CHAPTER 49 AERON's POV: "NALIGPIT NA NAMIN, BOSS." Ayan ang mensahe na siyang natanggap ko mula sa aking tao. Napangisi naman ako dahil sa pagbabalita nila tungkol sa naging utos ko sa kanila. Nagawa yata nila ng tama at malinis ang pagpatay sa ama ni Annie. Saktong umalis din sa araw na ito si Tristan kaya yung mga pangyayari ay pwede kong tugma-tugmain. Nang matanggap ko ang mensahe na iyon ay sakto namang kumatok si Annie sa pinto ng aking kwarto. Namumugto ang mata niya na pana'y pag-iyak ang kanyang ginawa. Hawak na rin niya ang litrato niya na naging ebidensya na sinabi ko rito. Alam ko kasi na dala-dala pa rin ni Tristan ang litrato ni Annie dahil ito naman talaga ang target niya noon. Kaya nang makita ko si Annie na umiiyak at napayakap sa akin, hindi awa ang siyang naramda