CHAPTER 43 AERON's POV: "GRABE SI BOSS, ang tindi yata ng kainan nila sa loob ni Miss Annie. Ang lakas ng ungol ng babae kagabi. Hindi nga ako nakatulog dahil sa ingay nila. Magdamag ba naman," rinig kong usap-usapan ng mga tao ni Tristan pagka-gising ko pa lang. Awtomatikong napukol sa kanila ang atensyon ng tenga ko nang banggitin nila ang pangalan ni Annie. Tiyak kong may ginawa na naman na masama si Tristan sa babae. Baka sapilitan niyang ginalaw ang dalaga para mapigilan niya ang plano kong panliligaw dito. Kahit kailan talaga ay sagabal lagi si Tristan sa mga nais kong mangyari. Pasimple niyang sinasabotahe ang mga gusto ko. "Tindi pala ni Boss Tristan... Tahimik lang sa umpisa, pero ibang klase ang galawan sa kama," natatawang tugon ng isa. Sa sobrang inis ko ay nagawa kong p