Prologue

2160 Words
Vaniella's POV “Dadalhin kita sa ‘king palasyo…dadalhin hanggang langit ay manibago. Ang lahat ng ito’y pinangarap ko…dadalhin lang pala ng hangin ang—” Naputol ang kanta kasabay nito ang pagmulat ko ng aking mga mata. “Huh? ‘Yon na ‘yon?” Nanghihinayang na himutok ko sa aking sarili habang dinadama ko sa puso ko ang awitin na kinanta ng hindi ko kilalang lalaki. “Bakit hindi tinapos? Ayon na eh! Ang ganda pa naman ng boses!" Dagdag ko pa na naiinis. Sinasabayan ko sa aking isip ang pag-awit ng kung sino man kaya disappointed ako ng hindi niya ito tinuloy. Bakit pa niya binitin? Kung pwede lang magreklamo ay magrereklamo ako. Kung kailan nag-e-enjoy na ako sa boses niya ay saka naman niya tinigilan. Nang wala na akong marinig pagkatapos ng ilang minuto ay tuluyan na akong nagmulat. Tapos nag-unat na ako ng aking mga braso kasabay ng pagtingin ko sa labas ng bintana. Maliwanag na pala. Oras na naman para ako ay gumayak at pumasok sa klase. Kanina pa sana ako gising. Muli lang akong nahiga nang matapos ako sa aking ginagawa. Gumising ako ng alas-singko kanina. Gumawa ako ng assignment na hindi ko natapos kagabi dahil kailangan ko iyong matapos or else mapapagalitan ako and worst mapaparusahan pa. Ipapasa ko iyon sa first subject ko kaya kailangan ko talagang tapusin. Thank goodness, I'm done with it. Mag-s-squat ako sa labas ng klase kapag wala kong assignment na ipinasa. At kapag tinopak naman ang propesor ko, malamang mag-pu-push up ako ng isang daang beses at nakakahiya iyon sa ibang estudyante na makakakita sa parusa ko. Iisipin nila na pasaway akong estudyante. Kababae kong tao, pinalabas at pinag-squat. Syempre, ayaw kong mangyari iyon kaya naman tinapos ko na talaga. Alas-siyete na ang oras na nakita ko sa aking suot na relo, may oras pa ako para tumunganga sa kawalan at magmuni-muni kahit wala naman akong iniisip. Alas-otso pa ang pasok ko sa first subject ko kaya may time pa talaga ako para magmukmok. Ang ganda pa naman ng boses ng kumakanta. Nag-enjoy ang tainga ko sa pakikinig habang nakapikit ako kanina. I thought nananaginip lang ako pero totoo pala ang naririnig ko. Baritono at bagay sa boses niyang mababa ang version niya sa awit na pinasikat ni Regine Velasquez noong year two thousand and one. Isa pa naman ang kantang iyon sa gustong-gusto kong pinapakinggan dahil maganda ang mensahe ng kanta tapos relaxing din sa pandinig ang boses ni Regine. Well...lalo na iyong boses ng kumakanta kanina, parang ang sarap pakinggan ng boses niya habang nakapikit at nagsesenti ako rito sa kwarto. Charot lang! Bakit naman ako magse-senti? Hindi naman ako broken-hearted. Tsaka, ayaw ko pang i-try iyang tungkol sa love-love na iyan. Ayaw kong magkaroon ng responsibility. Gusto ko maging malaya ako sa lahat ng gusto kong gawin. Sakit lang sa ulo ang pagbo-boyfriend. Ang daming bawal, pag-aawayan kahit napakaliit na bagay, at isa pa…ayaw ko ng stress sa buhay. Stress na nga ako sa pamimilit ng Daddy ko na makasal sa matandang iyon. Tapos iisipin ko pa iyang love-love na iyan. And speaking of that old maniac! Naku! Paano ko kaya matatakasan ang kasal naming dalawa? Hindi pwedeng habang-buhay na lang akong magtatago rito sa loob ng PMA. Makakaligtas ako this year dahil freshman pa lang ako. Paano kapag sophomore na ako? Sa labas na ako titira nito dahil papalitan kami ng mga freshmen. Hindi na ako makakatakas nito. Kahit saan pa namang lupalop ako ng Pilipinas magtago ay alam kong ako ay kaniyang matatagpuan. Ginawa kong way ang pagpasok sa PMA para takasan ang engagement ko sa matandang iyon. Swerte dahil heto na ako, nakakulong at hindi basta-basta pwedeng lumabas at bisitahin. Pangarap ko rin naman pumasok dito kaya sinikap kong pumasa sa exam. Oo, pangarap ko talagang pumasok ng PMA noon pa man. Mahilig kasi ako sa baril. Inaagaw ko pa nga raw ang laruan ni Kuya V na baril noon. Sinuwerte naman na makapasok ako dahil bukod sa backer ko ang Ninong Sky ko dahil may pinsan siya rito na propesor at may thirty percent share siya rito, naging madali para sa akin ang pumasok because of this. Ipinasa ko rin kasi ang entrance exam. Nasa top ten list ako. I'm so proud of myself dahil nagawa kong sumali sa top ten. Wish ko lang na sana makapasok din ako sa dean's list para menos din sa tuition fee. Ang kagandahan pa sa school na ‘to, may training fee ang mga estudyante kapag nag-training na sila. I am not sure kung magkano pero sabi malaki-laki rin. Kaya naman hindi pa man ako umaabot sa ganoon, excited na ako. Pagpapaguran ko iyon at parang ang sarap gastusin kapag pinaghirapan mo. Hindi iyong palagi na lang akong nahingi sa parents ko. Malaki ang binibigay nilang allowance, may sarili rin akong atm at funds. Pero hindi ko ginagalaw iyon dahil nahihiya ako. Isa pa, sapat na sa akin iyong allowance na binibigay nila every week. Pero teka, balik ako roon sa kumakanta bago ko pa makalimutan ang tungkol sa kaniya. Sino kaya iyon? Kilala ko ang lahat ng occupant doon sa kabila kasi kaklase sila ng mga kasama ko rito sa kwarto. Walang maganda ang boses sa kanila kapag kumakanta sila ng Lupang Hinirang kapag flag ceremony. Kaya alam kong bagong salta iyon dahil lahat sila ay sintunado. May bago kaya silang kasama sa kwarto? Bakit ngayon ko lang narinig ang boses ng lalaking ‘yon kung mayroon man? Gusto kong makita kung sino ito. Baka bagong salta at pareho kami ng kurso na sa BSSM dito sa PMA. Transferee kaya? Baka hindi, baka lumipat lang ng room. Ang alam ko kasi ay hindi na sila tumatanggap ng late enrollees lalo na at two weeks na nang magsimula ang klase. Naghintay pa ako ng ilang minuto kung itutuloy ba ng umawit ang kanta niya. Subalit nakalipas na ang sampung minuto ay hindi na. Malamang pumasok na iyon sa banyo at naligo na. Sayang, naakit pa naman ako sa boses niya. Gustong-gusto ko ang ganoong klase ng boses. Iyong para kang hinehele, tapos mamaya ay tulog ka na. Sana bukas ay umawit siyang muli. Sisilipin ko siya sa may teresa nitong room na tinutuluyan ko para sinuhin siya. Oh kaya ay magtatanong na lang ako mamaya kina Isagani at Liryo na roon tumutuloy. Tumunganga pa ako ng ilang minuto sa kawalan para maghintay. Nang wala na talaga akong marinig ay saka ako nagpasya na tumayo na at magtungo sa banyo para maligo. Oras na para maligo at mag-ayos. Ako na lang ang naiwan dito sa kwarto. Nauna ng pumasok ang tatlo kong ka-room mate na pare-parehong sophomore. Ako lang itong freshman na nasali sa kwarto nila dahil wala ng bakante sa kabilang building kung saan ay dapat kasama ako. Ayos lang na mawalay ako sa mga kaklase ko. Mababait naman sina Ate Lailanie, Ate Jelay, at Ate Lalyn. Madalas pa silang mag-share ng niluluto nilang ulam sa akin. Ako kasi ay panay order na lang sa canteen dahil wala akong alam na lutuin kundi prito at nilagang itlog. Kasalanan ko kung bakit wala akong alam. Tinuturuan ako ni Mommy Malzia pero ako itong tumatanggi dahil natatakot ako na makasunog ako at hindi maganda ang kalabasan ng lulutuin ko. Dapat pala ay nagtiyaga ako na nagpaturo. Iba na ang may alam lalo na at hindi palaging umaasa ako sa mga pagkain na niluluto sa labas. Mas safe pa rin kung ang pagkain ay niluto sa loob ng tahanan. “Good morning, Vaniella!” bati ng mga kaklase ko sa akin na nadatnan kong nakaupo na at naghihintay na sa aming propesor. “Good morning din sa inyo,” ganting bati ko sabay ngiti ng matamis. Kunwari pang hinimatay ang kaklase kong lalaki dahil sa ngiti ko, na tinawanan ko lang dahil sanay na ako sa mga biro nila at palipad-hangin na hindi ko naman pinapansin. Hindi naman kasi ako suplada at madali lang akong i-approach kaya naman heto at may umaasa na makakalapit sila sa akin. Sorry na lang sila. Pag-aaral ang priority ko. Kung alam lang nila, may tinanggihan na akong kasal at hindi birong tao iyon. Iyon nga tinanggihan ko. Sila pa kaya na wala pang ipapakain sa akin ngunit ang lakas ng loob manligaw. Hay naku! Sakit lang sa ulo ang ganito. Naupo na ako sa assigned seat ko at hindi na masyadong pinansin ang mga kaklase kong gustong tumayming na makausap ako. May ten minutes pa kasi kami para maki-chika pero ako ay mas piniling manahimik at magbasa ng mga aralin ko. Saktong ten minutes ay tumahimik ang klase. Nahulaan ko na kung bakit. Dumating na siguro si Prof. Muriel, ang propesor naming matigas at walang awa. Terror, sa madaling salita. Itinuklop ko ang libro na binabasa ko at binalik sa bag ko. Haharap na sana ako at uupo ng tuwid nang mapansin ko ang anim na guard na pamilyar sa akin. Patay! "Bakit sila narito?" tanong ko sa aking sarili habang hinahanap sa paligid ang amo nila. Nakagawa siya ng paraan para makapasok dito? Tarantang hinila ko muli ang libro na tinago ko sa aking bag at ginawang pananggalang para hindi ako makita ng mga royal guard ng matandang manyakis na 'yon! Subalit hindi ko na pala kailangan gawin ito dahil nakatayo na sa mismong harapan ko ang lalaking pinagtataguan ko. "Good morning, class." "Good morning , Sir. " chorus na sagot ng mga kaklase ko. Siyempre hindi ako kasali dahil naghihimutok na ako rito sa upuan ko. "I'm your substitute professor for three months and ---." Natigil siya sa kaniyang sinasabi dahil naghiyawan ang mga kaklase kong lukaret na babae. "Kahit magtagal ka pa rito, Sir. Okay lang." Wika ng isa na hindi ko na tiningnan kung sino. "Sir, ang pogi mo. My nobya ka na ba?" Hindi na nahiya na tanong ng isa. "Ang pogi!" "Anakan mo ako, Sir!" "Sir, may I have your number please? Sigaw ng iba na halos hindi na nahiya sa mga pinagsasabi nila. Lantaran nilang pinapakita ang kanilang mga kalandian. Ang manyakis na gurang naman ay tila tuwang-tuwa sa atensyon na binibigay sa kaniya ng mga kaklase kong babae. Ang manyak talaga! Pedophile ang peg ng matandang ito! Nasaan na ba si Prof. Muriel, bakit sumingit dito ang manyakis na gurang na 'to? "Okay, okay. Tama na muna iyan. Ako na muna. Mamaya na kayo," medyo hindi sanay na pagsasalita niya ng Tagalog. Pilipit kasi ang dila dahil sabi ni Tita Charmel, lumaki ito sa Turkey kaya hindi nasanay magtagalog. Gusto kong matawa sa totoo lang dahil ang pangit pakinggan ngunit pinigilan ko lang talaga. "I am Professor Hakan and I'm so glad to meet you all." Ginaya ko sa utak ko ang boses niya at pinigilan muli ang matawa. "Woaaaahhhhh!" Sigawan muli ng mga lukaret kong kaklase. Naririndi na ako sa totoo lang. Pero sige, bahala sila. Sana nga mabaling isa man sa kanila ang atensyon ng lalaking 'to. Hindi ko talaga nais magpakasal sa kaniya. "I hope you will learn more from me and I hope you will all study hard to pass this subject," wika niya habang nakatutok sa direksyon ko ang kaniyang paningin na matatalim kung tumitig. Hindi sana ako titingin sa kaniya. Pero nararamdaman ko na sa akin siya nakatingin kaya siniguro ko baka sa legs ko siya nakatitig. Tse! Gusto ko sanang sabihin sa kaniya. Hindi niya ako matatakot sa tingin lang. Hindi ako naging anak ni Vulcan para yukuan ko lang ang lalaking ito. Wala akong pakialam kung hari siya ng Turkey at importanteng tao siya rito sa Pilipinas. Bugahan ko siya ng lava ng Daddy ko eh! Sarap tusukin ng kaniyang mga mata. Naiinis talaga ako sa kaniya kapag naalala ko kung paano niya ako kinuyumos ng halik noong eighteenth birthday ko. Nakakagigil siya ng mga oras na iyon dahil halos laplapin na niya ako! Hindi lang iyon ang kinaiinisan ko sa kaniya, nagbibigay din siya ng mga regalong nakaririmarim na nagpapataas ng dugo. Isa pa, muntik ng may nangyari at buti naang hindi natuloy. Kung hindi, wala ako ngayon kung nasaan ako ngayon. "I have one rule in my class," wika niya habang titig na titig sa akin. Palihim akong napasimangot. Rules? Lecheng rules iyan! "Bawal ang mag-daydreaming kapag oras ng klase." Napamulagat ako sa aking narinig. Ako ba ang pinariringgan niya? Excuse me! Hindi siya ang iniisip ko! "Ayyyyyy!" "Pwede, Sir!" "Nooooo..." Reklamo naman ng mga lukaret. Tumawa lang ang papansin na 'to! Mukhang hindi sila ang pinapatamaan niya. I know it's me, kita yata niya na wala ako sa sarili. Nawawala na talaga ako sa sarili ngayon dahil hindi ko alam kung paano tatakasan ang lalaking 'to. I'm sure palagi kaming magkikita at gagawa siya ng paraan para magkalapit kami. "No way!" agad ko ng protesta sa isip ko. Bahala siya sa gusto niyang gawin, basta ako iiwasan ko siya at hindi ko hahayaan na makalapit siya sa akin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD