CHAPTER 10 (FINAL)

2520 Words
HINIHINGAL pa si Woody nang sa wakas ay makarating siya sa coffee shop kung nasaan si Jena. Agad na inilibot niya ang paningin sa paligid. Huminto yata ang t***k ng puso niya nang makita sa bandang dulong bahagi ng shop si Jena kasama ang isang lalaki at masayang nagtatawanan. Pagkuwa’y nakita niyang sumimsim ng kape si Jena. Napakuyom ang kamao niya nang dumukwang ang kamay ng lalaki sa mukha nito at punasan ang kung anong nasa gilid ng labi ni Jena. Nang ngumiti na tila nahihiya ito sa lalaki ay nagdilim ang paningin niya. Malalaki ang hakbang na lumapit siya sa mga ito. Kung kailan nakatayo na siya sa tapat ng mga ito ay noon lang siya tila nakita ng mga ito. Bumakas ang pagkagulat sa mukha ni Jena nang makita siya. “Anong ginagawa mo rito sa oras ng trabaho?” malamig na tanong niya rito. Napaawang ang mga labi nito. Bumakas ang guilt sa mukha nito habang nakatingin sa kaniya. Tinitigan niya ito. Alam niya na sa totoo lang ay wala siyang karapatang magpakita ng ganoong emosyon sa harap nito. Nangako siya na hindi niya ito mamadaliin. Pero akala niya okay na sila. He thought she already loves him as much as he loves her. Akala niya sapat nang naging honest siya at ipinakita rito kung gaano ito kaimportante sa kaniya para matutunan din siya nitong mahalin. Ni kahit kailan nga ay hindi niya ginawa ang mga bagay na ginawa niya para dito sa kahit kanino noon. But here she was happily dating another man. Para siya nitong sinaksak sa dibdib. Bago pa ito makahuma ay nauna nang magsalita ang lalaking kasama nito. “Pare, sino ka ba? W – “Shut up!” malakas na asik niya rito. Nakita niyang natilihan ito pero muli niyang binaling ang tingin kay Jena. “Let’s go,” utos niya rito. Nang hindi ito humuma ay hinawakan na niya ito sa braso at pinilit itinayo. “Teka ano bang nangyayari sa iyo?” sa wakas ay usal nito. Hindi siya nagsalita at magsisimula nang lumakad nang marahas na hatakin ng lalaki si Jena palayo sa kaniya. “Saan mo siya dadalhin? I am her date,” madilim na rin ang mukhang sabi nito. Sa sinabi nito ay lalo siyang nagngitngit. Tingnan pa lang niya ang mukha nito na alam niyang walang kapintas pintas ay nanginginig na ang kalamnan niya sa panibugho. Bago pa niya napigilan ay kusa nang umunday ang kamay niya sa mukha nito. Bumalandra ito sa sahig.   NAPATILI si Jena nang biglang suntukin ni Woody si Michael.  Marahas niya itong nilingon. “What are you doing?!” manghang asik niya rito. Pinagtitinginan na sila ng mga tao roon. Bigla na lamang itong sumulpot doon na tila handang pumatay ng tao. Oo at guilty siya na wala siya sa opisina sa oras ng trabaho pero sana man lang ay nagtanong ito ng maayos at hindi ganoong gumagawa ito ng eskandalo. Hindi ito nagsalita at tumitig lamang sa kaniya na may kislap ng hinanakit sa mga mata. For a moment ay nakaramdam siya ng kirot sa dibdib niya at parang nais niyang haplusin ang mukha nito upang mawala ang sakit na iyon sa mga mata nito. Ngunit mali pa rin ang ginawa nito at gusto niyang malaman nito iyon. Inalis niya ang tingin dito at bumaling kay Michael. Agad na dinaluhan niya ito. “Michael ayos ka lang?” nag-aalalang tanong niya. Napasinghap siya nang makitang may bahid ng dugo ang gilid ng labi nito. “Just who is he? Ang sakit ah,” galit na ring sabi nito. “I’m sorry. Mahirap i-explain. I’m really sorry,” hinging paumanhin niya rito. “Get up Jena,” untag ni Woody sa malamig pa ring tinig. Ni walang bahid ng pagsisisi sa tinig nito. Huminga siya ng malalim at inalalayang tumayo si Michael. “Michael, sorry talaga. We’ll talk again when you come back okay? Kakausapin ko muna itong lalaking ito,” aniya kay Michael. Kahit bakas ang inis sa mukha nito ay marahan itong tumango. Bahagya niya itong nginitian bago muling huminga ng malalim at hinarap si Woody. Pinaningkitan niya ito ng mga mata. “Halika nga,” malamig na sabi niya rito at nagpatiunang lumabas ng coffee shop. Nararamdaman niya ang pagsunod nito sa kaniya. “Walang dahilan para mag sorry ka sa kaniya. Hindi mo rin siya kailangang alalayan ng ganoon dahil kaya naman niyang tumayong mag-isa,” inis na untag nito mula sa likuran niya nang nasa harapan na sila ng building ng Valencia Furnitures. Humugot siya ng malalim na paghinga upang pilit kalmahin ang inis niya. Huminto siya at marahas itong hinarap. “Talagang wala akong dahilan para magsorry dahil ikaw dapat ang gumawa ‘non! Ano ba ang pumasok sa isip mo at bigla ka na lang nag-eskandalo ng ganoon? Nanuntok ka pa ng lalaking walang kasalanan sa iyo!” galit nang sabi niya rito. Dumilim ang mukha nito. “Anong pumasok sa isip ko? I was patiently waiting for you in the office but there you are dating some guy! Ano sa tingin mo ang mararamdaman ko?” malakas ang boses na sagot nito. Napamaang siya rito. “It’s not what you think it is! Hindi ko lang matanggihan kasi nandiyan na. Napilitan lang akong pumayag,” paliwanag niya sa mas malumanay ng tinig. “Napilitan? Tawa ka ng tawa kanina habang kausap mo siya at mukhang enjoy na enjoy ka. Iyon ba ang napipilitan lang?” nanunumbat pa ring sabi nito sa malakas pa ring tinig. May ilang dumadaan nang patingin tingin sa kanila. Awtomatikong nag-init ang mukha niya. Kahit sinong makakarinig sa pag-uusap nila iisiping nahuli siyang nanlalalaki. “Would you stop being childish?! It was nothing! Makwento lang siya at nakakatawa pero walang ibang kahulugan iyon! Ano ka ba?” frustrated nang sabi niya. Nakita niya ang pagdaan ng sakit sa mukha nito. “Childish? Hanggang ngayon ba iyan pa rin ang tingin mo sa akin?” tanong nitong hindi na itinago ang hinanakit. Natigilan naman siya at naguilty. Alam niyang inferiority complex nito ang edad nito pagdating sa kanilang dalawa.  “Hindi sa ganoon,” aniya sa mas malumanay ng tinig. “Then what? Tell me honestly Jena are you really that bothered with our age difference? Ganoon ba iyon kahalaga sa iyo kaya hindi mo ako magawang mahalin na gaya ng pagmamahal ko sa iyo? I love you irregardless of our age or anything else. I just love you as you are. You may not be the most beautiful woman in the world but for me you are number one. Hindi ba pwedeng maging ganoon din ako sa iyo? I know I am not your ideal man. Pero hindi pa ba sapat ang lahat ng nasabi at napakita ko sa iyo para maisip mo na baka ako pala ang lalaking matagal mo ng hinahanap? Na hindi mo na kailangan pang tumingin sa iba kasi nandito na ako? Hindi ba pwede iyon?” madamdaming pahayag nito. Tila may pumipiga sa puso niya sa mga sinabi nito. Nakaramdam siya ng magkakahalong emosyon sa dibdib niya. Nagiguilty siya at nasasaktan dahil kahit hindi niya intensyon ay siya ang dahilan ng pait na nakikita niya sa mukha nito. Kasabay niyon ay may masarap na init na humaplos sa dibdib  niya sa mga sinabi nito. As usual, he’s being honest with his feeling again, at ang mga salita at ekspresyon sa mukha nito nang sabihin ang mga iyon ay nagdudulot ng kakaibang saya sa kaniya. At the same time ay nakaramdam siya ng pagkapahiya sa sarili. Kumpara kay Woody, hindi siya tapat sa sarili niyang damdamin.  Of course she loves him. Pero masyado niyang inaalisa ang lahat at hindi hinahayaang mag-grow ang nararamdaman niya. Masyado pa niyang dinibdib ang mga sinabi ni Aya kanina at nag-over analyze siya. Tama si Lettie, nagsisimula pa nga lang sila ni Woody iniisip na kaagad niya ang mga hindi magandang posibilidad na maaring mangyari. Ngayon niya naiisip na kung sakaling may mangyaring ganoon na tulad na lamang ng pagtatalo nila ngayon, wala iyong kinalaman sa edad nila at malabong maging kasalanan lang nito iyon. Responsable rin siya dahil kung inamin niya kaagad dito na mahal niya rin ito, hindi ito nasasaktan ng ganoon. Kung tumanggi na siya umpisa pa lamang na magkape kasama ang isang lalaking alam naman niyang may interes sa kaniya, hindi sana nangyari ang eskandalo nila kanina.           “Bakit hindi ka sumasagot? Natatakot ka ba na mas lalo pa akong masaktan sa isasagot mo? Hindi mo na kailangang maging mabait ngayon Jena. If you don’t like me then tell me. I am tired of this already,” untag nito sa kaniya na puno ng hinanakit ang tinig.           Napaangat ang tingin niya rito. Her heart ached when she saw his pained expression. Bigla rin siyang kinabahan sa sinabi nitong napapagod na ito. Nagbuga ito ng hangin at iniwas ang tingin sa kaniya. “Sinabi ko naman sa iyo dati hindi ba? Hindi ako ang tipo ng lalaking namimilit ng babae. In fact, lahat ng sinabi at pinakita ko sa iyo, first time kong ginawa at sinabi ang lahat ng iyon. I never met a woman who I am willing to do everything for before I met you. I just thought that if I try my best I will be able to at least make your heart beat a little faster, then make you notice me and learn to love me in the process. Pero kung sa kabila ng lahat ay wala pa ring epekto sa iyo, hindi na kita pipilitin.”           “Shut up,” mahinang saway niya rito dahil hindi na niya kaya pang pakinggan ang mga sinasabi nito. Alam niya, he’s about to tell her he’s giving up on her. At ayaw niyang mangyari iyon. Dahil lang ba sa pagiging slow at tanga niya ay mawawala ang lalaking mahal niya?           Muli itong sumulyap sa kaniya at nagbuga ng hangin. “Fine.  I’ll leave you alone now,” anito at tangkang tatalikod sa kaniya.           Mabilis siyang kumilos palapit dito at hinaklit ito sa batok. Pagkatapos ay walang salitang hinalikan niya ito sa mga labi. Naramdaman niya ang pagkatense ng katawan nito. Nang maramdaman niyang tila itinulos ito sa kinatatayuan ay pinakawalan niya ang mga labi nito ngunit hindi lumayo rito. Tiningala niya ito. Nasalubong niya ang mga mata nitong may kombinasyon ng pagkabigla at pagtataka.           “Tama na. Huwag ka ng magsalita na para bang iiwan mo ako,” mahinang sabi niya rito. Muli ay hindi ito nagsalita at napamaang lang sa kaniya. “Woody, hindi balewala lahat ng sinabi at ginawa mo. Lahat iyon nagpasaya sa akin. And for the record, you do makes my heart beat faster, wildly in fact. Noon pa mang una tayong nagkita at nagkasama sa iisang hotel room. I was captivated by the fact that I feel so comfortable with you kahit hindi pa naman natin lubos na kilala ang isa’t isa. Noong umagang nagising ako, hindi ko naman talaga gustong umalis nang hindi nagpapaalam sa iyo. Ang totoo noong umalis ako hinayang na hinayang ako kapag naiisip ko na hindi na tayo magkikita ulit.           “Kaya noong nakita kita dito, nagulat ako at kaya ako tumakbo dahil natakot ako na baka ipagkalat mo ang unang pagkikita natin. But deep inside, I felt really really happy. At sige na aminado na ako na may pagkadense daw ako sabi ng mga kaibigan ko, pero akala ko kasi nangiinis ka lang talaga at malabo namang magkagusto ka talaga sa akin. I mean, for sure marami ka pang mas magugustuhan na mas magaganda at batang babae kaysa sa akin. Then I keep on overanalyzing things kaya hindi ko masabi-sabi sa iyo ang totoong nararamdaman ko,” halos hindi humihintong sabi niya.           Nawala na ang pait sa mukha nito. Napalitan iyon ng pag-asa. “A-anong nararamdaman mo?” mahinang tanong nito. His breath is fanning on her face. Naramdaman din niya ang paglapat ng mga braso nito sa baywang niya.           Humigit siya ng hininga at sumagot. “That I love you. I guess even before you told me you love me. Pero binalewala ko lang iyon kasi nga palagi kong kinukumbinsi ang sarili ko na hindi ka kasama sa choices ko. Kasi, ang totoo, ang hinahanap kong lalaki ay iyong willing na pakasalan na ako at, you know, bata ka pa baka marami ka pang ibang gustong gawin kaysa magpamilya. Kaya I tried my best to ignore my feelings for you. Pero bigla sinabi mo sa akin ang nararamdaman mo kaya sa huli hindi ko rin napigilan.I love you Woody Sandejas.”           Tumitig ito sa kaniya. Pagkuwa’y sumilay ang malawak na ngiti sa mga labi nito. Humigpit ang mga braso nito sa baywang niya at hinigit siya palapit dito. “Jena, ang tagal tagal ko ng gustong marinig iyan sa iyo,” sabi nito at mariin siyang hinalikan sa mga labi. Saglit lamang iyon at muli siyang pinagmasdan. “At para sabihin ko sa iyo, nagsayang ka lang ng panahon sa pag-iisip ng mga sinabi mo. Ang sabi mo marami pa akong magugustuhan na babae puwes nagkakamali ka dahil ikaw lang ang ang gusto ko. Nag-aalala ka na baka marami pa akong gustong gawin pero alam mo ba kung ano lang talaga ang gusto ko at handa akong gawin sa lalong madaling panahon?” tanong nito.           “A-ano?”           Ngumiti ito at bahagyang inilapit ang bibig sa tainga niya. “I want to marry you,” seryosong sabi nito.           Napaawang ang mga labi niya at nanlalaki ang mga matang napatitig dito. “W-woody,” nausal niya.           Lumawak ang ngiti nito. “I am serious Jena. Noong gabi pa lamang sa hotel room, habang nakikita kitang natutulog sa sofa pagkalabas ko ng banyo at pinagmamasdan kita, naisip ko agad na kung mukha mo palagi ang makikita ko sa araw-araw bago ako matulog at pag-gising ko, sigurado akong ako na ang magiging pinakamasayang lalaki sa mundo. Noon pa lang nasabi ko na, ah, I want to marry her. Pero kinabukasan nga ay wala ka na,” sabi nito.           Nag-init ang mukha niya at napangiti. “E kasi… kaya ako umalis non kasi noong sinusubukan kitang gisingin bigla mo akong hinigit at hinalikan habang tulog ka,” amin niya.           Namilog ang mga mata nito. “I did?!”           Tumango siya. “Kaya nga para malaman mo, since that time, you’re making my heart beat so fast you know.”           Tumawa ito at bigla siyang niyakap ng mahigpit. Napangiti siya at gumanti ng yakap. “Does that mean you will marry me?” expectant na tanong nito.           “Of course. Ang tagal na kitang hinihintay eh tatanggi pa ba ako?” biro niya.           Natawa ito at humigpit ang yakap. “Mabuti naman. We will stick together from now on okay?”           Ngumiti siya at gumanti ng mahigpit na yakap. “Yes.” Ah, kailangan niyang sabihin agad kay Lettie at Aya na ikakasal na rin siya. Ang saya-saya!   ~end~          

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD