CHAPTER 53 ANNIE's POV: "IPAGHIHIGANTI KO ANG MAGULANG KO, AERON... BUO NA ANG DESISYON KONG KALABANIN SI TRISTAN," bigkas ko sa binata nang makaalis kami sa maliit na bahay nila Tiyong Denis na aming hiningan ng tulong kagabi. At ngayon nasa oras na mismo kami ng pagbiyaheng dalawa. Ang sabi ni Aeron ay meron na kaming lugar na matutuluyan. Parte pa rin daw ito ng Probinsya pero kasuluk-sulukan na ito kaya wala ng nakakaalam na ibang tao kundi siya lang. "Saka mo na isipin ang paghihiganti na 'yan Annie... Ang atupagin mo muna 'yang pagbubuntis mo," sagot ni Aeron habang nakanguso siya sa bandang tiyan ko. Oo nga pala, dahil sa mag-asawang nahingan namin ng tulong ay nakumbinsi na nila ako na buhayin ko ang baby sa aking sinapupunan. Kaya heto ako itutuloy ko ang pagbubuntis hanggang