Inalalayan ko itong pumasok nang hospital. Tumuloy kami sa second floor dahil nandoon ang kwarto ng ama nito. Ramdam ko ang panginginig ng katawan nito habang palapit nang palapit sa kanyang ama. Huminto kami sa tapat ng private room at nanginginig ang kamay nitong hinaplos ang pangalan ng amang nakapaskil sa gilid ng pinto. Damian De Lorenzo. Are you ready sweetheart. Tumango lang ito. Dahan-dahan kong pinihit ang seradula at bumungad ang matandang lalaking nasa 40's ang edad. Medyo payat ito at may benda sa ulo dahil doon siya binaril. Puno din ng aparatus ang katawan. Papa.... Para akong tinutusok sa nanginginig na boses ni Danaya. Inalalayan ko itong makalapit dahil mas lalong nanginig ang buong katawan nito. Papa... a-anong g-ginawa n-nila s-sainyo P-papa ko... ba-bakit?
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books