Chapter 48 ANNIE's POV: AYOKO SANANG PANIWALAAN si Aeron. Ayoko sanang maniwala sa kanya, pero yung ebidensya na sinabi niya ay nakita ko nga sa mismong gamit ni Tristan. Matapos ang rebelasyon na inamin ni Aeron sa akin ay bumaba muli ako at tumungo sa kwarto ni Tristan. Hinalughog ko ang lahat ng gamit niya. Until I found this one thing, that will be serve an evidence. He has a picture of me. And that is a sign na matagal niya na akong kilala. Matagal na siyang nakasubaybay sa mga kilos ko. Hindi ko lang matanggap dahil mabagal magproseso ang aking utak. Pinipilit ko kasi sa aking sarili na hindi ito magagawa ni Tristan. Pero kitang-kita ko sa aking litrato ang nakasulat na ako ang target niyang patayin. Ngayon, malinaw na nga sa akin ang sinabi ni Aeron. Marami pa akong hindi ala