CHAPTER 2

2963 Words
IGINALA ni Jena ang paningin sa loob ng hotel suite ng lalaki ngunit hindi siya umalis sa tabi ng pinto kung sakaling nagkamali ang instinct niya sa unang pagkakataon at masamang tao pala ito. Nagpatiuna itong pumasok sa silid at dumeretso sa banyo. Paglabas nito ay may bitbit na itong tuwalya. Lumakad ito palapit sa kaniya. Iniangat na niya ang kamay upang abutin ang tuwalyang hawak nito pero himbis na iabot iyon sa kaniya ay ipinatong nito iyon sa ulo niya. “May robe sa banyo. Hubarin mo ang damit mo para mapalabhan at mapatuyo natin,” sabi pa nito. Hinawakan niya ang tuwalya at hinawi iyon upang makita niya ito. Nakamasid ito sa kaniya na may bahagyang ngiti sa mga labi. Masyadong mabait ang ekspresyon sa mukha nito na nahihirapan siyang kumbinsihin ang sarili niyang huwag magtiwala rito. “Sige na,” susog pa nito. Kumilos siya at tuluyan nang lumakad patungo sa banyo. Isasara na niya ang pinto nang muli itong magsalita. “Ah, anong gusto mong kainin? Oorder ako ng pagkain hindi pa ako nagdidinner,” sabi nitong nakahawak na sa awditibo. “It’s okay. Hindi pa ako gutom,” tanggi niya kahit ang totoo ay nagugutom siya. Hindi siya nakakain ng maayos kanina dahil sa buwisit na kadate niya. “That means your hungry,” balewalang sabi nito at inabala na ang sarili sa pakikipag-usap sa telepono. Saglit niya itong tiningnan bago tuluyang isinara ang pinto ng banyo. Napabuga siya ng hangin. Sa totoo lang ay nawe-weirdohan siya sa lalaking iyon. Kung umakto kasi ito ay napakanatural na para bang matagal na silang magkakilala. Kahit sinabi rin nitong nakokonsiyensiya ito kaya siya nito tinutulungan ay parang wala naman siyang makitang guilt sa mukha nito. Napailing na lamang siya at naghubad ng damit. Dahil naroon na rin siya ay nagshower na rin siya. Pagkatapos ay isinuot niya ang isa sa mga roba doon at maayos na itinupi ang mga damit niya. Nang matapos ay maingat niyang pinihit ang seradura ng banyo. Sumilip siya sa labas. Natagpuan niya ang lalaki na nasa harap ng pintuan at may pinagbuksang staff ng hotel. Nakita niyang inilapag sa lamesa ang mga pagkaing inorder nito. Tapos nang ihain doon ang mga pagkain nang mapalingon sa panig niya ang lalaki. Bahagya siyang napaatras nang magsimula itong lumakad palapit sa kaniya. “Akin na ang mga damit mo para maipadala na natin sa kaniya,” sabi nito sa natural pa ring tono. Bago pa siya makapagsalita ay kinuha na nito ang kipkip niyang mga damit at bumalik sa bellboy. Iniabot nito iyon dito at nagbilin. Nang makaalis iyon ay muli itong humarap sa kaniya at ngumiti. “Tara kain na tayo. Nagpaakyat din ako ng wine just in case gusto mo,” alok nito. “Why are you acting like we know each other?” hindi na nakatiis na tanong niya. Natigilan ito. Pagkatapos ay bahagyang natawa. “Ah, ganito lang talaga ako. Mag-isa akong namuhay sa ibang bansa kaya nasanay na akong makipag-usap sa lahat ng tao kahit pa hindi ko kilala. Besides, you don’t seem to be a bad person at kumportable ako sa iyo,” nakangiti pang sabi nito. “Don’t you feel the same way too?” tanong pa nito. Muli ay hindi siya nakasagot. Dahil aminin man niya o hindi ay ganoon din ang nararamdaman niya. Wala siyang makapang takot kahit pa dalawa lamang sila sa silid na iyon. Oo nga at bahagya siyang kinakabahan sa presensiya nito pero iyon ay dahil unang beses niyang nanatili sa isang hotel room na ang kasama lamang ay isang lalaki at hindi dahil nag-aalala siyang gagawan siya nito ng masama. “Kain na,” muli ay alok nito. Nagbuga siya ng hangin at tumalima. Nawala na ang mga pag-aalinlangan niya. “Basta ba ikaw ang magbabayad. Nagugutom na nga ako,” nasabi na niya. Tumawa ito at umupo na rin sa katapat niyang couch. “Sabi ko na nga ba gutom ka eh,” puna nito. Nagkibit balikat siya. “Hindi ako nakakain ng maayos kanina dahil nabuwisit ako sa kadate ko,” nasabi niya at nagsimulang kumuha ng pagkain. “Galing ka sa date?” tanong nito. May narinig siyang pagkamangha sa tinig nito pero hindi na lamang niya iyon pinansin. Bakit, hindi ba ito makapaniwalang may nakikipagdate sa isang gaya niya sa mamahaling hotel na iyon? “Nakakagulat ba na galing ako sa date?” tanong niya rito. “No. Of course not,” mabilis na sagot nito. Binuksan nito ang bote ng wine at sinalinan ang dalawang basong naroon. “Naisip ko lang na kung galing ka talaga sa date hindi ba dapat busog ka?” Napabuga siya ng hangin. “Hay hindi ako nakakain ng maayos dahil nakakairita ang naka-date ko. Mula ng magkita kami hanggang sa layasan ko siya wala siyang ginawa kung hindi ang magyabang,” naiusal niya. Pagkatapos ay sumubo siya ng pagkain. “Pero hindi ba natural lamang iyon? Sa isang date normal lang na sabihin ng lalaki ang lahat ng magagandang qualities niya para magustuhan siya ng babae. Hindi ibig sabihin ‘non nagyayabang siya,” kaswal na sagot ng lalaki at nagsimula na ring kumain. Nilunok muna niya ang pagkain, kinuha ang isang baso ng wine at sinaid iyon bago nagsalita. “Oo alam ko iyon. Pero nasa paraan ng pagsasalita at stance ng lalaki kung nagsasabi lang siya ng totoo o nagyayabang na. Sa kaso ng ka-date ko kanina nagyayabang siya. Besides, kaya kayo nagdate ay hindi lang dahil gusto mong maimpress ang ka-date mo kung hindi dahil gusto mong makilala siya. Hindi naman ako nage-expect ng sobrang perpektong lalaki,” sabi pa niya. Tumitig ito sa kaniya at hindi nagsalita. Hindi niya alam kung pinag-iisipan ba nito ang sinabi niya o may dumi sa mukha niya sa paraan ng pagkakatitig nito. Makalipas ang ilang saglit ay ngumiti ito at bahagyang tumango. “With that I agree,” tipid na sagot nito at ipinagpatuloy ang pagkain. Nagkibit balikat na lamang siya at inabala ang sarili sa pagkain. Siya na rin ang kusang nagsalin ng wine sa baso niya dahil sarap na sarap siya roon. “Hey, hindi iyan tubig,” saway nito sa kaniya. Tinginan iya ito. “Masarap eh. Hindi naman ito nakakalasing kaya okay lang,” aniya rito. Napailing ito. “Nakakalasing iyan. Huwag kang maglasing baka isipin mo sinadya kitang lasingin,” sabi nitong ipinagpatuloy ang pagkain. “Alam kong hindi. Sabi mo nga, you are not someone who forces yourself on a woman,” sagot niya rito. Pinakatitigan siya nito at ngumiti. “Paano pala kung nagsisinungaling ako?” tanong nitong halatang nanunubok. Sinalubong niya ang mga mata nito. “Huhulihin ka ng security ng hotel na ito. O kung hindi ay gagawin ko ang lahat maparusahan ka lang,” kunwa’y seryosong sabi niya. Natawa ito. Natawa na rin siya. “Hey,” nakangiting tawag nito sa kaniya at inilahad ang kamay. “Pinapakain na kita pero may nakalimutan tayo. I’m Woody,” pakilala nito. Oo nga pala. Kanina pa siya nakikipag-usap dito at nasa iisang silid ay ni hindi pa niya alam ang pangalan nito. “Jena,” aniyang tinanggap ang kamay nito. Sumikdo ang dibdib niya nang maglapat ang mga kamay nila. Bahagyang magaspang ang palad nito ngunit kataka-takang masarap iyon sa pakiramdam. Bigla niya tuloy naitanong sa isip kung ano ang trabaho nito at ganoon ang kamay nito. Nakatitig pa rin siya sa magkahugpong na mga palad nila nang maramdaman niyang bahagya nitong pinisil ang kamay niya. Napatingin siya sa mukha nito. Nang makita niya ang ngiti sa mga labi nito at ang matiim na mga titig nito ay awtomatikong nahatak niya ang kamay niya. “Anyway, tingin mo gaano katagal bago nila maibabalik ang mga damit ko?” paiwas na tanong niya. Nagkibit balikat ito. “Hindi ko rin alam. Itanong natin mamaya kapag pinaligpit na natin itong kinainan natin,” sabi nito. Muli ay tango na lamang ang sinagot niya. Nang matapos silang kumain ay muling umakyat doon ang bellboy at kinuha ang mga pinagkainan nila. Nang tanungin niya ito tungkol sa mga damit niya ay nadismaya siya sa sagot nito. “Bukas ng umaga pa po ma’am.” Iyon lang at lumabas na ito ng silid. Nanlulumong napasalampak siya sa sofa. “Buong magdamag akong ganito? Ang ganda-ganda talaga ng araw na ito,” frustrated na sabi niya. Hindi nagsalita si Woody at lumakad patungo sa kung saan. Napasunod siya ng tingin dito. Lumapit ito sa maletang nasa gilid ng kama at binuksan iyon. Pagkuwa’y may inilapag itong tshirt at shorts sa kama. “Ito na lang muna ang isuot mo. Mas okay ito kaysa sa robe. Wala kang choice kung hindi bukas umuwi. Tumawag ka na lang muna sa inyo para hindi sila mag-alala. Gabi na rin at delikado na sa labas,” sabi nito. Napabuga na lang siya ng hangin dahil alam niyang wala naman talaga siyang pagpipilian. Tumayo siya at lumapit sa kama upang kunin ang mga damit na pinapahiram nito. “Salamat,” tanging nasabi niya at lumakad na palapit sa banyo. “Hindi ka ba muna tatawag sa inyo?” pahabol na tanong nito. Huminto siya at bahagyang lumingon. “It’s okay. I live alone,” nakangiting sabi na lamang niya at tuluyan ng pumasok sa banyo.   NAPATITIG na lamang si Woody sa nakapinid na pinto ng banyo. Sa hindi niya malamang dahilan ay parang may kung ano siyang naramdaman sa huling sinabi ni Jena bago ito tuluyang pumasok sa pinto. May kung anong dulot din sa kaniya ang ngiti nitong nakitaan niya ng kalungkutan. Lalo tuloy siyang nakaramdam ng curiousity at isang hindi pamilyar na damdamin dito. Kanina, nang bumaba siya ng sasakyan niya upang humingi ng tawad sa babaeng hindi niya sinasadyang matalsikan ng tubig sa sobrang pagmamadali niya ay wala siyang ibang intensyon kung hindi ang humingi lamang ng sorry at pagkatapos ay magpapaalam na dahil wala siyang ibang gustong gawin kung hindi ang mapahinga na. Galing kasi siya sa meeting niya sa magiging boss niya kahit pa kararating lamang niya galing ibang bansa at may jet lag pa siya. Ang gusto niya sana ay makapagpahinga na. Ngunit nagbago ang isip niya nang makita niya ang mukha nitong bahagyang natabingan ng nabasang buhok nito at mariing nakapikit na tila pinipigilan ang inis. At nang dumilat ito at masalubong niya ang mga mata nito ay tuluyan ng nawala sa isip niya na nagmamadali siya.  Her eyes were the most expressive eyes he had ever laid eyes on. Kumikislap iyon sa magkakahalong emosyon – a combination of irritation and sadness. Bigla niyang naitanong sa isip kung bakit kaya ito malungkot sa gabing iyon. Hindi niya tuloy napigilan ang sarili niya at hinawi ang buhok nito upang lalong makita ang mukha nito. Nang umatras ito at magsimulang magsalita ay tuluyan na nitong nakuha ang atensyon niya. Hindi ito sobrang ganda ng tulad ng ibang mga babaeng nakilala na niya sa amerika. Subalit may kung ano sa mukha nito, sa kilos nito, sa pananalita nito at sa mga mata nito na tila magnetong humahatak sa mga mata niyang pagmasdan ito. Bigla naisip niya na ayaw pa niyang matapos ang pagkakakilala nila ng ganoon-ganoon lang. Kaya kahit alam niyang may posibilidad na tumanggi ito at isipin nitong masama siyang tao ay inoffer na niyang patuluyin ito sa hotel room niya. Wala naman talaga itong dapat ipag-alala dahil hindi siya gagawa ng kahit na anong magpapapangit ng impresyon nito sa kaniya. Inalis na niya ang tingin sa pinto ng banyo at muling bumalik sa sofa matapos kumuha ng unan sa kama. Doon na lang siya matutulog. Inayos na niya ang unan doon nang bumukas ang pinto ng banyo. Napalingon siya roon. Tila siya namatanda nang makita niya si Jena. Masyadong malaki rito ang mga damit niya. Ngunit sa hindi niya malamang dahilan ay tila humakab dito ang kurba ng katawan nito. She looks… sexy. Napalunok siya. Nang bumaling ito sa kaniya ay kumurap siya at pilit na ngumiti. “See? That’s better than a robe,” aniya rito. “Hmm, oo nga. Pero nakakailang pa rin magsuot ng damit ng may damit,” sabi nitong bahagya pang inangat ang mga braso at tiningnan ang sarili. Pagkatapos ay muling tumingin sa panig niya. “Ay, salamat inayos mo na pala ang tutulugan ko,” sabi nitong lumapit pa. “No. Sa kama ka na matulog. Ako na rito,” maagap na sabi niya. Tiningnan siya nito at bahagya pang umangat ang kilay. “Hindi mo na kailangang magpakagentleman pa ng ganiyan. Nakikitulog na nga ako aagawin ko pa ang kama mo. Okay na ako sa sofa,” sabi nito at sumalampak na ng upo sa sofa. Hindi niya naiwasang mapasulyap sa dibdib nitong bahagyang gumalaw nang pabagsak itong umupo sa kama. Dahil wala naman siyang naipahiram na panloob dito ay malamang na wala itong kahit anong suot sa loob ng damit niya. Agad din niyang inalis ang tingin doon at marahas na minura ang sarili sa isip. s**t, hindi ito ang oras para maging malisyoso. “Ah, may wine pa pala. Uubusin ko na ito ha,” sabi pa nito at dumukwang upang salinan ang baso nito ng wine.           Marahas siyang napabuga ng hangin. “Sinasabi ko sa iyo Jena akala mo lang wala iyang tama pero nakakalasing iyan,” saway niya rito nang makitang sinaid na naman nito ang baso nito.           Tumingala ito. “Hindi ako madaling malasing,” matamis ang ngiting sabi nito na namumungay na ang mga mata.           Muli ay napamura siya. He suddenly had an urge to grab her and kiss those lips. Grr... delikado pala ito. Inalis na niya ang tingin dito at lumayo rito. “Bahala ka na nga,” nasabi na lamang niya at dere-deretsong pumasok ng banyo.             NAPAUNGOL si Jena nang maalipungatan siya. Kumilos siya dahil nakaramdam siya ng p*******t ng katawan. Nag-inat siya at dumilat. Noon lamang niya naalalang nakahiga siya sa sofa. Napabangon siya at naigala ang paningin.  Tanging dim light lamang ang ilaw sa loob ng silid ngunit sapat na iyon upang makita niya ang nasa paligid. Biglang bumalik sa alaala niya ang lahat ng nangyari kinagabihan.           Nang maalala niya si Woody ay awtomatikong napalingon siya sa malaking kama. May nakita nga siyang bulto roon. Iinat inat na tumayo siya at agad na kinuha ang cellphone niya sa bag niya upang malaman kung anong oras na. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang alas sais na pala ng umaga! Ni hindi niya nga namalayang nakatulog na pala siya kagabi. Ang alam lang niya ay hinihintay niya itong lumabas ng banyo pero dahil namimikit na ang mga mata niya ay humiga na siya sa sofa. Nakatulog siguro siya bago pa man ito lumabas ng banyo.           Noon naman siya nakarinig ng katok sa pinto. Muli siyang napalingon sa natutulog na bulto ni Woody bago siya lumapit sa pinto at marahan iyong binuksan. Bumungad sa kaniya ang bellboy na may bitbit na paper bag. Ngumiti ito. “Good morning ma’am. Ito na po iyong mga damit niyo.”           Inabot niya iyon at nakangiting nagpasalamat dito. Nang maisara na niya ang pinto ay tulog pa rin si Woody. Tahimik na dumeretso siya sa banyo at mabilis na nag-ayos ng sarili. Nang tapos na siyang mag-ayos at hindi pa rin ito nagigising ay dahan dahan siyang lumapit sa kama upang gisingin na sana ito.           Ngunit nang makita niya ang natutulog na mukha nito ay parang ayaw naman na niya itong gisingin. Kung maganda na ang mukha nito kapag gising ito ay kay amo naman niyon kapag tulog ito. He looks so boysihly handsome she knew it would be a waste to wake him up. Hindi pa rin siya makapaniwalang nakakilala siya ng ganitong lalaki.           Hindi na niya alam kung gaano katagal na niya itong pinagmamasdan nang bahagya itong kumilos. Napakurap siya at noon lamang tila muling bumalik sa katinuan. Tuluyan na siyang lumapit dito. “Woody,” tawag niya rito kasabay ng pag-alog sa balikat nito. Umungol lang ito. “Woody,” muling tawag niya rito na lalo pang lumapit.           Muntik na siyang mapatili nang bigla siya nitong yakapin. Napahiga siya sa dibdib nito at ang mukha niya ay nasubsob sa mukha nito. Nanlaki ang mga mata niya nang lumapat ang mga labi niya sa mga labi nito. Nagrigodon ang puso niya at tila nagliparan ang mga alaga niyang paru-paro sa sikmura niya.           Umungol ito at tila may sinasabi pero hindi niya maintindihan. At bago pa siya makalayo rito ay humigpit na ang yakap nito sa kaniya at gumalaw ang mga labi nitong nakalapat pa rin sa mga labi niya.           Nabatobalani siya sa init na biglang lumukob sa ugat niya dahil sa sensasyong dulot ng mga labi nito. Muntik na siyang mawala sa katinuan nang bigla itong huminto at lumuwag ang yakap nito. Hanggang sa tuluyang bumagsak ang mga braso nito sa kama at nagiba ng posisyon.           Napatayo siya at tulalang napatitig dito na mukhang malalim pa rin ang tulog. Nang marealize na nananaginip ito ay naitakip niya ang palad sa bibig niya. Ninakawan siya nito ng halik habang tulog ito! I could not believe it! Hinalikan ako ng lalaking tulog at ni hindi ko kilala maliban sa pangalan!           Sa labis na inis ay sasampalin niya sana ito para magising ngunit napigilan niya rin agad ang sarili. Ano namang sasabihin niya kapag nagising ito sa sampal niya? Na hinalikan siya nito? Paano kung hindi ito maniwala? Nakakahiya.           Sa huli ay may nabuong desisyon sa utak niya. Kailangan niyang umalis bago pa ito magising. Mabilis na kinuha niya ang bag niya at binuksan ang pinto. Sinulyapan niya ito sa huling pagkakataon bago tuluyang lumabas ng silid nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD