Vaniella's POV
Nagawa ko naman na maalis sa isip ko ang tungkol sa lalaking iyon. Hindi na ako muli dinalaw ng masarap na—este masamang panaginip simula noon.
Naging abala na rin kasi ako sa nalalapit na first quarter exam namin. Tutok na tutok din ako sa pag-re-review na pati ang ibang bagay na nasa paligid ko ay hindi ko na napapansin. Kaya naman hindi na ako nagtataka kung hindi ko na matandaan ang kaniyang itsura.
Pagkatapos ng exam ay sa nalalapit ko naman na kaarawan ako naging abala. Nag-practice kami ng cotillion dance kasama ang mga eighteen roses at eighteen candles ko. Pati ang magiging grand entrance ko sa red carpet ay sinigurado nina Daddy at Mommy na praktisado ko. Easy lang iyon sa akin, sanay na akong rumampa ng may confidence dahil ilang beses na rin akong nakuha bilang muse o kaya ay pambato sa mga beauty contest na sinasali ako ng mga teachers ko.
Tapos siningit din ni Mommy ang pagpili ng mga gown na susuotin ko sa aking debut. Bale tatlong beses akong magpapalit. Kaya naman tatlong kulay din ang pinili ko. Una ay red gown, second is pink gown, and sa pang-finale naman ay ang white gown na siyang napili ni Mommy at Daddy na pinakahuling gown na isusuot ko. Alam ko na kung bakit ito ang pinili nila na panghuli. Pinaka-highlight kasi ng debut ko ang engagement namin ni Hakan.
Kahit ayaw ko sana, wala talaga akong magagawa para tanggihan ito. May magagawa ba ako sa gusto ng mga magulang ko? Susunod na lang ako sa agos para sa gabing iyon. Tsaka na ako mag-iisip kung paano ko tatakasan ang kasal naming dalawa. Ang importante mairaos ang aking kaarawan ko bago ako magplano ng mga gagawin ko. May ilang buwan pa ako para magplano. Ang plano kasi ay pagka-graduate ko saka ako magpapakasal sa kaniya. Ito raw ang gusto ni Hakan dahil gusto na nitong magkaroon ng tagapagmana. Ako, tinanong ba niya kung gusto ko ng magkaanak?
Walang nagtatanong ng opinyon ko osa man sa kanila. Kung ano ang gusto ng lalaking iyon ay sinusunod naman agad ni Daddy. As if parang pabor sa lalaking iyon ang lahat ng kaniyang hilingin. Dahil ba hari siya, dahil ba importanteng tao, o dahil malakas siya sa daddy ko na isang sabi niya lang ay oo agad ang sagot nito.
Ito ang mga nalaman ko. Hindi sinasadyang narinig ko ang usapan nina Daddy at Mommy noong nakaraan kaya naman mas lalo akong gigil na makaalpas sa kasunduang iyon.
Makaisip lang ako ng paraan para makatakas. Hinding-hindi ako magpapahuli sa kanila, lalong-lalo na kay Hakan.
“Ate, sino nga pala ang escort mo sa birthday mo? Malapit na ‘yon ah. Ilang araw na lang,” tanong bigla ni Vida na naging dahilan para mabasag ang nakakabagot na tunog ng mga kubyertos. Kanina pa ako tapos kumain, kumakain na lang ako ng dessert at hinihintay na unang tumayo ang mga magulang namin bago ako sumunod at umakyat na rin sa aking kwarto.
Nakapagtataka na tahimik sila. Walang ibinibida si Daddy kay Mommy ngayon. Pareho silang tahimik na taila may iniisip.
Napatingin tuloy sa kaniya sina Daddy at Mommynna nananahimik sa pagkain, tapos sa akin sila bumaling na malamang hinihintay ang magiging sagot ko.
“Si Hakan. Wala naman akong pwedeng maging escort kundi siya lang,” mahina kong sabi at saka tumingin kina Daddy at Mommy na mukhang nasiyahan sa sinabi ko. Nagpatuloy sila sa pagsubo habang ako naman ay tila nawalan ng ganang kumain ng panghimagas. Parang iyon na lang ang kasiyahan ng mga magulang ko, lalo na si Daddy na kung pag-usapan ang lalaking iyon dito sa bahay ay para siyang lumulutang sa alapaap. Masyado siyang obsessed na mahaluan ng royal blood ang pamilya namin.
“Ay, oo nga pala. Ang slow ko naman. Siya nga pala ang mapapangasawa mo,” ani ni Vida para panlakihan ko siya ng mga mata.
“Bagay na bagay kayo ni Hakan, Vaniella. Sayang wala ka noong nagpunta siya rito. Nakainuman pa nga namin siya ni Daddy,” wika naman ni Kuya V na hindi na yata napigilan ang kaniyang sarili na magkomento.
Napatingin ako kay Daddy na agad na nag-iwas naman ng tingin.
Oo nga, bakit hindi nila ako pinauwi?
Lahat sila ay boto sa lalaking iyon. Wala man lang bang against sa pagpapakasal ko sa lalaking iyon?
Gusto ko itong ibulalas sa kanila. Kaya ko ba? Wala nga akong lakas ng loob na tumanggi muli kay Daddy. I did, but still he won't accept a no for me.
“Pwede niyo naman akong tawagan, Kuya. Nasa mall lang naman ako. Nagtataka nga ako kung bakit hindi man lang ako naalalang tawagan ni Daddy at sabihin na narito ang fiance ko.” Ipinagdiinan ko talaga ang mga katagang ito. Ito ang ipinagtataka ko kay Daddy. Gustong-gusto niya akong ipaasawa sa lalaking iyon ngunit hindi naman lang niya magawang pagtagpuin ang landas naming dalawa as if iniiwasan nila na magkita kaming dalawa.
Dahil ano? Pangit? I doubt it, my sister told me that he is so handsome. Ano na nga ulit ang description ni Maria Vidalia sa kaniya? Ala-prince charming daw ang lalaking iyon.
“Hindi pa oras para magkita kayo, Vaniella. Saka na, sa araw ng debut mo na lang para naman may thrill at excitement. Baka kapag nagkita na kayo ng araw na iyon ay baka hindi pa sumasapit ang ikalabing-walong kaarawan mo ay bumigay ka na sa kaniya,” pahayag ni Daddy na agad namang sinuway ni Mommy.
“Watch your mouth, Vulcan. Kaharap natin ang tatlong mga anak mo. Hindi nila dapat naririnig sa atin ang mga ganitong salita lalo na at napakabata pa nila. Isa pa, bakit ganiyan ka makapagsalita sa anak mo? She is decent, alam mong ikaw ang nakabantay sa kaniya hanggang magdalaga siya,” suway ni Mommy kay Daddy. Nakatikim pa ng sapak sa kaniyang dibdib si Daddy dahil sa inis ni Mommy sa sinabi ni Daddy.
“Gusto ko lang marinig ni Vaniella ang rason ko kung bakit ayaw ko pa silang pagtagpuin ng mamanugangin natin.” Katwiran naman ni Daddy.
“What do you think of me, Daddy? Some kind of pervert chic that will jump on his bed and give him my body? Gaano ba siya kagwapo para sabihin ninyo sa akin ang mga katagang iyan?” Medyo may tono ng inis sa boses ko.
“More than you’ll ever dream of, hija. And I’m sorry if you're thinking that way. I know you wouldn't do that. Takot lang talaga ako sa sarili kong multo dahil sa ginawa ko sa Mommy ninyo noon nag ganiyan. Ayaw ko na baka ikaw ang sumalo ng karma ko. Gusto ko na ang lalaki ang maghabol sa iyo at hindi ikaw ang maghahabol sa kaniya.”
Ito lang ba talaga ang rason?
Kilala niya ako. Nakabantay siya sa akin habang lumalaki ako. Alam niya na hindi ako malapit kahit kaninong lalaki dahil grabe siya makapagbilin sa akin tapos bigla niya akong pagsasalitaan ng ganoon? Takot pala siya sa sarili niyang karma, bakit hindi niya sa maayos na paraan kinuha ang puso ni Mommy?
“V…that was part of our past. Hindi ka naman siguro kakarmahin dahil malinis naman ang intensyon mo. Tsaka, kilala mo si Maria Vaniella, ayaw nga niya na ma-engage kay Hakan dahil ayaw pa niyang mag-asawa. Tapos, pag-iisipan mo siya ng ganiyan?”
Gusto kong magpasalamat kay Mommy dahil sa pagtatangol niya sa akin. Ito ang gusto ko kay Mommy. Alam ko naman na noon pa man ay ayaw na niya sa ideyang ipapakasal ako ni Daddy sa anak ng kaibigan niya. Mataas lang talaga ang pangarap ng aking ama. Kaya pati ang aking ina ay nadadamay.
“Sorry.” My father apologized. I don't know kung para sa akin iyon o kay Mommy.
Napakagat-labi ako.
Ano ba ang akala ni Daddy sa akin? Cheap na babae? Tsaka wala naman alam si Daddy sa gusto ko sa isang lalaki? Hindi niya alam na kagaya niya ang gusto ko. Sobrang taas ng standard ko na dapat malampasan siya nito.
Wala nga siyang alam dahil kahit naman noon ay hindi naman niya tinatanong ung ano ang gusto ko. Ang gusto niya ang laging nasusunod.
“Ate, ‘di ba nasagot ko na iyang tanong mo noon pa. He is a charming king, ‘di ba po, Daddy!” Maria Vidalia commented.
Nginitian ni Daddy si Vida samantalang si Mommy ay pinanlakihan niya ito ng mga mata.
“What did I tell you, Maria Vidalia?” malditang tanong ni Mommy sa aking kapatid.
“B-bawal po akong sumabat sa usapan ng mga matatanda,” hiyang-hiya na sabi ng aking kapatid na parang maiiyak na.
“So, bakit ka sumabat bigla?” masungit na tanong ni Mommy.
“I-I’m sorry, Mom. Hindi na po mauulit.”
“Just make sure, hija. Hindi kasi maganda na nakikisabat kayo lalo na at hindi pa ninyo masyadong naiintindihan ang pinag-uusapan namin ng Daddy ninyo.”
“Yes, Mommy. I'm sorry.”
“Okay, good.”
Hindi na naungat ang topic na binuksan ni Kuya V. Tumigil na sila sa pagsasalita nang sermunan ni Mommy si Vida. Sabagay, nasagot naman ni Daddy ang tanong ko. Nakakasakit lang ng damdamin na ganoon ang tingin niya sa akin. But I know ginawa lang niya iyong front. What if there's other reason?
Naku! Huwag naman sanang mag-iba sila ng plano! Kinakabahan tuloy ako habang papalapit ang birthday ko.
I think may mangyayari na hindi ko inaasahan.
Sana wala.
Hapon, pauwi na ako ng bahay nang tumawag si Vida sa akin.
"Ate!"
"What?" agad kong usisa.
"Nasaan ka na?"
"Uh, pauwi na. Why?"
"Malapit ka na ba sa lugar natin?"
"Medyo?" kunot-noong sagot ko dahil bakit ang dami niyang tanong.
"Uwi ka na, bilis!" parang excited na sabi niya.
"Bakit?"
"Narito ulit si Kuya Hakan. Ito na ang chance mo na makita siya. Huwag mong sabihin kina Daddy at Mommy na sinabi ko sa iyo, mapapagalitan ako."
"Sige, sige."
"Ibaba ko na ang tawag, Ate. Baka mahuli pa nila ako."
"Okay. Sige."
Pagkababa ng tawag ay agad kong inutusan ang driver na bilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan.
This is it..Malalaman ko na kung bakit ayaw ni Daddy na mag-meet kami ng lalaking iyon.
Akala nila, huh?
Buti na lang at kakampi ko si Maria Vidalia!
Nakaramdam ako ng matinding kaba sa dibdib ko sa pagkikita namin. Ano kayang reaksyon niya kapag nakita ako?