CHAPTER 27 TRISTAN's POV: PINAGPAHINGA KO muna si Zayrell dahil alam kong pagod siya sa haba ng aming biyahe kanina. Samantalang ako ay pinili kong lumabas ng hotel dahil gusto kong pumunta ng Mall. Disenteng damit ang suot ko kaya hindi halata sa aking pananamit na isa akong Mafia Boss. Yung shirt na suot ko ngayon ay ang binili namin ni Annie sa ukay-ukay nung araw na magkasama kami sa bayan. Pupunta ako ng Mall dahil gusto kong bilhan ang dalaga ng pasalubong para sa pagbalik ko ng isla ay matuwa siya... Anak-mayaman si Annie kaya tiyak kong ikatutuwa niya kung reregaluhan ko siya ng mamahaling damit na magiging komportable sa kanyang katawan. Sa paglilibot ko sa loob ng Mall ay marami akong nakita na mga damit na halos nababagay kay Annie. Pero may isang damit doon na siyang pum