tama ang sinabi ng kuya niya. She's clearly just frustrated that's why she's doing the blame-game. "Why are they making a big deal out of this retirement send off whatchamacallit program? Seriously, why throw a party when you can use the money for... I don't know... maybe a plane ticket to New York!"        Hindi sumagot ang kuya niya bagkus ay pinakatitigan lang siya.  Parang nananatya at may binabasa sa mga mata niya. Marahan itong umiling bago ibinalik nito ang tingin sa kalsada at walang imik na muling pinausad ang saksakyan.        Pagod na sumandal sa passenger's seat si Maggie. Aminin man niya o hindi, hanggang ngayon na nasa sasakyan na siya pauwi sa bahay nila, hindi pa rin talaga siya sigurado kung tama ang desisyon niyang pagbigyan ang Daddy niya na umuwi siya para sa retirement at farewell party nito sa kumpanyang pinagsilbihan nito ng 35 years. Ilang linggo rin siyang sinuyo ng Daddy at Mommy niya na umuwi. Noong una ayaw niya at  marami siyang idinahilan. But when her parents questioned her love for them, doon na siya bumigay. Well, hindi naman agad-agad. She knocked her senses off with a couple of bottles of vodka before she made the most insane decision she had ever made for the past six years and that is to go home.       Home. She blinked at the thought and looked outside the window. May pamilyar na pagkabog sa dibdib niya na hindi niya alam, matapos ang ilang kasong hinawakan niya abroad, ay puwede pa rin pala niyang maramdaman.        Well, it can't be helped. For her, home equates to sadness, disappointments and stupidity.        Stupidity. Lihim siyang napailing nang dumaan sa isip niya ang isang eksenang para sa kanya ay sukdulan ng katangahan.        Mahigit kalahating dekada na siyang wala sa Pilipinas. After she passed the CPA Board Exam six years ago, Atty. Maribel Avanzado, her and Arthur's mentor, recommended both of them for an opportunity to work and study at Yale University. At first she wasn't sure. Her mother was against it. But her Father and brother were both pushing her to grab for what they say a once in a lifetime opportunity. After weeks of indecision she finally took it, learned the ropes of the trade and the rest as they say is history. She's now a successful corporate lawyer based in New York under Kirkland & Ellis, one of the most prestigious  law firms in the world.        As for Arthur, na-achieve na nito ang maging instrument for world peace. He's now working as a private attorney mostly for pro bono cases involving human rights.  Well, hindi naman nito kasi kailangan ng maraming pera because Arthur owns half of one of the rising Asian superstores in Texas. The other half was owned by his brother and sister-in-law. Binitbit kasi nito ang buong pamilya nito pa-Amerika nang tanggapin nito ang opportunity sa Yale.        Palibhasa may lahing Chinese at nasa puso talaga ang pagnenegosyo, itinuloy ng Mama nito ang pagnenegosyo sa ibang bansa. Hanggang sa lumaki nang lumaki ang noo'y mini-grocery lang at ngayon nga'y isa nang superstore that caters most, if not all, Asian products there is. The store was the legacy of Arthur's mother who passed away two years ago. Kaya naman mas pinili na lang talaga ni Arthur ang mag-private practice para matutukan ang naiwang negosyo ng Mama nito.  Buti nga sumama pa ito sa kanya pauwi ngayon kahit na abala ito sa kasal ni-       "And we're here!" anang kuya niya. Agad naman na bumalik sa kasalukuyan ang isip niya. Hindi niya namalayan na nasa harap na pala sila ng gate ng subdivision nila. "Kaway ka na sa gate, Mags. Hindi mo ba na-miss ang gate ng subdivision. Bagong pinta 'yan! Ako ang nag-donate ng pintura," may himig ng pagmamalaki ang kuya niya. Muntik na siyang hindi maniwala kaso nga lang homeowner na rin sa subdivision si Kuya Richmond. May bahay na rin kasi ito doon na siyang tinitirhan ng sarili nitong pamilya.      "I'm not a kid, Kuya," pasupladang sagot niya.       Natawa lang ito. "But Maggie,  your height speaks otherwise."       Hindi na siya nakatiis at tinampal ang braso ng kapatid. Nagtawa pa rin ito, pati si Arthur nakisali. At kilala niya ang dalawa, hindi titigil ang mga ito sa pang-iinis hangga't nakikita nila na effective ang pang-iinis sa kanya.        Nanahimik siya at ibinalik ang mata sa labas ng sasakyan. Maliban sa mga bagong patayong mga bahay, halos walang pinagbago ang subdivision. She bit her lip when she saw the park she frequently visits as a child. Nostalgia flooded her mind almost immediately when she saw the swing where she and Phil used to play.       Phil.        She let out a controlled breath. Maybe that's the reason why she resent going home.       Home means Phillip Vaughn De Guzman.        And whenever she thinks of home, she's drowning. Drowning from the unfinished issues of her past.       Past. Was. Used to.        Lihim siyang nailing  nang maalala niya ang nangyari sa kanila ni Phil six years ago. She dreaded the unexpected confession she had made six years ago because it ended everything. Phil did not talk to her ever since.  And finally, when she got tired of waiting and hoping, she blocked Phil not just from her phone but from her life. It was a struggle at first.       Habang nagre-review siya sa board exam, mas pinili  niyang mag-dorm para hindi niya ito maisip. She even changed her number para mas sure na hindi na nga siya mako-contact ni Phil kahit na kailan. Pati na rin sina Tita Clara at Tito Robert iniwasan din niya.       For Maggie, Phil was just a part of a distant memory not worthy of remembering. And she was determined not to make Phil a part of her future. Tutal ito naman ang unang nakalimot.       Kung sa bagay,  nakuha naman nito ang gusto nito e. Professional tennis player na ito ngayon or so she heard from her mother. At patuloy daw ang pagsikat ng pangalan nito sa Europe. Daw kasi hanggang ngayon wala pa rin siyang hilig sa sports. The closest she got to sports is her daily running routine which developed her lungs and lessened her asthma attacks.       Clearly,  their distance from each other did them both good. All of the best things happened to them when they were apart. Minsan naiisip niya, sila siguro ang jinx ng isa't isa.       "Welcome home, Atty. Fernandez. Humanda ka sa paniningil ni Emma sa 'yo," deklara ng kuya niya bago inihimpil ang sasakyan sa tapat ng bahay nila. Ang Emma na tinutukoy nito ay ang tatlong taong gulang na anak nito at ng hipag niyang si Charm. Hindi pa niya  nami-meet in person si Emma, pero lagi silang magka-Facetime na mag-tiyahin kaya pamilyar ang bata sa kanya. Pati ang hipag niya, isang beses pa lang niya itong nakakasalamuha,  noong i-sponsor niya ang honeymoon ng mga ito sa Amerika. Parusa iyon ng kuya niya sa kanya dahil hindi siya nakauwi sa kasal nito. Paano, araw-araw na para siyang naka-zombie mode ang drama niya sa law school noon dahil sa higpit ng schedule niya.       Tinanaw niya ang kulay brown na gate sa harap niya. She really is home.       Agad siyang umibis ng sasakyan. Ilang sandali pa, bumukas ang gate ng bahay nila at lumabas mula roon ang buong pamilya niya, full force sa pagsalubong sa kanya.       Agad siyang sinalubong ng mga ito ng mahihigpit na yakap at matatamis na halik sa pisngi. Nagpasalamat ang Daddy niya sa pag-uwi niya. Nabibilib na raw ito sa effectivity ng acting skills nito. Ang Mommy naman niya, halos maluha nang muli siyang makita. Para namang  hindi nila magkakasamang sinalubong na tatlo ng Daddy niya ang  Christmas at New Year sa New York just nine months ago.  Sunod na nagpa-bibo si Emma. Mabilis itong nagpakarga sa kanya at tinanong kung nabili daw ba niya ang entire collection ng Shopkins. Humahagikhik si Charm habang tinuturo ang kuya niya na panay ang ngisi. Mukhang aral na aral talaga ng pamangkin niya ang turo ng tatay nito.      "I bought two whole collections for you, sweet pea," balita niya sa pamangkin.       Namilog ang mata ng bata. "Weally, Tita Maggie?" Tumango siya. "Wow! Dada, you right! Tita Maggie is the best!" Yumakap ang bata sa kanya.       Natawa siya. Pati pambobola, naituro na rin pala ng kuya niya sa anak nito.       "O siya, sa loob na tayo magpatuloy sa kumustahan. Sigurado pagod itong si Maggie at Arthur sa byahe," anang Daddy niya na kinuha mula sa bisig niya si Emma.       Hindi pa man sila nakakapasok sa loob ng gate nila, may pamilyar na tinig na bumati sa mga magulang niya.       "Hi Tito Lawrence, Tita Shirley."       Agad niyang nilingon ang nagsalita. Napasinghap siya nang mapagsino ang nasa kanilang likuran.  It was Phillip Vaughn De Guzman in the flesh! She never knew that after five long years, he'd still make her heart skip a beat at the sight of him.       He had changed. A lot. His chest is broader, his features are more defined and  he gained muscles everywhere! She's sure of that.  Basa kasi ng pawis ang suot nitong dry-fit shirt at bumakat doon ang hulma ng katawan nito.       Nang magtama ang paningin nila,  namaywang ito habang patuloy sa paghabol ng hininga.       "Phil," bati niya rito. She tried to sound confident. Na dapat lang naman talaga dahil she's a changed woman. She should not be bothered anymore by some silly old feeling she had for Phil. Nor  be bothered by his looks and-       "Margarette," anito bago ngumiti.       Dammit! The effin butterflies in her gut are getting excited just because he smiled at her and called her by her first name!       Oh no! This can't be happening! she convinced herself.       "Hindi ko alam na uuwi ka. Nakalimutan sigurong banggitin ni Mommy," sabi pa nito na bahagyang lumapit sa kanila. Agad naman siyang nagpanic at mabilis na hinawakan ang kamay ni Arthur.       Sandaling nagsalubong ang mga kilay nito nang makita ang magkahugpong nilang kamay ni Arthur.       "H-hindi ko rin alam na m-makakauwi ako. My schedule cleared on the... the last minute." She silently cursed herself for stammering. Where's the fierce lawyer she worked hard for for the past 5 years?       Tumango-tango ito bago tumingin kay Arthur.       "Arthur, nandito ka rin," anito, bakas sa tinig ang disgusto.  Akmang lalapitan ito ni Arthur upang sana'y makipagkamay kaso, tumanggi ito. "Nakakahiya, I just finished running for my daily workout."       Pasimple niyang sinilip ang mamahalin niyang  wristwatch. It's ten in the morning on a Monday. They haven't even talked for an hour. Wala pa nga siyang isang araw na nakakauwi pero bakit pakiramdam niya, sakal-sakal na ni Phil ang mundo niya.      Heck! Indeed, dark and gloomy days are coming, lihim niyang usal.       An awkward silence followed after. Pinigilan niya ang sariling muling pakatitigan si Phil dahil lalong nagbubuhol-buhol ang lohika niya.       "Maybe you should join us for lunch, Phil," anang Mommy niya.       Nag-panic siya. Hindi pwede ang sinsabi ng Mommy niya.       "Arthur is my fiance," bigla niyang bulalas.       "Fiance?" halos sabay-sabay na tanong ng pamilya niya.       Napangiwi siya. Makahulugang tumingin sa kanya si Arthur, ngumiti, bago siya nito inakbayan.      "Yes, we're engaged," kumpirma ni Arthur.       "Congratulations then!" ani Phil maya-maya sa pinasiglang tinig. "We've got a lot of catching up to do, Margarette."       "B-busy ako," lantaran niyang tanggi sa alok nitong 'catching up."       Tipid itong ngumiti. " Tita, I need to attend a sports event at 1pm. Lunch is good but... maybe some other time." Ibinalik nito ang tingin sa kanya. "I'll just... see you around then. I'll go ahead."  Tumalikod na ito at umuwi sa kabilang bahay.       Pigilan man ni Maggie,  kusang sumunod ang mata mga niys sa papalayong bulto ni Phil. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD