CHAPTER 24 ANNIE's POV: NAKASUNOD lang sa akin si Aeron kahit saan ako magpunta. Ayaw niya talagang humiwalay ako sa landas niya. Para tuloy akong bata na binabantayan ng isang lalaki at dinaig ko pa ang isang preso na hindi ko magawa-gawa ang mga bagay na gusto ko. "Hindi ako tatakas, Aeron... Kaya kung ako sa'yo, bumalik ka na sa underground at asikasuhin mo ang mga babaeng dinukot niyo," saad ko sa binata para bigyan siya ng dahilan na umalis sa tabi ko. Hindi ako sanay na may tumitingin sa mga kilos ko. But when it comes to Tristan, ayos lang sa akin kahit magdamag niya akong pagmasdan. "Bakit ba pinagtatabuyan mo ako, Annie? Hindi pa ba malinaw sa'yo na sinusunod ko lang ang pabor ng kaibigan ko?" sambit niya bilang pagmamatigas na ayaw niya akong iwanan na mag-isa. "Bahala ka