Kinagabihan ay dumating ang mga kapatid ni Drake, "ready?” "Yes K-kuya Josh," hanggang ngayon naiilang pa rin siya na tawaging kuya ang kapatid. Para namang wala na yatang pag asa na gumaling pa ang kaniyang amnesia. Isang taon na ang lumipas at hindi man lang siya makaalala kahit kaunti. "Let's go brother, naroon na ang kaibigan mo.” Isang chopper ang nasa di kalayuan. Na miss niya si Dante ang kaisa isang kasa kasama niya sa Zamboanga at parang kapatid na niya ito. Nang marating ang chopper agad na umakyat sila doon, “Pare!” at mahigpit silang nagyakap. “Kumusta ka na bro?” “Okay na ba ang mga sugat mo?" "Okay na ako at salamat sa iyong mga kapatid dahil hindi nila ako pinabayaan". Pasimple siniko siya ni Dante saka inilapit ang bibig sa taenga niya. Masyadong maingay ang choppe