Kabanata 3

1020 Words
"What's up, bro!" malakas na sabi ni Brent sa akin pagpasok nito sa office namin. "Bro, bumalik ka na pala galing Cebu. Kumusta ang vacation?" tanong ko sa kanya at inialis ang tingin sa monitor ng computer na nasa harapan ko. "Heto, masaya. Marami akong nakilalang blonde sexy girls. At may mga naka-one night stand din ako." Malapad ang ngiti ni Brent habang nagkukuwento. "Ikaw ba? Kumusta ang pagiging guwapo dito sa Dagupan?" "Nanatiling fresh at guwapo pa rin naman ako, bro," nakangiting sagot ko sa kanya. Nandito kami ngayon sa rooftop ng building kung saan narito ang office namin bilang mga under cover agents ng Special Crime Forces. Bukod sa pagiging industrial engineering ko ay isa din akong under cover agent. Ang alam lamang ng lahat ay isa akong businessman at hindi isang under cover agent. Sumandal ako sa office chair ko at ipinatong ang dalawang paa ko sa lamesa. Kadarating ko lang dito sa office at halos kalahating oras pa lamang akong nakaupo pero pakiramdam ko, pagod na pagod ako. "Binisita mo na ba ang Lolo mo sa Nueva Ecija? Kumusta naman siya? Nagka-usap na ba kayong dalawa?" Umupo sa lamesa ko si Brent. Itinabi nito ang computer at humalukipkip sa harapan ko. "Matanda na siya at medyo mahina na rin. Dinala ko si Sofie para naman makilala din niya. Hinahanap niya si Vaughn sa akin para daw makahingi ng tawad kaso wala pang balak na umuwi ng Pilipinas si Vaughn dahil busy sa band tours niya," malungkot na pagkukuwento ko. "Bro, masiyado nang mahaba ang fifteen years. Sulitin mo na ang mga panahon na kasama mo ang Lolo Miguel mo. Ano naman ang masasabi niya kay Sofie?" "May isang bagay akong inaalala, Brent. Nakita ko na may isang babae na kasama si Lolo Miguel. Mukhang may relasyon sila no'ng babae. And take note. Mukhang bata pa iyong babae, siguro nasa middle twenties." "Maganda ba? Sexy? Wife material?" usisa ni Brent na inilapit pa ang mukha sa kanya. "She's perfect," mahinang sambit ko. Sinundan ko siya kanina sa mall hanggang sa magtungo siya sa Hacienda Liwanag. "Oh... she's perfect to be his girl?" umiral na naman ang pagiging mapang-asar ni Brent. Ibinaba ko ang paa ko mula sa lamesa at ipinagpatuloy ang pagbabasa sa isang criminal record ng isang matandang babae. "Mukhang natamaan ka sa lover ng Lolo Miguel mo." Masama kong tinignan si Brent. "Mukhang hindi siya mapagkakatiwalaan, bro. At susubaybayan ko ang mga galaw niya. Masama ang loob ko kay Lolo pero hindi ibig sabihin no'n ay hahayaan ko na lang siya. Pamilya pa rin kami at kahit na anong nangyari sa past, mas nangigibabaw pa rin ang pagmamalasakit ko sa kanya." Umalis si Brent sa lamesa kong inupuan nito. "Sabi mo, e. Dumaan lang ako para mag-report dahil ako ang naka-duty dito bukas hanggang next week habang wala pa tayong bagong kaso na iimbestigahan. Sige na, asikasuhin mo ang business mo at ang relationship ninyo ni Sofie. Baka kasi mamaya makalimutan mong nakatakda kang magpakasal sa kanya." Mapanuksong ngumiti sa akin si Brent. "Sira ka talaga, Brent. Five years na kami ni Sofie at sigurado na ako sa kanya. Pakakasalan ko pa ba siya?" Ipinamulsa ni Brent ang kamay nito at nagkibit-balikat. Lumabas ito sa office naming dalawa. Ini-off ko naman ang computer at kinuha na lamang ang mga importanteng bagay sa drawer ko bago lumabas ng office. "Nandito na rin lang tayo sa Dagupan, mas maganda kung mag-enjoy naman tayo. May nakita akong grill and bar dito na malapit." Inakbayan ako ni Brent nang makalabas ako sa office. "Babalik pa ako ng Manila mamaya," natatawang sabi ko rito. "Boss, walang masama kung paminsan-minsan nag-i-enjoy tayo. Nakakamatay ang sobrang pagtatrabaho." Inalis ni Brent ang kamay nito sa balikat ko at naunang nagtungo sa kinaroroonan ng elevator. SA Orange Grilled and Bar kami nagpunta ni Brent. Parehong motor ang sinakyan naming dalawa. Suot ko pa rin ang hoodie jacket ko nang magtungo kami sa bar at sa labas pa lamang ay naamoy ko na ang mga iba't ibang klaseng pagkain na iniihaw sa may labas ng bar. Open area ang bar at nasa table na mismo ang menu, magtatawag na lamang ng waitress or waiter para lumapit sa table. Alas diyes pa lamang ng gabi pero marami ng mga tao sa bar. Karamihan na sa mga kumukuha ng table ay mga lasing. Sa may bakanteng lamesa kami nagtungo ni Brent. Pang-apatan ang upuan sa lamesa at ito na lamang ang bakante. May nakasabayan kaming babae na nagtungo din sa may lamesa. "P'wedeng share na lang tayo?" tanong sa akin ng babae na may malusog na pangangatawan. May kasama itong babae na nakatalikod at balingkinitan naman ang katawan. "Sige, dalawa lang naman kami ni Brent," magalang na sagot ko dito. "Syrene, dito na tayo," malakas na sabi ng babae sa kasama nitong nakatalikod. Lumingon ang babae dito at nagulat na lamang ako dahil siya ang babae ni Lolo Miguel. Lumabas ang mapuputing ngipin nito nang ngumiti sa kaibigan. "Maraming tao ngayon, nasaan ba si Cryx?" tanong nito na tila may hinahanap sa kumpol ng mga tao. "Text ko na lang siya na nandito tayo sa right side at nasa dulong table. Makikita na niya tayo dito. Habang naghihintay tayo na may mabakanteng lamesa, makikiupo muna tayo sa kanila," nakangiting sabi ng babae sa amin ni Brent. Tinabihan ako ni Brent at saka pinalakihan ng mga mata. Nakatingin pa rin kasi ako kay Syrene. "Okay lang ba, sir?" nahihiyang tanong ni Syrene na tumingin sa akin. "S-Sure no problem." "Bro, ngayon ka lang yata nautal sa babae?" mahinang tanong sa akin ni Brent. Siniko ko ang aking kaibigan. "Order ka na para makauwi na din tayo." Nakatingin naman sa akin si Syrene ngunit kaagad ding binawi nito ang pagkakatitig sa akin nang dumating ang lalaking kaibigan na hinihintay nito. Kaagad na yumakap si Syrene sa lalaki at ganoon din ang lalaki dito. Napawi ang ngiti sa mga labi ko. Tama nga ang hinala ko noong nakita ko si Syrene. Pineperahan lang ng babaeng ito ang Lolo Miguel ko. Kailangan malaman ni lolo ang kalokohan na ginagawa ni Syrene.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD