Day 1
"What are you doing here?!" Napapitlag ako mula sa pagkakaupo sa sofa nang marinig ang sigaw mula sa likuran ko.
Tumaas ang kilay ko at hinarap ang lalaking kanina ko pa hinihintay.
"Iyan ba ang tamang pag-welcome sa ex-wife mo?" tanong ko at hindi nakaligtas sa akin ang pagdilim ng mukha niya sa sinabi ko.
"Welcome? Who told you na welcome ka sa pamamahay ko?" asik niya sa akin habang niluluwangan niya ang suot na kurbata habang hindi inaalis ang tingin sa akin.
"I'm going straight to the point Seth. I'm staying here."
Natigilan siya sa sinabi ko tila hindi mapaniwalaan kung tama ang narinig niyang mga salita mula sa akin. Nang makahuma ay pagak siyang tumawa dahan-dahang lumapit sa akin. "Anong sinabi mo?"
"I'm staying here." pag-ulit ko. Pumikit siya at humugot nang malalim na buntong-hininga makaraan ay matalim ang matang pinakatitigan ako.
"You're insane Rykki," saad niya at tinalikuran ako pero agad kong hinawakan ang braso niya bago pa siya makalayo sa akin.
"Seth sandali lang, hindi mo man lang ba tatanungin kung bakit ko gustong tumira ulit dito?"
"HIndi ko na kailangan pang tanungin kung bakit, dahil wala akong balak na pumayag na tumira ka dito." malamig ang boses niyang saad. Binitawan ko siya at napapikit ako nang mapagtantong hanggang ngayon ay maihahalintulad pa rin sa isang yelo ang dati kong asawa.
"I am not here for you. I am here for my daughter, I want to be with her every day, not just on weekends!” sigaw ko na siyang nakapagpatigil sa tuluyan niyang pagtalikod sa akin.
"Don't try me Rykki, pasalamat ka nga at hinayaan pa kitang makasama si Sera tuwing weekends dahil kung tutuusin wala ka ng karapatan pa na makasama siya."
Nagpuyos ang kalooban ko sa sinabi niya at napakuyom sa nanginginig kong kamay. "At bakit mawawalan ako ng karapatan na makasama ang anak ko?!"
Ngumisi naman siya na mas lalong nagpagalit sa akin. "Because as far as I remember. 5 years ago, you left her."
"I did not. Hindi ko siya iniwan, kinuha mo siya sa akin!"
"At bakit ko siya hindi kukunin gayong alam naman nating dalawa na wala kang kakayahan na buhayin siya! Ang tanging alam mo lang ay ang ipahamak siya! Baka nakakalimutan mo kung anong nangyari sa kanya dahil sa kapabayaan mo!"
Nawalan ako ng imik sa panunumbat niya.
Nagsimula akong pangilidan ng luha nang ipagkadiinan na naman niya na wala akong kakayahan na buhayin ang anak namin. Dahil limang taon ang nakakaraan, isa lang akong may-bahay at umaasa sa pera ng asawa ko.
"Mommy?" napalunok ako nang marinig ang boses ng anak na si Sera na mukhang kadarating lang mula sa paaralan na pinapasukan niya.
Serafina Aki Vallejo. My 11-year-old daughter.
Masama kong tinignan si Seth at hinarap ang anak ko nang nakangiti.
"Mommy!" tumakbo siya at yumakap sa akin. Hinaplos ko ang buhok niya at hinalikan ang magkabila niyang pisngi . "Hello baby,"
Ngumuso naman siya sa sinabi ko at humiwalay sa akin. "I am not a baby Mommy. Anyway, what are you doing here? Hindi pa naman po friday ah?" nagtataka niyang tanong.
Tumikhim si Seth at doon nabaling ang paningin ni Sera. Lumapit siya sa ama at humalik sa pisngi ng huli. "Hi, Daddy."
Pinagmasdan niya ang dalawa at walang sinuman ang magdududa na mag-ama nga ang dalawa. Dahil bukod sa buhok ko, wala na yatang namana sa akin si Sera at nakuha lahat ng genes ng dati kong asawa. Mula sa kulay kape niyang mga mata, matangos na ilong at manipis at mamula-mulang labi. Ultimo ang hugis ng mukha at maging ang tangkad ng ama ay nakuha niya kaya sa edad na labing-isa ay halos makapantay ko na siya.
"Sera, go to your room. May pag-uusapan lang kami ng Mommy mo." sumimangot naman si Sera na lumapit at iniangkla ang braso sa akin.
"But I want to be with Mommy." hindi nakaligtas sa akin ang pagdilim ng mga mata ni Seth sa sinabi ni Sera pero hindi iyon nakita ng anak namin dahil nasa akin ang atensyon ng huli.
"Sera, listen to your Daddy. Pagkatapos naming mag-usap, I'll go to your room." ngumuso pa siya pero agad ding ngumiti sa sinabi ko.
"I'll wait for you Mommy. Love you..."
"I love you too Baby…"
--------
"Ano ba talagang kailangan mo Rykki?"
Kumunot ang noo ko sa tanong ng kaharap.
Kung tratuhin niya ako ay para bang isa ako sa mga empleyado niyang pinapasahod na siyang nakapagpabigat ng kalooban ko.
'Stop moping Ry, hiwalay na kayo for almost 5 years, isa na lang siyang estranghero para sa 'yo'
"Nasabi ko na ang kailangan ko Seth. I want to stay here with my daughter." puno ng determinasyon kong saad.
Alam ko na naguguluhan na siya sa sinasabi ko. Dahil sa loob ng limang taon iilang beses lang nagkrus ang landas namin. At bukod pa roon, wala siyang narinig sa akin sa mga panahon na iyon kahit na nga ba kulang ang dalawang araw sa isang linggo para makasama ko ang anak ko.
Pero, iba na ngayon.
Gusto ko nang ipaglaban ang pagiging ina ko para kay Sera na matagal ko na sanang ginawa. Pero mahina ako at alam ko sa sarili ko na hindi ko maibibigay ang kayang ibigay ni Seth sa anak namin.
Limitado na lang ang oras ko ngayon. Hindi ko pa rin kayang tanggapin na ang simpleng pagkakahimatay na inakala kong dahil lang sa anemia ko ay malala na pala. Brain tumor. What’s worse is inoperable. Pinagbagsakan ako ng langit nang malaman ko ang kundisyon ko.
Ano bang malay ko na ang paminsan-minsang sakit ng ulo ko ay sintomas na pala ng malala kong sakit. Isang sakit na namana ko sa ama kong pumanaw.
'C'mon Ry, may pag-asa ka pa.'
Wala akong plano na magpagamot pa. Bukod sa hindi ko kakayanin ang gastos para roon. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nalilimutan kung gaano kahirap ang pinagdaanan ng ama ko noong nagkasakit siya. At ayaw kong makita ni Sera kung gaano ako unti-unting lalamunin ng sakit ko. Gusto kong mapasaya ang anak ko at maging ang sarili ko bago man lang ako pumanaw.
Napabalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses ng dati kong asawa.
"And you should know by now na hindi ako papayag sa gusto mo," walang emosyon niyang saad. Magsasalita pa sana ako nang bigla na lamang siyang pumilas sa hawak-hawak niyang checkbook na ngayon ko lang napansin na hawak niya.
"Take it. Ilagay mo kung magkano ang gusto mo," sabi niya na tila ba walang pakialam kung mainsulto ako.
Nagdilim ang paningin ko at basta na lamang kinuha ang bote ng alak na nasa tabi niya at bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay ibinato ko iyon sa dingding.
Umalingawngaw ang malakas na tunog dulot ng pagkakabasag no’n. Hindi ako nag-aalala na maririnig ito ng kasam-bahay o ni Sera dahil alam kong soundproof ang opisina niya na kinaroroonan namin.
Nanlaki ang mga mata niya at tumayo mula sa kinauupuan niya. "What the f**k is your problem?!"
Kung noon siguro ay napapitlag ako sa galit niyang sigaw pero hindi na ngayon. Manhid na ako sa galit niya.
"You are my problem Seth! How dare you para insultuhin ako nang ganito?!" hinihingal kong saad na dulot ng galit na nararamdaman ko.
"And how dare you to throw my things?! Look Rykki, I'm giving you that damn check para tigilan mo na ang kalokohan mo! Pagkatapos ng limang taon, ang lakas ng loob mo na pumasok sa pamamahay ko at sabihin na titira ka dito. Baka nakakalimutan mo na hiwalay na tayo. You are not my wife! You are just a mother to my daughter. At kung wala ka na talagang matitirhan, take that f*****g money and buy a goddamn house!" galit na galit niyang asik sa akin.
Humugot ako nang malalim na buntong-hininga at napahawak ako sa sentido ko nang mag-umpisang sumakit ang ulo ko.
At ito ang nagpapaalala kung bakit ako nasa harap ng dati kong asawa. May sakit ako at may taning na ang buhay ko. At gusto kong makasama ang anak ko kaya hindi ko dapat pairalin ang emosyon ko.
Hindi ko na alam ang ginagawa ko at namalayan ko na lang ang sarili ko na lumuhod sa harap ng dati kong asawa at ang ama ng anak ko.
"What the f**k are you doing Rykki? Tumayo ka diyan!"
Hindi ko siya pinakinggan bagkus ay nagsalita ako sa nanghihinang boses. "Hanggang sa grumadweyt lang siya sa elementary, Seth. Please let me be by her side. And after that, mawawala na ako. At solong-solo mo na si Sera. Hindi na ko magpapakita pa sa inyo."
Hindi ko na narinig pa ang sasabihin niya nang nag-umpisa nang dumilim ang paningin ko.
----------
HINDI pa nga ako nakakahuma sa sinabi ng dati kong asawa ay ikinagulat ko nang bigla siyang mawalan ng malay.
'f**k this!'
Nagmamadali akong lumapit sa kanya at inalog siya. Bumungad sa akin ang maputlang mukha niya na bagama't kanina ko pa napansin ay ipinagsawalang bahala ko na lang dahil sa mga sinasabi niya na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapaniwalaan.
My ex-wife left me five years ago with our daughter, Sera. Pero dahil na rin sa wala siyang trabaho at maging matitirhan dahil sa ulilang-lubos na siya. Nakuha ko pa rin ang kustodiya sa anak namin. Isang taon pa ang lumipas at pormal na kaming naghiwalay. At ngayon ay bumabalik siya sa bahay ko at sinasabi sa akin na dito niya muling gusto tumira?
Nasisiraan ka na ba ng bait, Rykki?
"Rykki, wake up!" Hinipo ko ang noo niya sa pag-aakalang may lagnat siya pero hindi naman siya mainit bagkus ay malamig siya at pinagpapawisan. Agad ko siyang binuhat at inihiga sa sofa. Hindi ko maiwasang pagmasdan ang dating asawa.
At hindi ko rin maiwasang itanong kung ano nga ba ang nangyari sa amin noon.
Labing-apat na taon na ang nakakaraan ay mahal na mahal namin ang isa't-isa. Na kahit na tutol ang magulang ko ay nagawa ko pa ring pakasalan ang babae.
But things changed after our daughter turned 2. Nawala na ang init ng pagmamahalan namin. Puro awayan na lang ang nangyayari sa amin. Palagi niyang sinasabi sa akin na wala na akong oras para sa anak naming dalawa. Hindi niya maunawaan na kailangan kong magpakitang-gilas sa ama ko para ipakita rito na bagama't sinuway ko siya sa pagpili sa babaeng papakasalan ay may kakayahan akong pamunuan ang negosyo ng pamilya namin.
Ginawa ko iyon para mabigyan sila ng magandang buhay. Para maibigay ang lahat ng gusto ni Sera. Pero nag-umpisa na siyang magduda na nambabae ako. Nag-umpisa na rin akong manlamig sa relasyon naming dalawa dahil pakiramdam ko nagbago ang dati kong asawa.
Nawala ang pagiging malambing niya at masyado siyang naging mapagduda at selosa.
She became a nagger wife.
Lumipas ang tatlong taon na puro awayan ang nagaganap sa amin. Bagama't nagkakaayos din kami ay tila unti-unting nasisira ang relasyon namin. Hindi mabilang kung ilang gamit ang nasira namin dahil sa pag-aawayan.
Limang taon na ang nakalipas ngunit hanggang ngayon ay tila amazona pa rin ang dati kong asawa. Hindi ko inaasahan na ibabato niya ang bote ng alak sa dingding. Mabuti na lang at soundproof ang opisina ko kung hindi ay baka narinig pa ito ni Sera.
Sa tuwing nakikita ko si Rykki, hindi ko maiwasang makaramdam ng galit para sa kanya. Sa pang-iiwan niya sa akin. Sa pagtalikod sa pangakong sinumpaan namin. Pero siguro nga may kasalanan din ako.
Nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo niya na tila may iniinda. Doon ko lang napagtanto na kailangan kong tumawag ng doktor. Bagama't ayaw ko nang makita at makasama ang dating asawa. Ina pa rin siya ng anak namin.
Kukunin ko na sana sa mesa ang cellphone ko nang biglang may nagbukas ng pintuan.
"Mommy! What's---"
"Matuto kang kumatok Sera,” sermon ko sa kanya.
Pero pumasok na siya at nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya nang makita ang basag na bote at nang inilibot niya ang paningin ay nakita niya ang walang malay na si Rykki.
"What did you do Daddy?!" galit na saad niya habang nagmamadaling lumapit sa kanyang ina.
"Mommy! Wake up!"
Nagtagis ang bagang ko nang tila inaakusahan ako ng sarili kong anak na may masama akong ginawa sa ina niya. Hindi lingid sa kaalaman ko na malaki ang tampo sa akin ni Sera. Alam kong ako ang sinisisi ni Sera sa pag-alis ng ina niya. Kaya nga mas lalo akong nagagalit sa kay Rykki. Pakiramdam ko siya ang may kasalanan sa tila pader na nakapagitan sa amin ng anak ko.
"For pete's sake Sera. I did not do anything wrong to your Mom!" sabi ko habang inuumpisahan idayal ang numero ng family doctor namin.
"Then explain to me bakit may basag na bote at bakit nakahiga at walang malay ang Mommy ko!" asik niya sa akin.
"Watch your tone, Lady!" galit ko nang saad sa kanya.
Nagbaba siya ng tingin nang umungol si Rykki. Agad niyang hinaplos ang pisngi ng ina, bakas ang pag-aalala sa mga mata.
"Mommy! Okay ka lang ba?" Bumangon naman si Rykki at kaagad siyang inalalayan ni Sera.
"I'm fine—hmp!”
Nagulat ako nang bigla na lang bumangon si Rykki at kaagad na nagtatakbo papunta sa banyo ng opisina ko. Sumunod ako nang mapansin na sinundan ni Sera ang ina niya. Naabutan kong himas-himas ni Sera ang likod ng dati kong asawa na patuloy pa rin sa pagsusuka.
At bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay nasabi ko na ang kung anong tumatakbo sa isip ko. "Are you pregnant?"
TBC