CHAPTER 23 AERON's POV: "Ako nang bahala kay Annie, Tristan... Kilala mo naman ako, maasikaso pagdating sa babae," bigkas ko sa aking kaibigan habang nasa isang mahabang mesa kami ngayon at nagsasalo-salo ng almusal. Katabi niya si Annie habang ako ay katabi ko naman ang aking pinsan na si Zayrell. Ngayong araw na mismo ang alis nila para sa tumungo ng Manila. Kailangan na kasi nilang ligpitin ang Senador na siyang gustong patahimikin ni Mr. Young. Milyones ang nasa ulo ng Senador, limang daang milyon kaya talaga namang pagtutuunan ni Tristan ang tungkol sa pagliligpit dito. Kapag nagawa na nilang mapatahimik ang Senador ay isusunod na nito ang ama ni Annie. Walang kamalay-malay ang dalaga na nasa listahan ang pangalan ng ama niya para sa mga papatayin ni Tristan. Ang totoo, labi