F*ck this can't be! Napahilot ako ng sentido. Nandito ako ngayon sa opisina at katatapos lang ng appointments ko ngayong araw. Plano ko sanang lumabas kami ni Danaya pero masamang balita ang dala ng private investigator namin. Nahanap na nila ang Mag-iinang Mathilda, Margarette at Maribelle nasa Cebu lang pala ang mga ito at masayang tinatamasa ang tagumpay sa pagsira ng buhay ni Danaya. Hindi pa sila nakuntento matapos kamkamin ang yaman nila Danaya pinabayaan nila ang Ama nitong naging palaboy at ngayon ay nasa hospital. Nag aagawbuhay dahil nabaril ng 'di pa nakikilalang suspect. Kung kailan naging maayos ang lahat sa amin ni Danaya saka naman dumating ang panibagong delubyo sa buhay ng asawa ko na kagagawan muli ng Mag-iinang 'yon. Inaalam ko pa ang buong detalye sa nangyaring ba