2. See you soon.

2466 Words
Vaniella's POV I’m Maria Vaniella Hermosa Doukas, turning eighteen this year. You can call me Van, Vani, or just Vaniella. I am a grade twelve student, graduating next year with high honors. Well, I hope I will maintain my high grades. My father is Vulcan Doukas and my mother is Malzia Doukas. My ambition in life is to finish my studies and help my family with our businesses. But my greatest dream is to become a soldier someday and serve for my country. Well, it's just a great dream for me. I don't know if I can fulfil this because my father would be mad at me. I—-l Natigil ako sa pagtipa sa laptop ko nang hindi ko na maisip kung ano ang idudugtong ko sa biography na assignment ko sa Literature. Bigla akong nablangko. Wala ng pumasok na ideya sa utak ko kahit isa. Kanina parang kaya kong tapusin ito sa isang upuan lang. Pero heto, hindi ko na alam ang kasunod. Ayaw mag-function ng utak ko bigla. Hindi ako makapag-isip ng mga tamang salita na gagamitin ko para dugtungan ito at pahabain pa. Ano pa ba ang idudugtong ko bukod sa pagpapakilala ko sa aking sarili at gusto kong maging paglaki ko? Nag-isip ako. It took me minutes to think before I gave up Wala akong maisip. Walang pumapasok sa isip ko. Hinilot ko ang sentido ko na biglang sumakit. Napapikit ako at huminga ng malalim. Tapos sinubukan ko ulit bumuo ng mga salita sa utak ko after five minutes. Pero ang sabaw! Wala talaga akong maisip na idudugtong. Maybe, I need to stop it and continue later. Alam kong hindi maganda na pilitin ko ang utak ko na mag-isip kaya naman nagpasya ako na huwag na munang dugtungan ito. Tinigil ko ang aking ginagawa at nagpasya na ituloy na lang ito mamaya kapag may pumasok ng idea sa utak. Or maybe I can seek help from Kuya V. Mahilig siya sa literature. He loves writing poems and short stories. Me on the other hand, I love eating and sleeping…hmn…ha ha ha, just kidding. I love Math and Physics. I love problem solving, equations, and using formulas. Hindi naman ako kulelat sa English pero hindi literature ang forte ko. Mas gusto ko pang mag-solve ng math problem kaysa ang magsulat ng short stories at gumawa ng tula. Kaya naman kapag may contest na ganito, hindi talaga ako sumasali kahit kaya ko naman bumuo ng kwento at gumawa ng tula. Tinatamad ako at baka matalo pa kami sa patimpalak. I decided to save the document and turn off my laptop. Tapos, sinapo ko ang baba ko at tumunganga sa kawalan. Wala naman akong iniisip na kung ano, nakatunganga lang ako habang hinahayaan ko ang utak ko na ma-relax at mawala ang sakit ng aking ulo. And then napatingin ako sa maliit na kalendaryo na nakapatong sa study table ko. I picked it up and stared at the numbers and dates that I put X marks on it. Nag-c-countdown kasi ako dahil sa nalalapit kong kaarawan. Ilang buwan na lang iyon at magiging legal na ang edad ko. Pwede ko na sigurong subukan uminom ng alak at mag-bar kasama ang mga kaibigan ko. Napangiti ako nang ma-imagine ko na makakalaya na ako sa pagiging bata kung ituring ng Daddy at Mommy ko, lalo na si Daddy na tila isa akong musmos na kailangan laging binabantayan ako. They promise to me that I will have a grand eighteenth birthday party that will be held next, next, next month. Bale apat na buwan pa ang hihintayin ko bago ako mag-disiotso. I’m so happy hearing this to my parents. Matagal kong hinintay ito lalo na at ako ang unang mag-de-debut sa amin ni Maria Vidalia. Pangarap ng bawat babae ang magkaroon ng magarbong pagdiriwang ng kanilang ikalabing-walong taong gulang na kaarawan pagsapit nila sa edad na ito. Once in lifetime lang kasi ito pwedeng mangyari at maranasan ng mga babae. Kaya naman napakaswerte ng mga babaeng turning eighteen na mag-e-effort na gumastos ang kanilang mga magulang para sa kanilang eighteenth birthday. Lalo na iyong bongga at talagang nag-effort sa gastos para lang masurpresa at matuwa ang kanilang anak. Wishlist ko ito na tutuparin ng mga magulang ko sa eighteenth birthday ko. I know they could give me the best and grand debut that I am wishing to have and experience. Kahit magkano ang magastos nila ay alam kong barya lang iyon sa bulsa ni Daddy lalo na kung puro bigating tao ang mga bisita namin. I’m sure his friend will give me a gift that costs hundreds of thousands or millions. Naalala ko nga ang kwento ni Mommy noong first birthday ko. Bongga raw ang mga regalo na natanggap ko lalo na ang binigay sa akin si Ninong Vince na isang milyon na trust funds sa account ko na pwede ko lang ma-claim pagtungtong ko ng college. Hindi lang siya ang nagbigay ng bonggang regalo dahil pati ang ilang kaibigan ni Daddy na ninong ko sa binyag ay nagbigay din. Si Ninong Devin nga, life-sized barbie na limited edition na hanggang ngayon ay narito pa sa kwarto ko at nakakakahon. At ang ilang kaibigan ni Daddy na hindi ko na tanda kung ano ang mga regalo sa akin. Basta ang masasabi ko lang ay bongga sila magbigay basta sasapit ang birthday ko, pasko at kung ano-ano pang special occasion na I think masyado na silang ma-effort kung magbigay. Pero para sa akin, hindi na ako excited sa nalalapit na kaganapang ito ng buhay ko. Oo, sobrang bongga at talagang gagastusan nina Daddy at Mommy ang eighteenth birthday ko. I heard, sa likod ito ng mansion gaganapin na can accommodate two hundred guests or more. Ito ang tantiya nila sa mga taong dadalo lalo na at hindi lang eighteenth birthday ko ang ipagdiriwang para sa gabing iyon. Gabi rin ito ng engagement party namin ni King Hakan na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang itsura. Hindi ko alam kung sinasadya nina Daddy at Mommy na huwag ipakita sa akin ang pictures niya. Baka gusto nila akong surpresahin or what. I tried to search for him on the internet. But I can't find anything. Parang pribado yata ang buhay ng hari kaya wala itong mga larawan o kung ano pa man na makikitang article tungkol sa kaniya. Oh baka naman kasi hindi naman Hakan ang tawag sa kaniya sa Turkey. Baka iyong Turkish name niya ang ginagamit niya roon kaya hindi ko mahanap. Sabi ni Mommy, he looks like his Dad—Ninong Vince. Meaning, he's a hunk…malamang kasing-gwapo at kasing-macho nito si Ninong Vince o higit pa lalo na at super ganda rin ni Tita Charmeline. Well, I am not interested. Gaya ng hindi rin ako interesado na matuloy ang engagement namin sa gabi ng debut ko. Bahala na kung magalit sina Daddy at Mommy sa akin, pati si Ninong Vince at Tita Charmeline. Ayaw ko lang talagang maagang mag-asawa at makulong sa isang relasyon na ayaw ko. Tapos what's next? Ititira niya ako sa palasyo niya at aanakan. Tapos kapag nagsawa siya sa akin ay mag-aasawa siya ng iba at aanakan din ito. Ayoko ng ganoon, alam kong may posibilidad na mangyari ito lalo na at hindi naman siya Katoliko. Muslim ang relihiyon niya at alam ko kung ano ang mga patakaran ng mga Muslim. Pwede silang magpakasal at mag-asawa ng ilan hanggang kaya nila itong buhayin. “Ihhhhh!” Naiisip ko pa lang ito ay naalibadbaran na ako. Ano ‘yon? Kada isang araw ay ibang putahe ang kaniyang tinitikman? Aish! Ayaw ko talagang makasal sa kaniya kung ganiyan lang din ang mangyayari! Nagpasya akong maligo at magbihis. Gusto kong mamasyal sa mall para magpalamig at kumain ng takoyaki. Bigla akong nag-crave dahil napagod ang utak ko. Ganito ako kapag walang gustong pumasok sa utak ko. Idadaan ko sa pag-aliw sa aking sarili at pagkain. Maaya nga sina Alessandra, Korina Andrea, at Klare Angela. Pero bago ko iyon gawin, kailangan ko muna pa lang magpaalam kina Daddy at Mommy. “Mom!” ani ko kay Mommy nang makita ko siya sa may sala. Nakita ko na kasama niya si Daddy na hindi ko agad nakita dahil nakahiga ito sa sofa at nakaunan sa kaniyang kandungan. Nanonood sila ni Daddy ng movie, English yata. “Yes, Vaniella? What do you want?” Kunot-noong tanong ni Mommy na agad akong hinagod ng tingin. Ganoon din ang ginawa ni Daddy kaya nakadama ako ng pagkailang. I’m wearing shorts, cargo shorts na camouflage at t-shirt na puti na may nakasabit na dog tag sa aking leeg. I love wearing this kind of outfit. Simple lang at hindi rin bastusin. Though I’m showing some skin na okay lang naman siguro tutal makinis at maputi naman ang legs ko. Humakbang ako palapit sa kanila at naupo sa tabi ni Mommy. Malambing akong yumakap sa kaniya habang si Daddy ay bumangon at umayos ng upo. “Magpapaalam po sana ako sa inyo ni Dad. Pupunta po ako ng mall kasama sina Korina at Angela.” Hindi na nagpatumpik-tumpik pa na wika ko. “Anong oras kayo uuwi?” Si Daddy na parang gusto na agad akong bumalik ng bahay kahit hindi pa ako nakakaalis. “Mga five p.m. po, Daddy. Mag-window shop lang naman po kami at kakain. Tapos po pala maglalaro kami sa arcade.” “You can go but make sure to me, no boys allowed, Maria Vaniella.” “Yes, Dad… wala po. Alam naman po ninyo na hindi ako nag-bo-boyfriend.” “I’m just reminding you. You are already engaged.” “Dad…hindi pa naman po kami formal na na-e-engage.” Pagtatama ko sa sinabi ni Daddy in case nakalimutan niya. “Hindi pa po ako pumayag.” “You're engaged with him whether you agree or not. Nag-usap na tayo tungkol dito, Vaniella. Huwag sanang matigas ang ulo ko. Formal announcement na lang iyong mangyayari sa birthday mo.” Pagtatama naman ni Daddy sa akin. Nalungkot ako ngunit sinikap kong pasiglahin ang pakiramdam ko. Hindi na ako kumontra. Basta alam ko sa sarili ko na hindi. Ayoko. Period. Bahala sila. Iisip ako ng paraan para makatakas sa kasal na itinakda nila. “Sige na, umalis ka na at baka gabihin pa kayo sa daan ng mga kaibigan mo.” “Okay po, Daddy. Uuwi rin po ako agad.” Humalik ako sa pisngi nila ni Mommy bago ako tuluyang umalis kasama ang sandamakmak na bodyguard. Nasanay na ako. One day, makakatakas din ako sa ganitong buhay. Magiging malaya ako at magagawa ko ang lahat ng gusto ko. Sabay-sabay lang kaming dumating nina Korina at Angela sa mall na pag-aari ni Ninong Erwin. Friend din namin ang anak niyang babae ngunit may sakit siya ngayon kaya hindi siya nakasama sa amin. Nag-window shop muna kami ngunit hindi rin namin napigilan ang aming mga sarili na bumili ng bagong damit at sapatos na nakita naming naka-sale. Tapos nagkataon pa na nakita namin si Tita Stellaris noong magbabayad na kami sa counter kaya naman imbes na magbayad kami nina Korina at Angela, libre tuloy dahil ayaw ipabayad ni Tita Stellaris ang mga pinamili namin. Inimbitahan pa niya kami sa office niya at doon kami kumain ng takoyaki na paborito rin ng anak niyang si Cindystella. “Maraming salamat po sa meryenda, Tita.” Sabay-sabay naming sabi ng mga kaibigan ko nang magpaalam na kami na maglilibot na bago kami umuwi. May thirty minutes pa kami kaya naman naglaro na kami ng arcade. Mga twenty minutes lang kami naglaro bago kami nagpasyang umuwi na at magkikita na lang sa ibang araw. “Bitin ang oras ano, mga sis?” Turan ni Korina habang binabasa ang text ng kaniyang amang si Tito Kor. Habang si Angela naman ay katawagan ang kaniyang ama na si Tito Storm. “Yes,” I agreed with her. Ang bilis naman kasi lumipas ng oras. Tapos napasarap pa kami ng kwentuhan kay Tita Stellaris. “Next time kasama na siguro natin si Cindy,” ani naman ni Angela na nakikinig pala sa amin. Binaba na pala niya ang tawag. “Try din natin sa kabilang bayan kaya mag-malling?” “Sige pero kailangan ko munang magpaalam kay Daddy. Alam niyo naman ang Daddy ko, masyadong paranoid.” “Isama mo ang kakambal mo na si Korei para payagan ka. Isasama rin ni Angela ang kakambal niya,” sabi ko naman. “We will see.” Sabi naman ng dalawa. Napahinto ako sa paglalakad nang makaramdam ako ng tawag ng kalikasan. “Why? What’s the problem, Vani?” “I need to pee. Pakihintay na lang niyo ako roon,” sabi ko at tinuro ang isang bench na makikita ko sila agad. “Okay, bilisan mo. Tumatawag na ang Daddy Kor.” “Yes.” Tumakbo ako papunta sa way ng restroom. Halos makipagtulakan na ako sa mga nakakasalubong ko dahil ihing-ihi na ako. Kaya ko pa naman kaya lang laging paalala ni Mommy na huwag akong magpigil ng ihi dahil baka raw makakuha ako ng sakit. Malapit na ako sa restroom nang walang ano-ano ay may humarang sa daraanan ko dahilan para mabunggo ako rito at mawalan ng balanse. Napasigaw ako dahil baka magiging masakit ang pagbagsak ko sa sahig ngunit agad naman akong nahila ng lalaki sa aking baywang dahilan para mapaaray ako ng mahina nang tumama ang ilong ko sa matititpunong dibdib ng lalaki. Tatalakan ko sana siya dahil na-double kill niya ako ngunit napapikit ako bigla nang maamoy ko ang napakabangong gamit na pabango ng lalaki sa kaniyang dibdib kung saan ako nakahimlay dahil yakap niya ako ng mahigpit. Hmn… He smells like a billionaire. Parang iyong mga description ng mga author sa mga sinusulat nilang nobela. “Sorry…nasaktan ka ba?” Malambing ang boses na tanong niya dahilan para mapamulagat ako at agad na tumingala sa kaniya. Nakakahiya, baka isipin niya na nananantsing na ako sa kaniya. Nalaglag ang panga ko nang makita ko ang mukha niya. Why so handsome? Totoo ba siya? Oh baka nananaginip lang ako at hindi naman siya totoo. Parang hinugot siya sa loob ng libro. Para siyang anak ng hari, o isang hari ng isang kaharian at narito siya para— “Senyorita Vaniella, ayos lang po ba kayo?” tanong sa akin ng bodyguard ko dahilan para mabaling ang tingin ko sa kaniya at magising sa spell na ginawa yata ng lalaki dahil para akong nahipnotismo. Ang dami kong nakitang gwapo pero bakit iba ang dating ng lalaking ito. Kinalas naman ng lalaki ang pagkakahawak niya sa akin at bumulong sa akin ng ganito na labis na nagbigay ng pagtataka sa akin. “See you soon, my queen…” he said. Mabilis siyang nawala sa paningin ko habang ako ay naiwan na nakatulala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD