Chapter 5

2429 Words
        Titig na titig si Maggie sa cursor ng laptop niya. Wala sa sarili niyang binibilang ang pag-blink niyon na para bang kapag narating niya ang tamang bilang, mayroon siyang reward na makukuha. Tatlumpong minuto na mula nang magpadala siya ng message sa inbox ni Phil sa f*******:. Kaso, gaya ng mga messages niya nang nakalipas na dalawang linggo, hindi pa rin 'yon nakikita ni Phil.       Hindi nakikita or talagang ayaw tignan?       Nagbuga siya ng hininga. Pero hindi naman talaga ito online sa f*******: nitong nakaraang mga araw. Baka talagang hindi pa nito nakikita ang messages niya. Gabi na, imposible namang nasa training pa rin ito. At saka, pa'no 'yong sa Viber, sa i********:, sa Twitter, sa Facetime? Imposibleng sa lahat ng social media platforms hindi nag-online si Phil sa loob ng kalahating buwan!       Muling bumangon ang kaba at pagsisi sa kanyang dibdib.       Tama na ba na isipin niya na sadya siyang iniiwasan ni Phil dahil sa nasabi niya?       Phil, I love you!       Napabuntong-hininga siya. Hinablot ang unan sa kanyang tabi, niyakap, bago doon tahimik na pinangaralan ang sarili. Mali naman kasi siya e. Hindi niya dapat sinabi ang sinabi niya.       They were friends. Kapag friends, friends lang. Hanggang doon lang. Hindi pwedeng sumobra, hindi puwedeng lumampas. Klarong-klaro ang boundary na 'yon kay Phil pero... sa kanya hindi.       Dalawamput-dalawang taon silang magkasama ni Phil. Kapatid na nga ang turingan nila sa isa't-isa. May mga sikretong silang dalawa lang ang nakakaalam. Kabisado na nga nila maging ang tawa, hilik at paghinga ng bawat isa. Heck! Hindi nga sila nahihiyang mag-utotan sa harap ng isa't-isa e! Tapos bigla siyang aamin na mahal niya ito? Engot din talaga siya! Isanlaksang engot! Sinong hindi maalangan sa ginawa niya?       Tapos ngayon iiyak-iiyak siya.        Of course she should cry! Dahil hindi lang siya binasted ni Phil. Sigurado siya, sa inaasal ni Phil ngayon, sinelyuhan ng pag-amin niya ang katapusan ng pagkakaibigan nila ng kababata.       Humiga siya sa kama at lalong ibinuro ang kanyang mukha sa unan. Binaha ulit ng pagsisisi ang dibdib niya. Pakiramdam niya paulit-ulit na sinasaksak ang puso niya. Bakit ba kasi kaunting mga letra lang ang pinagkaiba ng pag-ibig at pagkakaibigan? Bakit hindi na lang dinamihan? Singhaba sana ang pagitan ng traffic sa Edsa para sana hindi nalito ang puso niya.       Agad na natigil ang panenermon niya sa sarili nang biglang tumunog ang laptop niya. Awtomatiko siyang napaupo sa kanyang kama. To her dismay, hindi galing kay Phil ang message kundi kay Arthur.       Nangungumusta na naman ito. Actually, araw-araw itong nangungumusta. Parang mas lalo pa nitong tinodo ang pagpaparamdam nito kaysa noong nasa university pa sila. Kaya lang, hindi naman niya ito magawang ipagtabuyan. Nakukunsensiya kasi siya. Balak na lang sana niyang deadmahin ang message nito kaso tumunog ulit ang laptop niya.       I'm actually outside your house, anang message.       Tumayo siya kama at nagkandahaba ang leeg na sumilip sa bintana. Totoo nga, naroon si Arthur, matiyagang nakatayo sa labas ng gate nila.       Nasapo niya ang ulo. Ilang gabi na niyang iniiyakan ang nangyayari sa kanila ni Phil pero ni hindi nanakit ang ulo niya. Ngayon lang na umaparisyon si Arthur sa bahay nila.       At dahil ayaw niyang ipagtabuyan na lang ang lalaki, bumaba na rin siya. Sandali pa siyang nagulat sa ayos nito nang pagbuksan niya ito ng gate. Suot ulit nito ang glasses nito pero mukhang nag-overhaul na ito ng wardrobe. White poloshirt under dark blue ripped jeans plus white sneakers to seal his hunky look. Parang masipag mangolekta ng clippings mula sa fashion magazine ang bagong stylist ni Arthur. Gusto niyang i-congratulate for a job very well done!       "Hi!" nakangiting bati nito. Ngumiti rin siya, alanganin.       Niluwangan niya ang pagkakabukas ng gate. "Pasok ka," aya niya rito. Umiling ito.       "Hindi na. Ibibigay ko lang talaga ito sa 'yo." Inabot nito sa kanya ang hawak nitong paper bag. Alanganin niya iyong tinanggap at sinilip ang laman. Mga kutkutin iyon na nakabote. May kornik, green peas, almonds, gummy bears at kung anu-ano pa.       "Nasabi kasi sa akin ni Bella at Raven na nagse-self review ka na raw as early as now. Baka kasi magutom ka. Don't worry, galing 'yan sa store namin. Overstock... I mean over delivery ng supplier. Basta... ano... safe kainin," paliwanag nito, parang naguguluhan.       May mini-grocery ang pamilya nito malapit sa university na madalas tambayan ng mga estudyante. Iyon ang naging bentahe nito nang tumakbo itong student leader.       Napangiti siya sa thoughtfulness ng lalaki. Lalo lang din siyang nakonsensya kung pagsasabihan niya itong lubayan muna siya.       Sa totoo lang, madalas siyang magkulong sa loob ng kuwarto niya nitong nakaraang mga araw. Ang akala ng lahat, binuburo niya ang sarili sa pagseself-review. Kaya lang hindi 'yon ang ginagawa niya. Madalas, nakatingin lang siya sa kisame at iniisip si Phil.       Gusto na nga niyang magtapat sa Mommy niya e. Kaya lang wala ito. Nasa Thailand for a short course program. At kahit na siguro nandito ang Mommy niya, hindi rin niya magagawang magsumbong dahil madalas pinangungunahan siya ng takot at pangamba. Baka kasi pagsabihan lang siya na hindi tama ang nararamdaman niya. Or baka singilin siya nito dahil hindi siya nagsabi agad rito. O kaya... basta maraming baka.       She's afraid, troubled and deeply hurt. Too bad, she has to go through it alone.       "Maggie, are you okay?" untag sa kanya ni Arthur maya-maya. Agad siyang napatuwid ng tayo. Naglakbay na naman pala sa kung saan-saan ang isip niya.       "I-I'm okay," nakangiwing sagot niya. "M-may dumaan lang sa isip ko."       Tumango-tango ang lalaki. Nagkamot ng batok bago, "Can I change my mind?"       "Ha?"       "Puwede bang, hindi muna ako umuwi?"       Nangunot ang noo niya. "E-ewan ko. S-siguro?"       Natatawa itong yumuko. Sandaling may binulong sa sarili bago muling tumingin sa kanya. "Gusto mo ng kape?" Namutla si Arthur nang hindi siya agad sumagot. "A-ako kasi, g-gusto ko," dugtong pa nito bago tuluyang napangiwi.       Pinigil niya ang matawa sa itsura nito. Halatang natataranta na naman ito na madalas lang talagang mangyari kapag siya ang kaharap nito. Sa university nga, superlative degree ang speaking skills nito e. Sa kanya lang talaga ito madalas tameme.       Hinila niya ang bisig nito na may relo. Alas-otso pasado ng gabi. "Are you asking me out?" diretsong tanong niya sa lalaki pagkatapos.       Tumango lang ito, halatang lito pa rin.       "Okay, wait here. Magpapalit lang ako," aniya bago mabilis na tumalikod.                                                                                        -----       They ended up in a cafe just outside their subdivision. Iyon kasi ang bilin ng Kuya Richmond ni Maggie sa kanya. Kailangan sa pinakamalapit na coffee shop lang sila pupunta. Nasa overtime pa kasi ang Daddy niya at sa kuya niya siya nagpaalam.       Marami silang napag-usapan ni Arthur. Well, sa totoo lang, si Arthur ang enthusiastic magkuwento dahil tungkol sa world peace, malnutrition at environmetal effects ng global warming umikot ang usapan nila. Sinubukan niyang maging mabuting tagapakinig at ipinaikot sa yes, no, u-huh, and tell me about it ang mga sagot niya. Kaya lang, pagkatapos ng isang oras, ubos na ang in-order niyang frappe at gasgas na rin ang mga single-syllabe na linyahan niya. Pero si Arthur, ganado pa ring mag-explain. Hindi talaga siya magtataka kung isang araw, mababalitaan na lang niya na politiko na ito o 'di naman kaya ay miyembro na ng Peace Corps.       "I'm boring you, ain't I?" anito maya-maya.       Tumikhim siya, inatake ng kunsensiya. "No. Actually, very... informative ang explanation mo ng... ng things." Alanganin siyang ngumiti.       Ngumiti rin ito bago nagbuga ng hininga. "Anyway, may ino-offer na pre-board review 'yong kakilala ng Mama ko. She's a CPA Lawyer. Yale graduate and currently one of the top corporate lawyers in the country. Kaya lang, a year ago, she had a mild stroke. Her family forced her to stay at home. She's looking for a small group of people to mentor. Baka gusto mo?"       Sandali siyang nag-isip. Sa totoo lang, undecided pa rin siya hanggang ngayon kung maglo-Law School siya o hindi. Ang priority niya kasi talaga ngayon, maipasa ang board exam then she'll probably just wing it from there. Malapit nang matapos ang Hunyo. At sa progreso niya sa pagse-self review, sigurado siya, uuwi siyang luhaan pagkatapos ng board exam.       "Actually, nag-sign up ako. Kinukulit kasi ako ni Mama. May two slots pa. We will start on Monday," anito bago dinala ang tasa ng kape sa bibig nito.       Hindi siya agad nakasagot. Her mind is clouded by uncertainty from many things.       "Maybe. I'll just think?"       "Hi, Arthur! Hi Maggie!" Agad niyang nilingon ang pumutol sa pagsasalita niya. It was Stacey. Naka-display ulit ang makutitap nitong mga ngipin at maaliwalas na mukha. "Are you two..." sadya nitong ibinitin ang sanay sasabihin nito.       Tumikhim si Arthur at alanganing tumingin sa kanya.       "Yes, we're dating," mabilis niyang sagot sa bagong dating.       "Talaga! Good for you, Arthur! Finally, your efforts paid off." Abot-tenga ang ngiti ni Stacey. "Anyway, I craved for frappe that's why I'm here. I'll go get my order and leave you two lovebirds alone." Humakbang ito palayo ngunit humarap din sa kanya pagkatapos ng ilang segundo. "Oh before I forget, kumusta ka raw sabi ni Phil,” anito sa kaniya.       Tuluyan nang nalusaw ang peke niyang ngiti. "N-nag-uusap k-kayo."       "Oo naman!" Iyon lang bago ito tuluyang tumalikod.       Tumindi ang sakit sa dibdib ni Maggie. How can Phil ignore her just like that? Kriminal na ba siyang maituturing dahil minahal niya ang kababata nang hindi naman niya sinasadya? Gano'n na lang ba talaga 'yon?       Pakiramdam niya kalahati ng pagkatao niya ang naiwala niya.  She suddenly longed for the comfort of her bed and pillows and just hide. Away from Stacey. Away from Phil. And away from the world.       She felt like someone punched her in the gut and her lungs immediately gave out. Her breathing labored that she turned pale almost immediately.       "Maggie, are you okay?" si Arthur sa nag-aalalang tinig.        "I-I... I can't breathe..." she finally declared after a series of deep laboured breathing. Her hands on her chest.       "Asthma. Right you have asthma!"        Mabilis na tumayo si Arthur at inilabas siya ng cafe. In no time, nasa emergency room na sila ng pinakamalapit na ospital. Hindi pa halos bumabalik sa normal ang paghinga niya nang dumating ang kuya niya. Tinawagan marahil ito ni Arthur. Gusto pa nga sana nitong pagalitan si Arthur pero pinigilan niya. At sa kabila ng pananakot ng kuya niya, hindi umalis si Arthur. Nanatili lang ito ilang metro mula sa cubicle niya sa ER. Nang umalis saglit ang kuya niya para i-settle ang bill, saka lang ito lumapit sa kanya.       "Maggie, ayos ka na?"       Tumango siya. "Thank you."       Ngumiti ito, pilit. Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha niya, tumitig sa kanya bago, "Are you really okay, Maggie?" She bit her lower lip and shook her head as tears came rolling down her cheeks. Arthur sat beside her bed and carefully dried her tears with his thumb.       "You don't need to pretend in front of me. I know why you're hurting. Alam ko rin kung bakit... Bakit hindi ako puwedeng kumuha ng puwesto sa puso mo kasi kilala ko kung sinong nand'yan. But I want you to know... I'm just here and I will wait for my chance... to be with you."       Lalo lang siyang napaiyak sa sinabi nito. How can he be so stubborn like hell when he knew, he knew every unspoken truths her heart was keeping. Bigla naman siyang naawa rito. Because she knew full well the pain of rejection. She’s familiar with that profound hurt that comes from being unloved by the person you love most.       Pinilit niyang magsalita. "H-hindi ko alam k-kung..."       He put his finger on her lips. "I said, I'll wait," seryosong pahayag nito bago ito tuluyang bumitiw sa kanya.       Ilang sandali niya itong pinakatitigan bago siya pilit na ngumiti. Parang ibang tao ang kaharap niya. The nerdy and shy was Arthur was very different from the man in front of her.       "Hindi ka na ba nahihiya sa akin? Dire-diretso ka na magsalita. And this is the first time we talked about... feelings. Excluded na 'yong confession mo na gusto mo ako noong first year tayo," pabirong sabi niya.       Nagkamot ito ng batok at namula ang mukha, parang inatake ulit ng kahihiyan. "After what happened to you tonight, napalitan na 'ata lahat ng adrenaline 'yong nerbyos ko. I felt like I took a whole box of energy drink!"       Medyo natawa siya sa sinabi nito and that's a first time. Malapit na siya talagang maniwala na kapag may inaalis ang Diyos sa buhay natin, may ipinapalit siyang bago.       Right. If Phil wanted her out of his life, then she'll glady get rid of him in her's too. Magsama sila ng plastic na si Stacey!       Saglit pa silang nag-usap ni Arthur bago bumalik ang Kuya Richmond niya. Nabayaran na raw nito ang bill at puwede na silang umuwi. Hinayaan ng kuya niya na ihatid siya ni Arthur hanggang sa sasakyan. Nag-sorry din ang kuya niya sa pananakot na ginawa nito sa manliligaw niya. At dahil follower ng peace si Arthur, he gladly accepted her brother's apology.       At bago sila magkahiwalay ni Arthur nang gabing 'yon, she made a decision.       "See you on Monday," aniya.       Sandaling natigilan si Arthur sa sinabi niya. Kapag kuwan'y ngumiti. "Right. I'll see you on Monday."       "What's on Monday?" usisa ng kuya niya nang nasa daan na sila pauwi.       She looked at the night sky and promised herself never to wish on the stars again.       She took a deep breath and said, "New begginings. Mondays are for new beginnings."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD