Binuksan niya ang fridge at kumuha ng maluluto. Gumawa rin siya ng soup para ipainom sa dalaga. Nagpakulo pa siya ng tubig para ipagluto niya ito ng pasta. "Oh s**t! Bakit pasta, marunong ba siyang magluto non?" Pero bakit pakiramdam niya ay alam na alam niya ang pagluluto. Bahala na susubokan niya kung anong kalalabasan. Habang hinihintay na kumulo ang tubig ay pumasok siya sa kwarto at ipinatong ang mainit na soup sa side table. "Baby wake up, inumin mo muna ito para mainitan ang sikmura mo.” nagmulat ito ng mata pero mapungay na mapungay iyon at halos bumalik sa pagkaka pikit. Inalalayan niya itong makasandal sa head board ng kama. Inabot ang bowl, "open your mouth, baby." Naging sunod sunoran siya kay Drake, habang sinusubuan siya nito ay hindi maiwasang mapagmasdang ang binata. K