Kabanata 9

1120 Words
Habang nagtitimpla ako ng kape ay pasimple akong nagmamasid sa paligid. Bukod sa walang CCTV ang buong second floor ay napansin ko rin na mag-isa lang dito si Syrene dahil iilan lang ang mga gamit. "Matagal ka na ba rito, madam?" tanong ko habang nakatalikod dito. "Limang buwan pa lamang ako rito sa Nueva Ecija. Ahmm... hindi talaga sa akin ang beauty shop na ito... binigay lang ng... ng taong malapit sa akin." Damn her. Si Lolo Miguel ang tinutukoy nito. Alam naman niya iyon dahil nalaman niya ang back ground ni Syrene. Isang dating escort sa club at nakatira lang sa maliit na apartment. At nang dumating si Lolo sa buhay niya nagbago ang lahat kay Syrene. "Sugar daddy?" Nilingon ko si Syrene nang tanungin iyon dito. "Charot." Ngumiti ito sa akin at tumingin sa malayo. Hindi ko lubos maisip na ang inosenteng mukha na nasa harapan ko ang may kakayahan na gumawa ng isang krimen. Paano nito nagawang patayin si Lolo ngayong binigay naman ni Lolo Miguel ang lahat dito? "Isang malapit na kaibigan, Dee. Alam mo ang mabuti pa siguro doon ka na sa ibaba." Tumingin ito sa akin na nakatayo pa rin saay hagdan. "Baka dumating si Vanessa at isipin niya na binibigyan na kita ng favor kahit bago ka pa lang dito." Si Vanessa ba ang kasama nito sa pagpatay sa kanyang Lolo? "Ay sureness, madam. Mainit ang blood sa akin ng kaibigan mo baka magulpi pa ako. Anyways, thank you sa coffee blanca mo, madam. Sa ibaba ko na lang hihintayin ang dalawang bruha." Tatalikod na ako nang muli itong magsalita. "Sasamahan na lang muna kita sa ibaba." Hindi ko magawang tumingin sa suot niya dahil naka-sleep wear lang ito. Nakasuot ng silk na bestida na hanggang tuhod nito ang haba. Nakapusod ang buhok at walang suot na bra. Kahit na itim ang suot nitong sleep wear ay naaninag ko ang nippl*s nito. Napalunok ako habang nakatingin dito na palapit sa akin. "Okay ka lang ba, Dee?" Sa pagkagulat ko mabilis kong ininom ang kape. Napaso ang dila ko dahil sa init ng kapeng ininom ko. "Mas maganda ako sa iyo, no?" siniko pa ako nito at nauna nang bumaba ng hagdan. "Kung alam mo lang... nag-iinit ang katawan ko sa iyo," piping usal ko sa kawalan. "Sexy madam, wish ko nga rin na magkapalit tayo ng figure. I know, maraming mga papa's ang magkakandarapa sa beauty ko kapag nagkapalit tayo." "Hay naku, Dee." Umupo ito sa monoblock na naroon at kumuha naman ako ng isa para upuan. Nag-cross legs ako ako at ipinatong ang tasa sa may lamesa. Inayos ko rin ang hairband na suot ko at nag-pout ng lips habang nakatingin sa akin si Syrene. Natutunan ko ang ganitong kilos sa pagiging undercover ko. Madali na lang para sa akin ang maging ibang tao dahil sa klase ng trabaho ko. Sino bang mag-aakala na ang isang katulad ko na businessman ay isa ring secret agent? "Alam mo sayang ang gandang lalaki mo. Marami sigurong maghahabol sa iyo na babae kapag nagpakalalaki ka lang. Hindi ka katulad nina Amor at Blue na naka-fake eyelashes at may iniinom na pills para lang maging blooming." "Madam, eww! Ano ba naman iyang sinasabi mo? Yuck, ha." Umarte pa ako na parang naduduwal sa sinabi nito. "Ang sabi nga sa akin ng Lolo Miggy ko dapat nagpakalalaki na lang sana daw ako para naman magkaroon siya ng apo. Sayang daw ang magandang tikas ko kung forever na ganito ako. Sabi ko naman kay Lolo Miggy, hintayin niya ako na makapagdesisyon iyon nga lang... tegi na siya bago ko pa man din sinubukan na magkaroon sana ng girlfriend." Nakatingin sa akin si Syrene habang nagsasalita ako. Kaya mas pinalambot ko pa ang tinig ko at mas pinaarte ang kilos ko. Uminom ako ng kape na nakataas ang hinliliit ko. "You mean? Patay na ang Lolo Miggy mo? Kaya ka ba umalis sa Iloilo dahil wala ka na ring kamag-anak?" nalungkot nitong tanong sa akin. Tsk... "Yes, madam. Three years na din siyang tegi. Kaya heto ako miss pa rin hanggang ngayon. Ikaw ba madam? I know... sa mala-beauty queen mong mukha at shape ng katawan marami ka sigurong manliligaw na papa's?" Tumawa si Syrene sa sinabi ko. Naasar ako dito pero hindi ko maitanggi na gusto kong pakinggan ang pagtawa nito ng malakas. "Kung may manliligaw ako ipapakilala kita para naman hindi ka na single." "Sureness, madam. Gusto ko iyong four M, magandang mayamana na madaling mamatay." "Sira! Hindi iyon maganda no." Tsk, napakainosente talaga ni Syrene. Pinipigilan ko ang inis na nararamdaman ko habang kaharap ito. Muli akong humigop ng kape at inubos na iyon bago muling tumingin dito. "Okay, madam. Si Madam Vanessa ba kapatid mo siya?" tanong ko habang nilalaro ang aking buhok. "Mukha ba?" "Kaloka!... dahil mukhang mas mabait ka sa kanya, madam." "Kaibigan ko si Vanessa at siya ang bestfriend ko. Ikaw ba, Dee? Bukod ba sa Lolo Miggy mo may iba ka pang kamag-anak?" "Me? Waley na madam. May mga kamag-anak pero hindi naman nila ako itinuring na kamag-anak nila dahil wala akong pakinabang. Palagi nilang sinasabi sa akin na salot ang mga bakla kaya minalas ang Lolo Miggy ko sa akin. Nakaka-hurt no'n madam pero ganoon talaga ang buhay. Kailangan mo na lang patunayan na hindi ka ganoong klase ng tao. Kaya umalis na lang ako sa amin para magbakasakali na makahanap ng trabaho. Nanggaling ako sa Manila kaso niloko ako ng mga kaibigan kong purita. Kaya heto ang beauty ko kung saan-saan na lang napadpad para lang magkaroon ng maayos na trabaho. Kaya sobrang thankie ako sa iyo, madam. Sa lahat kasi ng pinasukan kong trabaho ikaw lang ang tumanggap sa akin." Kunwari ay naiiyak ako sa madrama kong kwento. P'wede na nga akong maging artista dahil sa galing kong mag-imbento ng sitwasyon sa buhay. Nilapitan ako ni Syrene at itinabi nito ang upuan sa gilid ko. "I'm sorry, beshy." "Beshy?" Inalis ko ang palad ko sa aking mga mata. "Gusto lang kitang tawagin niyan dahil mukhang okay ka naman at sa tingin ko talagang magkakasundo tayong dalawa. Alam mo pareho tayo na may malungkot na buhay. Naisip ko rin na sadyang dinala ka dito ng pagkakataon para magkaroon ako ng kadamay." "Baka naman mamaya, madam. Bigla mo na lang akong akitin, ha?" Inilayo ko ang upuan ko rito. "Ganyan iyong mga napapanood ko sa mga drama... bigla-bigla na lang silang nilalapitan ng mga babae tapos kukunin ang pinakaiingatan nila." Pinalo ako ni Syrene sa balikat. "Loka!" Malakas itong tumawa. Kahit naiinis ako rito ay hindi ko napigil ang sarili ko na sabayan ito sa pagtawa. Ngayon lang ako tumawa ng ganito kasama ang isang taong lihim na kinamumuhian ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD