3. He's been here?

2109 Words
Vaniella's POV Hindi ko makalimutan ang mukha ng lalaking nakabangga ko sa mall hanggang sa makauwi ako sa bahay. Parang nakapagkit na sa utak ko ang kaniyang kagwapuhan na kahit ano'ng gawin kong pagtataboy nito sa isip ko ay pilit na nagsusumiksik. Maging ang amoy ng kanyang pabango na kaniyang gamit ay parang nanunuot pa rin sa aking ilong na parang amoy na amoy ko pa rin ang kaniyang bango kahit wala naman siya sa aking harapan. “Senyorita Vaniella, narito na tayo sa mansion,” untag sa akin ng driver/bodyguard ko na nakaupo sa driver's seat. Medyo nagulat ako sa bigla niyang pagsasalita kaya napapitlag ako at takang nilingon siya sa rearview mirror. Tapos saka awang ang mga labing tumingin ako sa bandang kanan ko dahil nakabukas na pala ang pintuan at naroon na ang isa sa mga bodyguard ko at nakalahad ang palad para tulungan akong makababa ng sasakyan. Narito na nga kami. Bakit hindi ko man lang napansin na tumigil ang sasakyan dito sa garahe? “Kanina pa ba tayo, Kuya?” Nakuha ko pang magtanong sa bodyguard ko para lang makasiguro ako na kararating lang namin at hindi occupied ang utak ko sa pag-iisip sa lalaking iyon. Ayaw kong aminin sa sarili ko na nakuha ng lalaking iyon ang interes ko. Inalog ko ang utak ko sa pamamagitan ng paggalaw ko sa aking ulo. Malamang lutang ako buong biyahe kaya hindi ko napansin na nakarating na pala kami ng mansion. Mukhang masyadong nga yatang occupied ang utak ko sa pag-iisip sa lalaking nakabangga ko sa mall. This is not good. Magagalit si Daddy kapag nalaman niya na may iba akong lalaki na iniisip. Na kahit wala naman akong ginagawang masama o ginawang hakbang para suwayin siya ay parang na-i-imagine ko na ang matinding iritasyon at disappointment na kaniyang nadarama dahil sumuway ako sa kagustuhan niya. I will not let anyone know about it. Kahit nga sina Korina at Angela kanina ay hindi ko sinabihan ng tungkol sa nangyari sa akin kanina sa mall. Baka mamaya maidaldal pa nila kay daddy kapag nagkita sila at maging dahilan pa ito para mas lalo siyang maghigpit sa akin. Parang na-i-imagine ko na ang kaniyang reaksyon at mga salitang ibabato niya sa akin kapag nalaman niyang hindi maalis sa utak ko ang imahe ng lalaking iyon. “Sabi ko naman sayo, wala kang ibang dapat magustuhan kundi si Hakan lang!” “Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo, Vaniella? No talking to other boys, right?” “Bawal kang magkagusto sa iba at mag-boyfriend ng hindi ko nalalaman because you are already engaged.” With matching killer eye pa kapag tumitig na kahit wala pa akong ginagawang kasalanan ay dapat matakot na ako sa galit na matitikman ko sa kaniya. I grinned. Napapangiti na lang ako at napapailing kapag naalala ko ang mga katagang ito ni Daddy sa akin. Kabisado ko na ang mga linyahan niya lalo na noong nagsisimula na ang maraming pagbabago sa aking katawan. Lalo na nang datnan na ako ng aking regla noong katorse anyos na ako. Biglang bulas kasi ang katawan ko, dahil dito ay sandamakmak ang mga admirer ko na nag-uunahan para ligawan ako. Na kahit ilang beses ko silang ma-basted ay uulit lang sila ng ulit sa panliligaw sa akin. Ang gwapo naman kasi ng isang iyon. Nakuha niya ang atensyon ko na ewan ko ba kung bakit dahil hindi naman ako ganito sa ibang lalaki kahit super gwapo pa at makalaglag panty ang ngiti. Marami na akong nakitang gwapo sa totoo lang at ang iba ay tinangka pang manligaw. Ngunit isa man sa kanila ay hindi naman ganito ang epekto sa akin. Na kahit anong pilit kong iwaksi siya sa isip ko ay hindi ko magawa. Bakit kaya iba ang epekto niya sa akin? Ginayuma ba niya ako? Uso pa ba iyon ngayon? Tsaka bakit naman niya gagawin iyon? Ngayon pa lang naman kami nagkita. Hindi ko naman siguro siya secret admirer dahil parang ang layo ng agwat ng aming edad. I think he is on his late thirties. Iba na iyong tigas ng kaniyang muscles na naalala kong nadama ko sa palad ko. Na parang bang nabatak na sa maraming hamon ng buhay. Oh baka naman kasi may hangover pa ako sa Chinese drama na pinanood ko nang nakaraang gabi kaya heto at parang ina-apply ko na sa reyalidad. Na para bang mga character kami sa isang libro na iginuhit na ang tadhana para magtagpo at magkagustuhan sa bandang huli. “See you soon, my queen…” bigla akong kinilabutan nang mag-echo ito sa aking isipan. “Noooooooo!” I screamed inside of my head. Simula ngayon ay titigilan ko na ang panonood ng mga ganitong series. Hindi magandang impluwensya sa akin dahil kung ano-ano ang naiisip ko. Hindi pa ako pwede sa love. Marami pa akong gustong matupad sa mga ambisyon ko. Isa pa, ito nga ang tinatakasan ko sa reyalidad. Ang engagement na dapat hindi matuloy sa birthday ko. Paano kaya iyon kung naplano na nila ang mga mangyayari para sa araw na iyon? “Mga ilang minuto pa lang naman, Senyorita. Mukhang wala ka yata sa iyong sarili? Masama ba ang pakiramdam mo? Ipapasundo na lang kita sa daddy mo o kaya kay Senyorito V.” Napahawak ako sa noo ko at sinapo ito dahil sa sinabi ng kausap ko. Hindi naman masama ang pakiramdam ko. Talagang naging lutang lang ang isip ko dahil sa lalaking iyon. “I’m fine. May iniisip lang ako kaya hindi ko namalayan na nakauwi na pala tayo.” Tapos binalingan ko ang bodyguard ko na nasa tapat ko at mukhang nangawit na yata ang palad sa tagal na inabot ko ‘to. “Mauna na ako sa inyo at baka hinahanap na ako ng Daddy ko.” “Sige lang, senyorita.” Yumukod pa ang lalaki at gumilid para ako ay makadaan. Mabibigat ang hakbang na naglakad ako palayo sa kanila. Gusto kong magmaktol dahil para akong tanga, tanga kakaisip sa lalaking iyon! “You're on time, hija. I thought lumagpas ka sa oras na itinakda mo,” bungad ni Daddy sa akin pagbungad ko pa lang sa main door ng bahay namin. As if he has been waiting for me here since I left the house. Napatingin ako sa aking suot na relo. Tamang-tama nga ang oras ng uwi ko. So, what would he do to me if I was late on the time that I told them to come home? Gusto kong bumuntong-hininga ng malakas at ipakita na naiirita ako. Naiirita ako sa sobrang pagiging bantay-sarado niya sa akin ngunit hindi ko naman ito magawang ipakita sa kaniya. Ayaw kong bastusin si Daddy. I respect him so much and I love him so much. I can't hurt his feelings. He is the best father in the whole world. Well, except for his being too strict to me as if I was an important person that he needs to take care of. Well, importante talaga ako. Ako lang ang inaasahan niya para mahaluan ng royal blood ang pamilya namin sa pamamagitan ng pagpapakasal sa gurang na ‘yon! “Marunong po akong tumupad sa mga binitiwan kong salita, Daddy. Alam naman po ninyo na ever since, hindi ko kayo sinuway ni Mommy.” Napangiti si Daddy ng maluwag sa sinabi ko. Nabahala naman ako dahil parang may ibang meaning ang ngiti niyang iyon. Shutaness! Iniisip yata niya na hindi ako susuway sa gusto nila ni ninong at sasang-ayon din ako sa kanila sa huli. “Come on, puntahan natin ang Mommy mo sa may sala kasama ang mga kapatid mo.” Lumapit siya sa akin at masuyong inakbayan ako at iginiya na papasok ng kabahayan. Agad naman na naamoy ko ang alak sa kaniyang katawan dahilan para malukot ang aking ilong. Mukhang ang aga naman yata niyang uminom? Sino na naman kaya sa mga ninong ko ang nagpunta rito at nagkayayaan na naman sila ng inuman? “I know hindi mo ako susuwayin, hija. And I’m rooting for you na papayag kang magpakasal agad kay Hakan pagkatapos ng engagement ninyong dalawa sa gabi ng eighteenth birthday mo,” masayang-masaya turan ni Daddy dahilan para mas lalong tumamlay ang pakiramdam ko. Gusto kong sapakin ang sarili ko. I give him hope dahil sa naging pahayag ko kanina! Hinintay ko ng mag-dinner kami bago ako umakyat ng kwarto ko. Sinubukan kong pasiglahin ang mood ko at pinilit na kumain kahit naiinis ako sa aking sarili. Umaasa si Daddy. Paano kaya ito? Ang hirap naman magdesisyon lalo na kung ayaw kong saktan at ma-disappoint sila sa akin. "Tapos ka na, Ate?" tanong sa akin ni Vida nang makita niyang binitiwan ko ang mga kubyertos na hawak ko at nagpunas ng napkin sa gilid ng aking bibig. "Busog na ako. Tapos may gagawin pa kasi akong assignment kaya gusto ko ng matapos agad para maaga akong makatulog." "Ay, ganoon ba?" Tumango ako at binitiwan ang napkin. Tapos nilingon ko ang mga magulang ko at magalang na nagpaalam sa kanila. "Dad, Mom, akyat na po ako sa taas." paalam mo sa mga magulang ko na abala sa kanilang usapan. "Are you done eating?" My mothet asked me and immediately looked at my empty plate. "Yes, Mommy. Konti lang po ang kinain ko dahil busog pa po ako." "Okay..." Sumulyap ako kay Daddy nang maramdaman kong lumingon siya sa akin. Nakita ko na wala namang reaksyon sa kaniya, nagpatuloy lang siya sa pagkain at hindi nagkomento. "Sabay na ako kay Ate, Mommy...Daddy. Inaantok na po kasi ako," ani naman ni Maria Vidalia na mukhang inubos agad ang laman ng plato niya para makasunod sa akin. "Sure, hinay-hinay lang kayo sa paglalakad at kakatapos lang ninyong kumain." "Yes, Mom." Chorus na sabi namin ng kapatid ko. Nauna akong tumayo at humakbang palayo. Maya-maya lang ay nakasunod na sa akin si Maria Vidalia na parang hindi mapakali at may gustong sabihin sa akin. "What is it?" "Ahmn, ate..." ani nito na tila ayaw ituloy ang kaniyang sinasabi. "What? Spill it, or else iiwan na kita rito." Sabi ko nang makarating na kami sa tapat ng kwarto ko. "Kuya Hakan is here, Ate. Sayang hindi kayo nagkita!" wika ni Maria Vidalia dahilan para malaglag ang panga ko. "R-really?" Kaya pala ganoon na lang ang kasiyahan na nakikita ko sa mga mata ni Daddy. Dinalaw pala siya ng kaniyang napipisil na ipakasal sa akin. Pumunta pala siya rito? Bakit hindi nila ako tinawagan para man lang nagkita kami. Curious ako sa itsura niya, I'm sure gurang na talaga siya. Hays...Mukhang may naiba yata sa plano nila pagpunta ng lalaking iyon dito. Dati engagement lang ang naririnig ko kay Daddy, kanina binanggit na niya ang salitang kasal! "Ang dami niyang regalo sa kwarto mo, Ate. Pahingi ako ng chocolates, baka itapon mo lang at ipamigay sa mga katulong." Agad kong binuksan ang kwarto ko para makasiguro sa sinabi ng aking kapatid. Hindi naman siguro niya ako pinagtitripan lang. I saw boxes and plastic of different kinds of chocolates. Mga paper bags ng mga damit, sapatos, bags, at kung ano-ano pa na sa tingin ko ay masyadong ang mahal ng halaga. "How does he looks like?" tanong ko kay Maria Vidalia na agad dumampot ng tsokolate. "He looks like a prince charming, Ate. Bagay na bagay kayong dalawa." I flinched. Pati ang kapatid ko ay boto sa lalaking iyon. "May nakuha ka bang larawan niya? Hindi ba sila nag-picture taking while he is here?" "I have, Ate. I know you're very curious about his looks. Here, tingnan mo sa cellphone ko." Agad kong inabot ang cellphone ni Bida at tiningnan ang larawan ng lalaki. Nalaglag ang panga ko nang makita ang mga kuha niyang larawan. "Nevermind na nga lang," sabi ko at agad ng binalik ang cellphone ng aking kapatid. "Why? Hindi mo na titingnan?" "Nakita ko na, wala ka namang maayos na kuha. Kung hindi blurred nakatalikod at naka-side view naman." "What???" Agad na inagaw ni Vida ang cellphone niya at sinuri ito. "OMG! Sayang, nakita mo sana kung gaano siya kagwapo, Ate. I'm sure, papayag ka na sa gusto ni Daddy." "No way!" React ko sabay dampot sa isang paper bag at sinuri ang laman nito. "T-back?" bulalas ko habang nakatingin sa maliit na saplot na walang maitatago kahit mani. "OMG! Honeymoon ang naisip agad," komento ni Vida na agad na nakatanggap ng kurot sa tagiliran. "You're just twelve! Kanino mo natutunan iyan?" "Narinig ko lang kina Daddy at Tito Vince. Sa Paris yata kayo mag-h-honeymoon ni Kuya Hakan kapag ikinasal kayo." Mas lalong nalaglag ang panga ko at binitiwan ang t-back na hawak ko. Parang gusto kong ngumawa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD