Hindi maalis sa aking mga mata si Syrene na kausap ang lalaki sa left wing ng bar. Mukha itong masaya na may paakbay pa sa lalaki na katabi nito. Panay din ang pagtawa ng lalaki na mukhang nag-i-enjoy sa pakikipag-usap kay Syrene.
Naikuyom ko ang aking palad na nakapatong sa lamesa. Napansin ni Brent ang ikinikilos ko at tumingin din ito sa gawi nina Syrene.
"Siya ba iyong babae ng Lolo Miguel mo?" mahinang bulong sa akin nito. May hawak na beer si Brent habang nakatingin kay Syrene.
Umiling na lamang ako dito. "No she's not." Hindi p'wedeng malaman ni Brent na si Syrene nga ang tinutukoy ko. "Naiinis lang ako na makakita ng isang babae na masiyadong close sa isang lalaki. What if? Masamang tao pala ang lalaking iyon? Pagkatapos ano? Magkakaroon na naman ng bagong biktima?"
Natawa sa sinabi ko si Brent. "Bro, nandito tayo para mag-relax at hindi para kumilatis ng mga tao. Malay ba natin kung may relasyon ang dalawang iyon."
Mas lalo lang akong nainis sa sinabi ni Brent. "Maaga pa akong luluwas ng Manila. Kailangan ko ng umalis."
"Ingat ka, bro. Dito muna ako at magri-relax." Ngumiti sa akin si Brent at binuksan pa ang isang bote ng beer na nasa ice bucket.
Hindi na ako sumagot sa sinabi sa akin ni Brent. Muli kong sinulyapan si Syrene. Hindi ko nagustuhan ang giangawa niya. Paano niya nagagawang maging masaya? Samantalang may sakit ngayon si Lolo Miguel.
Bago ako bumalik ng Manila ay nagtungo ako sa bahay ko dito sa Dagupan. May private property akong napalanunan dito last year sa isang casino. Ginawang collateral ang titulo ng ranch dahil natalo ko sa sugal. Fifty hectares na lupain na taniman ng root crops, fruit bearing fruits at sugar canes. May malawak na pastulan ng mga alagang baka na nasa five hundred pieces.
Hindi alam ni Lolo Miguel na bukod sa mga properties ko sa Manila may mga nabili na rin ako dito sa probinsya maliban sa napanalunan ko sa casino. Siguro nga hindi na talaga maalis sa sistema ko ang pagiging haciendero katulad ng aking lolo.
"Sir Xyrus," bati sa akin Manong Gasqun. Siya ang pinagkatiwalaan ko dito sa ranch. Limang katiwala lang ang mayroon ako na siyang nangangalaga sa ranch farm ko dito.
"Kumusta ang lahat dito?" seryosong tanong ko habang naglalakad patungo sa loob ng two storey house ko. Modern at elevated ang design ng bahay ko. Nabili ko kasama ng lupa na nakuha ko mismo sa Casino.
"Maayos naman po dito, sir."
"Good." Umupo ako sa sofa at isinandal ang likod ko roon. "Si Sofie, tumawag ba siya?"
Buong araw na hindi ako inistorbo nito. Madalas kasi na tawagan nito si Gasqun para alamin kung nasaan ako. Hindi alam ni Sofie ang property ko na ito dahil hindi ko nabanggit sa kanya.
"Hindi po siya tumawag, sir. Gusto ba ninyo ng kape, o juice?" alok sa akin nito. Sa may kusina ay nakatayo at dalawang katulong na naghihintay ng iuutos ni Gasqun.
Ngayon lang yata ako hindi kinulit ni Sofie. "No need, Gasqun. Dumaan lang ako dito para kumustahin ang ranch. Matagal din kasi akong mawawala dahil magiging busy ako sa iba kong negosyo sa Manila."
"Magpahinga na muna kayo, sir."
"Ikaw ang dapat na magpahinga, Gasqun. Dumadami ang mga puting buhok mo. Ayokong kapag nagkita tayo sa susunod na araw o buwan mas kumapal ang puting buhok mo," nakangiting sabi ko rito.
Gumuhit naman ang masayang ngiti sa mukha nito. Madalas kasi akong seryoso kapag kausap ito at ngayon lamang ako nagbiro.
Bumuga ako ng hangin at saka tumayo na rin. "Hindi na ako magtatagal dito. Kung may problema, ang secretary ko na ang bahala. Isa pa, malaki ang tiwala ko sa iyo Manong Gasqun. Isang taon na rin nating pinapaunlad ang ranch farm na ito. Ipagpatuloy lang natin ang magandang nasimulan."
"Sir Xyrus, hindi ko kayo bibiguin."
Lumabas na din ako ng bahay ko at nagtungo sa naka-park kong motorsiklo. Tinapik ko ang braso ni Gasqun bago ako tuluyang umalis ng ranch.
Maraming security personnels sa labas ng ranch. May guard house doon na siyang nagsisilbing pahingaan ng mga ito. Kung wala lang akong importanteng meetings hindi ako aalis kaagad. Mula noong makuha ko ang ranch na ito isang beses pa lang akong nakalibot sa buong paligid.
"MADAM SYRENE! Madam Syrene!" malakas na niyuyugyog ang aking balikat. Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ang mga katulong ni Don Miguel na nakapalibot sa akin.
Pinilit kong bumangon kahit na nahihilo pa ako. Marami akong nainom na alak kagabi at hindi ko alam kung bakit nandito ako sa bahay ni Don Miguel.
Naramdaman ko ang pananakit ng balakang ko. Tinulungan ako ni Manang Marissa na makatayo.
Nagtataka ako dahil umiiyak ang mga ito habang nakatingin sa akin.
"Madam Syrene, ano... anong ginawa mo?" umiiyak na tanong ni Manang Conchita sa akin.
Naguguluhan ako sa sinasabi nito sa akin. Tumingin ako sa paligid ko at nakita ko si Don Miguel na nakahandusay sa sahig, duguan at may katabing baril.
Bigla akong nakatingin sa sarili ko. Puno ng dugo ang suot kong damit, at duguan din ang aking mga kamay.
"A-anong nangyari?" umiiyak na tanong ko. Halos hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko.
"Marissa, nariyan na ang mga pulis," umiiyak na sabi ni Manang Conchita.
"Pu-Pulis? Teka, sandali! Wala akong kasalanan!" Ramdam ko ang panginginig ng aking mga labi.
Nilapitan ko si Don Miguel na duguan. "Please, gumising ka, mahal. Please---"
"Imaaresto ka namin, Syrene Villegas. Sa salang pagpatay kay Miguel Montero Alegre. Anuman ang sasabihin mo ay p'wedeng gamitin sa iyo laban sa korte. May karapatan kang kumuha ng iyong abogado para depensahan ang iyong sarili," walang tigil na sabi ng pulis sa akin habang pinoposasan ako.
"Wala akong kasalanan, sir. Hindi ako ang pumatay sa kanya! Hindi ko alam kung bakit ako nandito! Please naman! Makinig kayo sa akin! Miguel, gumising ka diyan, please. Hindi kita pinatay, hindi ako ang gumawa niyan sa iyo," umiiyak na sabi ko.
Walang nagawa ang mga kasambahay ni Don Miguel habang isinasakay ako ng mga pulis sa patrol car. Nakita ko kung paano takpan ng ibang pulis ang katawan ni Don Miguel. Wala na itong buhay at hindi ko alam kung paano ito nangyari.
No, hindi siya p'wedeng mamatay!
Hindi ako ang pumatay sa kanya!
Wala akong kasalanan! Wala!