Kabanata 8

1114 Words
"Sure ka ba talaga na binabae iyang si Dee Bartolome na iyan?" Umangat ang isang kilay ni Vanessa habang tinatanong si Dee sa akin. Nakatingin ang kaibigan ko sa kinatatayuan ni Dee na nakikipag-usap kina Amor at Blue. "Sure naman ako, tignan mo nga ang gestures niya... mukha talaga siyang gay. Kahit pa malakas ang s*x appeal niya," pabulong na sagot ko kay Vanessa. "Sus, ako talaga hindi kumbinsido sa Dee na iyan, e. Mukha talagang lalaking-lalaki siya. Bakit hindi na lang siya nag-apply bilang security guard?" "Vanessa, nariyan na si Manong Leo. Hindi naman p'wedeng siya ang mawalan ng trabaho. Kulang tayo sa tao, lalo na kung may home service si Amor at maraming mga clients dito sa salon," paliwanag ko rito. Narinig ko ang pagbuga ng hangin ni Vanessa. Hindi pa rin talaga nito inaalis ang tingin kay Dee. Hinila ko ang kamay nito at saka ngumiti rito. "Vane, wala ka naman dapat na ipag-alala. Sa nakikita ko naman mukhang mabuting tao si Dee. Wala tayong magiging problema sa kanya, okay." Nginitian na lamang ako ni Vanessa kahit na alam ko na may pag-aalinlangan ang kaibigan ko. Naiintindihan ko naman siya dahil alam ko na mabuti ang hangarin niya. Hindi pa tapos ang kaso ko at p'wede pa akong madiin sa krimen na hindi ko ginawa kaya ganoon na lamang ang pag-aalala niya sa akin. "Nag-lunch ka na ba?" pag-iiba ko ng usapan namin. "Oo, may karinderya akong nadaanan kanina bago ako pumunta dito. Ikaw, nag-lunch ka na ba?" balik-tanong nito sa akin. Ngumiti ako kay Vanessa dahil hindi pa rin mawala ang mga tingin nito kay Dee. "Oo, bago ka pa dumating nag-lunch na ako. Magtiwaka ka na lang sa akin, Vane." Ngumiti ako ng malapad dito. "May pictorial ang mga highschool students next week para sa graduation nila, at tayo ang mag-aayos sa mga batang iyon," pag-iiba ko ng usapan naming dalawa. "Talaga ba?" biglang nagningning ang mga mata ni Vane. "Maraming magiging costumers niyan." "Hi, Miss Vane," ani Amor nang lumapit ito sa amin. Itinaas ni Vanessa ang kanang braso nito. "Ano ulit?" "Ikaw naman, boss hindi ka na mabiro," bawi ni Amor dito. Maarteng hinawi nito ang pink na buhok na hanggang balikat ang haba. "Huwag kang masungit diyan, duamdami ang wrinkles mo." Inakbayan ni Vane si Amor at inilapit ang mukha sa mukha nito. "Bakla ba talaga si Dee?" Humalukipkip ito at saka ngumiti. "Hindi ba halata? Tignan mo naman ang poise, ang kurba ng katawan at ang gestures." "Sure ka? Hindi ba siya lalaki?" Umismid ito at saka kinurot ang ilong ni Vanessa. "Lalaki siya syempre, isa siyang Adan. Hindi naman siya transwoman, isa siyang kadugo ko... kahit na parang ang yummy niya rin katulad ko. Bakit mo ba siya tinatanong sa akin boss? Don't tell me na you are in love with him? Oh gosh!" medyo lumakas ang boses nito. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Amor. At pinamulaan naman ng mukha si Vanessa. Kaagad nitong binitawan si Amor at itinulak palayo. "Kadiri ka, Amor," singhal ni Vanessa dito. Natawa naman ako sa inasal ng mga ito. Nilingon ko si Dee na nakatingin na pala sa gawi namin. Katabi nito si Blue na nakasandal sa likod ng salamin. "May fiesta?" tanong naman nito Blue sa amin. "Ang taray, ha," dugtong naman ni Dee na ikinumpas ang kamay sa ere. "Join naman kami sa topic," malakas na sabi nito. Umalis si Vanessa na pinamumulahan pa rin ang mukha. Sinundan ko na lamang ng tingin ang kaibigan ko. Hindi ko alam kung nahihiya ba siya sa nagyari o kung bigla nga itong tinamaan kay Dee. "Ahem, madam," umubo si Dee na hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala. "Mukhang hindi yata ako bet ni Madam Vanessa, pero okay lang. First day ko pa lang naman at wala pa akong pasabog." Iniangat nito ang dibdib at saka umikot nang mabilis. "Beauty ko pa lang kasi ang mayroon ako." "Hay naku, Dee. Sige na, magtrabaho na," nakangiting sabi ko rito. "Okay madam. Work... work na mga bakla!" sambit naman nito habang pakendeng-kendeng. Nakakapanghinayang naman dahil ang tikas ni Dee para maging beke lang. Bumuga ako nang malalim at pinagmasdan ito. Bago ko ibalik ang tingin sa kinaroroonan ni Vanessa na abala ngayon sa camerang hawak nito. KINAGABIHAN nagpaalam sina Amor at Blue sa akin na mamamasyal sa park. Pinagbigyan ko naman ang mga ito dahil maraming mga customers kanina kaya gusto ko na makapag-relax naman sila. Nandito ako ngayon sa may balcony at kasalukuyang nagkakape. Umalis din si Vanessa dahil may importante itong pupuntahan. Biglang sumagi sa isip ko ang apo ni Don Miguel. Kailangan ko siyang makausap para maipaliwanag na wala talaga akong kasalanan. Ngunit mapapakinggan nga kaya niya ako? Bumuga ako nang malalim at hindi napigil ang pamamasa ng aking mga mata. "Good evening, madam," boses ni Dee. Sinabayan pa nito ng katok sa may nakabukas na pinto ang pagbati nito sa akin. Pinahid ko muna ang pamamasa ng aking mga mata bago ito lingunin. Nasa baba ang kuwarto nito kasama sina Amor at Blue. "May kailangan ka ba, Dee?" Nanatili itong nakatayo sa pintuan na sa may hagdan. "Medyo scary sa ibaba, madam. Umalis na si Mang Leo at hindi pa naman ako kilala rito. Naisip ko na baka p'wedeng dito muna ako habang hinihintay ko ang dalawang beshy ko. Stay lang ako dito sa may hagdan, madam." Napansin ko na nakasuot ng pajama si Dee na kulay pink. Naka-white t-shirt ito at may red na cloth hairband. Red na red din ang mga labi at may blush on pa. "Unang araw mo dito kaya natatakot ka? Mababait naman ang mga tao dito kaya wala lang dapat na ikatakot. Ang lugar na ito ang pinaka-safe para sa atin dahil malapit lang tayo sa Barangay Hall. Umupo ka na lang dito at magtitimpla ako ng kape." "Ay wag na madam, gusto ko pang mabuhay ng masaya," pagbibiro nito sa akin. Naglakad ito palapit sa sofa ay umupo doon nang naka-cross legs pa. "Ang taray ng bahay mo, Madam Syrene." "Galing ito sa importanteng tao sa buhay ko kaya naman... lubos kong iniingatan." "Ganoon ba?" biglang nag-iba ang boses ni Dee. "Ha?" "Ganern pala. Pasensya ka na, madam. Namaos yata ako kanina dahil sa ininom naming iced tea ni Blue. Ako na lang ang magtitimpla ng kape ko, madam." Tumayo si Dee at nagtungo sa kusina ko. Mukhang feel at home ito at hindi nahihiya kapag kausap ako. "Wala iyon, ganyan din ang boses ni Amor kapag kinakausap ko siya. Feel at home lang... hindi ko naman ikakaltas sa sahod mo ang kakapehin mo ngayon." "Kaloka, madam!" tili ni Dee habang nasa kusina ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD