Matapos ang kanilang kasal sa civil ay namumuhay sila ng maligaya. Gusto sana nila na sa church sila magpakasal ngunit mahirap sa sitwasyon nila. Isa pa tinutulan ng mga kapatid at ang sabi sa kaniya ay saka na sila magpakasal sa simbahan pag okay na ang lahat. Napipilitan man ay pumayag na rin sila para sa kaligtasan ng kaniyang si Aqua. Si Dante ay patuloy na tinitrain ni Drake sa martial arts at sa paghawak ng iba't-ibang klase ng mga weapon. At sa paglipas ng mga araw ay nakalimutan na ni Aqua ang sitwasyon nila. Sa bawat araw sa piling ni Drake ay napakasaya niya. Napaka lambing at mapagmahal ang asawa at halos gawin siya nitong reyna. Sinusubuan pa siya nito at pinapaliguan. Kaya naman habang tumatagal ay natutunan na niya itong mahalin. Three months later… Pinapanood ni Aqua an