Chapter 44 Zayrell's POV: SELOS at GALIT. Ayan lang na emosyon ang siyang umaapaw sa dibdib ko ngayon matapos kong mabalitaan ang tungkol sa nangyari kila Annie at Tristan. Halos sila ang usap-usapan nang bumangon ako at lumabas ng aking kwarto. Patuloy akong pinipikon ng mga tao ni Tristan dahil wala raw akong binatbat pagdating kay Annie kaya pinagtatawanan nila ako. "Kawawa naman ang isa dyan, hindi man lang naka-isa kay Boss Tristan. Siguro, may amoy na ang tahong niya kaya hindi nakayanan ni Boss ang baho," pagpaparinig nila sa akin. Sabay-sabay naman silang napatingin sa gawi ko at maging sa pagtawa ay nagkakaisa silang lahat. "Alam mo Zayrell, huwag mo ng asahan si Tristan. Huwag mo ng pangarapin ang langit kay Tristan. Kung gusto mo ay ako na lang mismo ang magdadala sa'yo sa