1- Destined to be a queen

2564 Words
Vaniella's POV “Malzia! Can I talk to you?” I stopped walking when I heard my father's angry voice inside their room. “Ano ba ‘yon? Bakit ba ang lakas ng boses mo? Can you please lower down your voice? Kakatulog lang ng mga anak mo, oh?” mahinang saway ni Mommy kay Daddy pero may diin sa tonong naiinis. Natigil tuloy ako sa tangka ko sanang pagpasok sa kwarto nila para maglambing sa kanilang dalawa nang marinig ko ang tono ng kanilang mga boses. Parang wrong timing yata ang punta ko rito. Mukhang mag-aaway pa yata sila base sa tono ng boses nila? Bukas kasi ang pinto kaya hindi na ako kumatok. Hindi ko naman alam na ganito ang dadatnan ko rito kaya plano ko na lang sana dumiretso na lang ng pasok sa loob. “Oh, I’m sorry. I thought they are still awake,.” Hinging paumanhin ni Daddy na halos bumulong na lang para siguro hindi magising ang mga kapatid ko. “Ewan ko sa ‘yo, V. Kapag mainit ang ulo mo hindi mo talaga napapansin ang nasa paligid mo. Wala kang pakialam basta galit ka,” yamot pa ring sabi ni Mommy na kahit hindi ko nakikita ay masama ang tingin niya sa aking ama. Halatang nagtitimpi lang siya ng kaniyang inis dahil ayaw niyang maistorbo ang tulog ng dalawa kong kapatid na sina Maria Vida at Valentine. Ang kukulit kasi ng mga ito kapag gising. Katabi pa naman nila sa pagtulog sa kama ang dalawa kong kapatid dahil ayaw pang mawalay ng higaan ng mga ito. Nasanay kasi sila na katabi sina Daddy at Mommy mula pa noong baby pa sila kaya heto nadala nila hanggang sa paglaki nila. Kung wala lang natutulog na mga bata, malamang in-armalite na ni Mommy si Daddy at nag-umpisa na ang kanilang away. Pero siyempre, mananalo si Mommy sa away nila in the end dahil hindi matitiis ni Daddy si Mommy kapag nakita na niya itong umiyak. Parang mga engot lang. But for me it's sweet. Bihira lang sa mga lalaki na kayang tiisin ang topakin na ugali ng asawa nila. Mahaba ang pasensya at kayang kontrolin ang kanilang emosyon huwag lang masaktan ang babaeng mahal nila. I’m glad that my father is one of them. Matinong lalaki, mabuting asawa at mapagmahal na ama. Mommy is so lucky. I hope I can find someone just like my dad when I grow up. But for now, I will study hard and focus on my studies. Huwag muna tungkol sa mga lalaki at love-love na iyan ang iisipin ko. I’m too young for that kahit na pang-adult na mag-isip ang utak ko. Nagpasya akong umalis dahil pareho ng mainit ang ulo nila. Bukas na lang ako maglalambing dahil baka pati ako ay madamay sa away nilang dalawa. Ngunit natigilan ako sa paghakbang nang marinig ko ang marahan na boses ni Daddy na humihingi ng paumanhin kay Mommy. “Pasensya ka na, baby ko. Sorry na… hindi na mauulit. Mainit lang ang ulo ko kaya napalakas ang boses ko na nagtanong sa iyo,” lambing ni Daddy kay Mommy dahilan para kiligin ako na nakikinig mula rito sa likod ng pinto. Napangiti ako pagkatapos dahil ito ang gusto ko sa aking ama. Kapag alam niyang mali siya, agad siyang hihingi ng tawad kay Mommy para lang hindi na humaba ang usapan. Pero kahit mali naman si Mommy ay siya pa rin ang humihingi ng sorry sa kaniya. “Hmpt! Ewan ko sa iyo, V! Ano na naman ba kasi ang dahilan kung bakit masama na naman ang timpla ng mood mo na umuwi?” Narinig kong bumuntong-hininga si Daddy ngunit hindi naman niya sinagot agad ang tanong ni Mommy. Napansin ko na napatagal na yata ako rito. Alam kong hindi maganda ang nakikinig sa usapan ng iba pero kasi hindi ko na napigilan ang sarili ko lalo na nang marinig kong pa na ako ang dahilan kung bakit mainit ang ulo ni Daddy. “Ano na naman ang nakita kong sugat sa tuhod ng anak mong si Vaniella?” Patay! Napahaplos ako sa tuhod ko at napakagat-labi. Ako pa yata ang magiging dahilan ng ayaw nila. Umandar na naman ang pagiging protective ni Daddy sa akin na ewan ko ba kung bakit masyado niyang inaalagaan ang kalusugan ko at kutis ng aking balat. Na para bang hinahanda niya ako sa isang piging na hindi ko alam. “Inaalagaan ba siyang mabuti ng yaya niya o hindi?” narinig kong dugtong ni Daddy na halata ang galit kahit hindi niya lakasan ang kaniyang boses. Mahina lang kasi ang boses niya pero sapat na para marinig ko ng malinaw. Napapikit ako at kinagat kong muli ang aking ibabang labi. Ang OA naman ni Dad. Parang hindi naman maghihilom ang gasgas sa binti ko. Isa pa, hindi na ako bata para alagaan pa ng yaya. I’m twelve years old, turning thirteen next month. Malapit na akong mag-teenager pero kung itrato niya ako ay para pa ring toddler na kailangan ng bantay. “My God, V! Natural lang na magkasugat ang bata lalo na kapag naglalaro sila at hindi sinasadyang madapa o matumba! Anong gusto mong gawin ko? Patigilin ko sila ni V sa paglalaro? Sila na nga lang ang magkalaro rito sa bahay tapos pipigilan ko pa? Isa pa, hindi iyon sugat! Gasgas lang! Gasgas!” iritadong turan ni Mommy. “Pwede naman silang maglaro na hindi nasusugatan basta nakabantay si Darlene sa alaga niya. Baka naman kasi puro text sa boyfriend ang inaatupag kaya hayun, nasugatan ang anak mo.” “Hay naku! I can't believe you, V. You're very over protective with her. Can you please let her enjoy her childhood life? Sinabi ko naman kasi sa iyo na alisin na natin si Darlene tutal hindi na kailangan ni Vaniella ng yaya. Ang tanda na ng anak mo, V para bantayan pa ng kaniyang yaya. Kung bakit kasi ayaw mo pang alisan ng yaya. She is twelve years, dalagita na. Paano niya ma-e-enjoy ang pagiging dalagita niya kung palaging nakabuntot ang yaya niya? Tapos hindi mo man lang siya hayaan na makipaglaro sa ibang bata. Lagi na lang siyang nakakulong dito sa bahay na parang ibon na ayaw mong pakawalan,” nagagalit ng sabi ni Mommy. Gusto kong umiyak sa mga narinig ko. Sana umalis na lang ako. Magi-guilty na naman ako nito dahil mukhang mag-aaway sina Daddy at Mommy dahil sa akin. Tama naman si Mommy, masyadong mahigpit si Daddy pagdating sa akin. Hindi ko alam kung dahil ba babae ako kaya sobra niya akong iniingatan. Naiintindihan ko siya. Lahat naman siguro ng ama gusto lang protektahan ang kanilang anak na babae lalo na kapag nagdadalaga na. Sana umalis na lang ako bago ko pa marinig ang pagtatalo nila. Hindi ko naman sinasadya na tumagal ang pakikinig ko sa pag-uusap nila dahil alam kong masama itong ginagawa ko. Kaya lang hindi ko mapigilan ang ma-curious dahil ako ang kanilang pinag-uusapan. Sana talaga umalis na lang ako. Ako ang nasasaktan kapag nagsasagutan sila ng ganito. Nakita marahil ni Daddy na may gasgas ang tuhod ko kaninang mag-usap kami sandali sa baba. Akala ko hindi isyu sa kaniya ito dahil maliit lang naman pero heto at si Mommy ang mukhang madadale sa kaniya. Nang tumapak ako sa edad ko na dose ay nakita kong mas sobrang naging over protective sa akin si Daddy. Ayaw na ayaw niya na nasusugatan at nagkakapeklat ang aking balat. Kaya naman bihira akong lumabas ng bahay dahil ang yaya ko ang kawawa ng sermon kapag nakita niyang may gasgas ang tuhod ko o kagat ng lamok ang braso ko. Kaya ang ending, lagi lang akong nasa loob ng bahay at babad sa aircon. Saka lang ako makakalabas ng bahay kapag pumasok na ako sa school. Iyon nga lang, may kasama pa rin akong yaya kahit saan ako magpunta. Nahihiya na nga ako sa mga rich kid na classmates ko na madalas akong tampulan ng tukso at usap-usapan. Dose na ang edad ko, dalagita na pero may kasa-kasama pa rin akong yaya kahit saan ako magtungo. Sinabi ko ito kina Daddy at Mommy. Nagsabi ako na alisin na nila ang nanny ko. Daddy just shrugged his shoulders and told me that there's nothing wrong with having a nanny. Hindi siya pumayag na alisin ang yaya ko dahil wala raw magbabantay sa akin. Sila naman daw ang nagbabayad kaya huwag ko raw problemahin ang mga kaklase kong binu-bully ako dahil wala naman silang ambag sa buhay ko. Hindi naman sila ang nagbibigay ng sweldo sa yaya ko kaya shut up na lang daw sila. Kaya naman until now, kasa-kasama ko pa rin ang yaya ko. Wala akong magawa kundi pagtiisan ang pambu-bully ng mga kaklase ko kahit minsan ay gusto ko na lang dagukan ang kanilang mga bibig. Pasalamat sila at nagagawa kong magtimpi. Pero kapag ako napuno, makikipagpalitan sila ng mukha sa semento. Mukhang mapapaalis na si Yaya Darlene dahil sa sugat na nakita ni Daddy sa tuhod ko. Mabuti naman para makakilos na ako ng maayos. Tsaka tama naman si Mommy, ang tanda ko na para alagaan pa ako ng yaya ko. Baka sakaling hindi na ako asarin ng mga kaklase ko kapag napaalis si Yaya Darlene ngayon dito sa bahay. “She will be a queen someday, Malzia. Nakalimutan mo na yata na nakipagkasundo na ako noon kay Vince. Dapat natin siyang alagaan mabuti dahil siya ang magdadala ng royal blood sa pamilya natin. Hindi siya dapat masugatan at magkapeklat. Dapat maging makinis na makinis ang kaniyang balat at maging magandang-maganda para bumagay siya sa anak ni Vince at hindi maging alanganin sa kaniya. Hakan is the king of Turkey, and Vaniella is fit to be a queen. She will be our queen, our very beautifu andl own queen,” narinig kong nangangarap na turan ng aking ama na labis na aking ikinagulat. So, this is it? This is why he has been very protective of me since I was a kid. Malinaw na ngayon, may ganito pala siyang kataas na pangarap. Akala ko dahil bilyonaryo na siya ay wala na siyang mahihiling pa sa kaniyang buhay dahil nasa kaniya na ang lahat. Hindi ko alam na may ganitong ambisyon pala siya. I heard so many things about my Ninong Vince’s son Hakan. Pero never ko pang nakita ang lalaki kahit man lang sa larawan o kaya ay sa mga importanteng okasyon kung saan nagtitipon-tipon ang lahat ng mga kaibigan ni Daddy kasama ang mga pamilya nila. Halos nakita at nakilala ko na ang mga anak ng mga kaibigan niya but this King Vince Hakan or Hakan for short is never kong nakita sa alin mang handaan. Siguro dahil abala ito sa imperyo nila sa Istanbul kaya lagi itong wala. Nagkasundo na pala sila ng Ninong Vince ko na ipakasal nila ako sa anak nito na hari ng Turkey. Meaning, he is old? I’m marrying an old king? Ilang taon na ba si Ninong Vince? I think nasa fifties. Tapos iyong anak niya malamang nasa thirties na! Ewwwww! I don't like it! Ang layo ng agwat ng edad namin! Ayaw kong gayahin ang agwat nina Daddy at Mommy na halos kalahati ng edad yata ni Mommy or more than that! Tsaka tinanong ba nila ako kung gusto kong magpakasal sa gurang na iyon? Kahit hari pa siya ng Turkey, hindi ako papayag na manipulahin nila ang buhay ko dahil gusto lang ni Daddy na mahaluan ng royal blood ang pamilya namin! Hindi sila pwedeng magdesisyon ng ganito lalo na at hindi pa nila ako tinanong kung gusto ko ba o hindi! Mabilis na lumipas ang panahon. Nakalakihan ko na ang kasunduang ito dahil madalas ko itong marinig sa bibig nina Daddy at Ninong Vince lalo na kapag bumibisita sila sa bahay at kinukumusta ako. Madalas din akong may pasalubong na kung ano-anong regalo na galing daw kay Hakan at sana raw magustuhan ko. Madalas ay tinatambak ko lang ito sa kwarto ko at hindi ko pinagkakaabalahan na buksan. Hindi ako interesado na tingnan dahil hindi rin naman ako interesado sa kasunduan na sila-sila lang ang may gusto. Ang daming nagbago sa totoo lang pero si Daddy nanatiling overprotective pa rin sa akin. Kung dati yaya ang kasa-kasama ko. Ngayon, sandamakmak na bodyguard na ang tinatakasan ko madalas para lang mapuntahan ko ang mga lugar na gusto kong puntahan. So far, hindi ko pa sila natakasan kahit minsan kaya naiinis ako kapag bubuntot-buntot sila sa akin. Madalas din akong paalalahanan ni Daddy na bawal akong mag-boyfriend at makipagkaibigan sa kahit na kaninong lalaki. Bawal din akong mamasyal na walang kasama. Mag-bar, uminom ng alak at kung ano-ano pa na sa tingin niya ay ikakapahamak ko. Ang kasunduan sa pagitan nila ni Ninong Vince ay mas lalong umiigting habang papalapit na ang eighteenth birthday ko. Ang dami nilang plano na minsan ay hindi ko na lang masyadong iniintindi. Gaya ng engagement party na mangyayari mismo sa eighteenth birthday ko. Bahala sila sa buhay nila, basta ako...hindi ako papayag na ma-engage sa lalaking iyon lalo na at ni minsan ay hindi ko pa nakita! “Dad, pinapatawag niyo raw po ako?” tanong ko kay Daddy isang hapon. Nadatnan ko siya na nakatayo malapit sa bintana nang makapasok na ako sa loob ng library kung saan ay madalas siyang magkulong kapag may ginagawa siyang importante o kaya ay may kausap na tao. "Come here, Vaniella. Take a seat," ani niya nang humarap sa akin at iminuwestra ang silya. "Bakit po ninyo ako pinatawag? Something wrong?" Huminga muna ng malalim si Daddy bago nagsimula. "Malapit na ang birthday mo. Handa ka na bang ma-engage kay Hakan?" hindi na nagpaligoy na saad ni Dad. "Dad, ayaw ko po. " Sabi ko at mariin na umiling. "Vaniella...napag-usapan na natin ito noon. Hindi ka kumontra..." "Hindi rin po ako nag-agree, Dad." My father heaved a deep sigh. "Hakan is great man. He can take care of you and love you." "But I don't like him, Dad. Ni hindi ko pa nga siya nakita kahit minsan. Pinagkasundo ninyo ako sa taong ni hindi ko kilala." "You will meet him soon." "Dad, ayaw ko po. Pwede pa naman siguro ninyong iurong iyang kasunduan ninyo ni Ninong lalo na at hindi pa naman kami engage ng anak niya." "No. I can't do that. Matagal na naming itong napagkasunduan ni Vince kaya hindi pwedeng basta na lang iurong dahil ayaw mo. Matagal ng pumayag si Hakan sa kasunduang ito kaya wala kang magagawa kundi sumunod sa akin. You will destined to be a queen so embrace it. Hakan will love you and take care of you. Kaya sana, huwag ka ng kumontra dahil wala ka rin namang magagawa in the end. Ako ang batas sa bahay na ito kaya dapat kang sumunod!" Nanlumo ako sa aking narinig. Gusto kong magrebelde kay Daddy. Pero magagawa ko ba iyon sa kanila ni Mommy? Sila na wala ng inisip kundi mapabuti ang landas naming magkakapatid. "Let me think about it, Dad. May karapatan naman po siguro akong tumanggi lalo na kung hindi ko siya gusto." "Sabihin mo iyan sa akin kapag nagkita kayo sa birthday mo." Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig. Pupunta siya? "Stupid!" Of course he will come. Gabi rin iyon ng engagement party naming dalawa! Nakaramdam ako ng panlulumo. Wala na nga yata akong takas sa kasunduang ito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD