Vaniella's POV
“Kuya! Wala na bang ibibilis ang sasakyan?” tanong ko sa driver habang nakatanaw ako sa harapan ng sasakyan.
Patingin-tingin ako sa kalsada kung nasaan na ba kami at kung malapit na ba kami sa bahay. Tapos sa cellphone ko kung may reply na ba si Vida sa text ko. Sa malas ang layo pa namin sa mansion! At sa malas, wala rin text ang kapatid ko!
Sinubukan kong tawagan ang numero niya. Napalatak ako nang marinig kong cannot be reached ito. Ibig sabihin nakapatay ito o kaya ay na-lowbat!
Ngayon pa talaga siya malolobat? Pakiramdam ko tuloy ay wala na akong aabutan doon pagdating ko.
Alam ni Daddy ang oras ng uwi ko. Pwede rin niyang i-update ang mga bodyguard ko kaya malamang, hindi talaga kami magpapang-abot ni Hakan!
“Pasensya ka na, Senyorita. Hindi ako maaaring sumunod sa utos mo. Hindi ako dapat lumampas sa otsenta lalo na nasa highway tayo. Delikado rin dahil rush hour na. Maraming nagmamadali umuwi tapos marami ring mga lokong motorista na bigla na lang mag-o-overtake kahit alanganin ang lulusutan. Ako ang mananagot sa Daddy mo kapag may nangyaring masama sa iyo, kaya pasensya na,” ani ni Kuya Oscar na tumanggi sa gusto kong mangayri. Siya ang head ng mga bodyguard ko at siyang pinagkakatiwalaan ni Daddy sa pagmamaneho ng sasakyan ko. Kaya naman naiintindihan ko kung bakit kailangan niyang mag-ingat. Alam kong hindi siya sasantuhin ni Daddy kapag may nangyaring masama sa akin.
“Okay po, tama na po iyang speed mo sa pagmamaneho. Pasensiya na po, may hinahabol lang po kasi ako sa bahay na importanteng tao.” Nahihiyang sabi ko. Ako pa ang maglalagay sa kaniya sa kapahamakan. Marami pa naman siyang anak na binubuhay.
Tsaka kita ko rin na hindi nga safe magmaneho ng mabilis. Ang daming motorsiklo na sumisingit. Bus na bigla na lang mang-aagaw ng lane. Prone pa naman sa aksidente sa banda rito sa daan na ‘to. May while lady daw na bigla na lang nagpapakita sa gitna ng kalsada dahilan para mapapreno ang driver at hindi na maisip na may kasunod siya sa likod para lang iwasan ang white lady na akala yata eh tao.
Maliwanag pa naman. Hindi naman siguro kami lolokohin ng white lady na ‘yon.
Thirty minutes ang nakalipas bago kami nakarating sa bahay. Kinakabahan ako habang papasok kami ni Kuya Oscar. Nakasunod naman sa likuran ng sasakyan ang mga bodyguard ko na nakabuntot lang sa amin kung saan kami pupunta.
Kumunot ang noo ko nang matanaw ko palabas sa garahe ang isang mustang na kulay itim. Tapos natanaw ko si Daddy, Kuya V at ang isang lalaking matangkad at malapad ang katawan na nakasuot ng puti na pang-itaas at itim na pang-ibaba. Katabi ng lalaki ang mga nakaunipormeng mga lalaki na sa tingin ko ay bodyguard niya. Malamang ito na si Hakan. Walang duda na siya nga dahil wala namang ibang bisita si Daddy. Wala naman ibang kasama sina Daddy at Kuya V na ibang tao kaya malamang siya ito.
Timing ang dating ko. Makakaabot pa ako sa kanila bago pa siya makasakay sa sasakyan niya.
Titig na titig ako sa lalaki habang papalapit kami. Sobrang liwanag sa kinaroroonan nila kaya kitang-kita ko sila mula rito sa loob ng sasakyan. Hindi naman nila napapansin ang presensya ko dahil siguro may pinag-uusapan silang mahalaga ni Daddy.
Subalit iyon ang akala ko, dahil halos kapusin ako nang hininga nang lumingon ang lalaki sa gawi ko. Sumikdo ang puso ko sa kaba habang papalapit kami. Titig na titig ang lalaki sa sasakyan na tila makita niya ako mula rito. Pilit ko namang inaaninag ang itsura ng lalaki ngunit hindi ko naman ito makita. Medyo malayo pa kami sa kinaroroonan nila tapos nakasuot pa siya ng shades na halos matakpan na ang ilang bahagi ng mukha niya. Gabi na, bakit naka-shades pa rin siya? Where's the sun?
Tss! Ayaw talagang magpakita ng mukha ang hari na ‘to! Baka naman kasi pangit at kabaliktaran ang sinasabi ng kuya ko at si Vida.
“Kuya, itabi mo!” Utos ko kay Kuya Oscar nang makita kong sumakay na sa mustang si Hakan. Kainis! Hindi man lang ba siya magpapakita sa akin? I’m so curious to see his face! Bakit hindi man lang niya ako hinintay? I’m sure alam niya na ako ang sakay ng sasakyan.
Halos takbuhin ko ang kinaroroonan nina Daddy at Kuya V na mukhang nagpapaalam na rito at pinapaalalahanan na mag-ingat pauwi.
Inis na napabuntong-hininga ako nang hindi ko siya maabutan. Nakataas na ang bintana ng sasakyan niya at wala na akong nagawa kundi sundan ng tingin ang sasakyan niya na hindi ko man lang maaninag ang loob. Alam kong nakatitig kami sa isa't isa kahit hindi ko siya nakikita. Ramdam ko ang bigat ng mga titig niya sa akin. Pakiramdam ko nga nakangisi siya at tuwang-tuwa sa inis na nakapagkit sa aking mukha.
Nakakainis lang dahil parang sinasadya niya na hindi kami magkita. Kita ko ang pagmamadali niya na makasakay ng sasakyan kanina bago pa ako makaabot sa kinaroroonan nila ng aking ama at kapatid.
Palihim kong itinaas ang middle finger ko. I know it's rude. Pero mas nakakabastos naman ang ginawa niya.
Mukhang hindi naman nakita nina Daddy at Kuya V ang ginawa ko dahil hindi naman nila ako sinita. Pero alam kong kitang-kita ni Hakan ang ginawa ko. Sana nga ma-turn off siya sa ginawa ko at siya mismo ang umurong sa engagement naming dalawa.
“Ang bastos ng mamanugangin mo, Daddy. Kita na nga na palapit ako, hindi pa ako hinintay na makalapit para man lang magkita na kami,” himutok ko. Humalukipkip ako at nilingon ng nakasimangot ang buntot ng sasakyan niya na tanging natatanaw ko na lang mula rito sa kinatatayuan naming mag-aama.
“Hindi naman sa ganoon, hija. May mahalaga kasi siyang appointment na pupuntahan kaya siya umalis agad. Kanina pa tawag nang tawag ang Daddy at Mommy niya kaya wala na talaga siyang oras. Idinaan lang niya rito ang mga dala niyang regalo sa para sa iyo at aalis din kaagad,” katwiran ni Daddy na hindi ko kinagat.
Mahigit thirty-minutes na ang nakalipas simula nang tumawag si Vida sa akin. Ibig sabihin, nagsisinungaling si Daddy sa akin. Gusto ko siyang supalpalin sa pagtatakip niya sa lalaking iyon. Subalit ayaw ko naman mapahamak ang aking kapatid kaya nagpigil ako.
Ayaw lang talaga niyang magkita kami. Itong si Hakan naman ay sunud-sunuran din sa ama ko!
Nakakainis sila!
Gusto nila akong masurpresa? Pwes! Susurpresahin ko rin sila sa araw na iyon! Hindi ko tatanggapin ang engagement ring na ibibigay ni Hakan. Walang kasalan na mangyayari!
“Is that so, Dad?” Hindi ko napigilan ang pagdududa sa tinig ko.
Mukhang nahalata naman ni Daddy na nagdududa ako kaya pasimple nitong siniko si Kuya V na tila nagpapasaklolo.
Mas lalo akong naghinala sa ginawa niya kaya naman nang magsalita si Kuya V para patotohanin ito ay agad na rin akong nagpaalam sa kanila na mauuna na sa loob ng bahay para makapagpahinga na sa kwarto ko.
Nice!
Talagang pinagkakaisahan nila akong lahat!
Nakasimangot na umakyat ako sa kwarto. Sira ang gabi ko. Parang gusto ko tuloy ngumawa.
Nadatnan ako ni Vida na nakahiga sa kama ko at nakatulala. Pinapasok ko siya kahit ayaw ko sana. Hindi ko sana siya haharapin dahil gusto kong mapag-isa ngunit narinig ko na dala raw niya ang ibang regalo ni Hakan sa akin na naiwan sa ibaba at hindi na binalikan ng katulong para iakyat dito. Gusto kong sabihin na kaniya na lang kaya lang naisip ko na baka thong panty na naman ang laman ng mga paper bags na iyon.
“Sayang, ate. Hindi na naman kayo nagkita,” turan agad ni Vida na hindi man lang napansin ang masama kong mood.
“Alam kong alam mo na sinasadya ni Daddy na hindi kami magkita. Alam niya ang oras ng uwi ko sa eskwela kaya hindi na ako nagtataka na hindi talaga kami magkikita ng manok niya,” nakasimangot na turan ko kay Vida.
“Hayaan mo na. Baka gusto lang nila mg thrill sa araw ng debut mo, ate.”
“Thrill? Baka gusto pa nilang dagdagan ko ng suspense at horror para happy tayong lahat.” Inis pa rin na turan ko.
Naisip ko iyong gagawin kong patanggi kay Hakan na kakayanin kaya ng konsensiya ko?
“Huwag naman, Ate. Ako tuloy ang kinakabahan sa iyo. Pakiramdam ko uurong ka sa engagement ninyong dalawa.
“Tumpak!” Nais ko sanang sabihin kay Vida ngunit ayaw ko na rin siyang pagkatiwalaan.
Mas maigi ng sarili ko muna ang kakampi ko ngayon.
Hindi rin nagtagal si Vida sa kwarto ko. Nag-usap lang kami saglit bago siya nagpaalam na aalis na para raw makapaghinga na ako.
Naiwan akong nakatunganga sa mga regalong dala ng bwisit na hari na ‘yon!
Ayaw ko sanang buksan at itapon na lang sa basura ngunit naisip ko na baka gusto ni Vida ang mga tsokolate lalo na at paborito niya ang mga ito.
Napilitan akong buksan ang mga paper bags at tingnan ang mga laman ng mga ito. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang designer shoes at bags ang una kong binuksan. Ngunit nagulat ako sa huling paper bag na binuksan ko. Akala ko laruan lang ito na naligaw dito sa mga binigay niya sa akin dahil baka kay Valentine niya ito ibibigay. Kaya lang laking gulat ko nang mabuksan ko ang kahon at ilabas mula rito ang hugis ng ari ng lalaki na halos walong pulgada ang haba at kulay pink ang kulay!
Gulat na naihagis ko ito at nandidiring impit na napasigaw sa sobrang inis ko sa lalaking iyon.
Halos mamula ako ang buong mukha ko sa inis at gigil! Ngunit nang maalala kong hindi naka-lock ang pinto ko ay agad na tumakbo ako patungo sa pinto at in-lock ito.
Tapos inis na dinampot ko ang vibrator at isisilid na sana ito sa loob ng box nito nang may mapindot ako dahilan para gumalaw ito at kumiwal-kiwal!
Napatili na naman ako sa inis!
That king is so perverted!
Hindi na nakakatuwa ang mga regalong natatanggap ko sa kaniya! Akala ko malala na iyong t-back na regalo niya nang nakaraan, may mas lalala pa pala sa regalo niya ngayon!
Saan ko ‘to gagamitin? Hindi ako nympho para paglaruan ang aking sarili gamit ang laruang ito!
Binalik ko sa box sa ang laruan at hinilot ang sentido ko. Ibabalik ko ‘to sa kaniya!
Pilit kong pinakalma ang sarili ko kahit na ramdam ko pa rin ang inis sa aking dibdib. Medyo kumalma naman ako at handa na sanang mahiga muli nang tumunog ang cellphone ko.
Agad ko itong dinampot at sinagot ang tawag na hindi tinitingnan kung sino ang caller.
“Hello…” patamad na sabi ko kasabay ng maikling hikab.
“Hi! I hope you like the gifts that I sent to you, my queen…” nang-iinis na wika ng nasa kabilang.
Napamulagat ako sa gulat. Nasapo ko pa ang dibdib ko pagkatapos dahil sa kabang aking nadarama.
It’s Hakan, ang manyakis na hari!
How did he get my number?