DAY 2
"Are you pregnant?"
Pakiramdam ko mas dumoble ang pagkahilo ko nang marinig ang sinabi ng dati kong asawa. Pero bago pa ako makasagot sa kanya ay muli na naman akong nasuka at sa pagkakataon na ito ay naramdaman ko ang unti-unting pagsakit ng ulo ko.
"Mommy, are you okay?"
Huminga ko nang malalim at pinigilan ang sarili kong masuka ulit. Nilingon ko si Sera na bakas ang pag-aalala sa inosente niyang mukha.
Nagpasalamat naman ako nang unti-unting humupa ang sakit ng ulo ko.
"I'm fine Sera, just a little bit sick." saad ko at nilingon ang dati kong asawa. "But to answer your Dads' nonsen—I mean your Dads' question. I. am. not. pregnant."
Kapag sumusuka buntis na? Hindi ba pwedeng may tumor lang sa utak at may time limit na ang life?
"I'll get you some medicine Mom. I suppose dahil sa migraine mo na naman 'yan," ani Sera at nagmamadaling lumabas ng banyo.
Habang ako naman ay dumiretso sa sink at inayos ang aking sarili. Nakatalikod ako kay Seth ngunit nakikita ko siya mula sa repleksyon sa salamin.
"Hindi ka ba talaga buntis?"
Huminga ako nang malalim at nakakuyom ang kamaong hinarap ko si Seth.
"Are you out of your mind?! Saan ba pumasok ang ideyang 'yan huh Seth? And did you really have to ask me if I am pregnant in front of Sera?" Nanginginig ang boses kong saad ngunit hindi dahil sa naiiyak ako kung hindi dahil sa nanggigil ako sa kanya.
"Why are you so mad? Anong masama sa tanong ko?" aniya na tila inosente.
Masama lalo pa at sa loob nang matagal na panahon...Nanatili akong walang karelasyon… You were my first and unfortunately my last. Kung alam ko lang pala na may deadline na ako 'e di sana nag-boyfriend man lang ako... Nang hindi isang diborsyada lang ang naging status ko...
"Wala. Walang masama sa sinabi mo. And I'm not mad. Anyway, don't worry. Naka-pills ako so it's impossible na mabuntis ako," Nakangiti kong saad.
Nawala ang ngisi sa labi ni Seth at matiim akong pinagmasdan.
If you really knew me Seth, you would figure out that I'm lying...
"Good to hear that. At least hindi ko na kailangang mag-alala pa sa magiging reaksyon ni Sera," Aniya at hindi ko alam kung bakit tila may kumurot sa puso ko.
Hindi na ako muling nagsalita at mabuti naman at lumabas na rin siya.
Dali-dali kong isinara at inilock ang pinto pagkatapos ay muli kong binuksan ang faucet at hinilamusan ang mukha ko.
I knew it, you don't know me anymore Seth... and I guess hindi na rin kita kilala pa...
••••
"Inaway ka ba ni Daddy?" Napahinto ako sa pagsuklay sa buhok ng anak ko nang marinig ko ang sinabi niya.
"Of course not, anak. Bakit mo naman tinanong 'yan?"
"Then, bakit may basag na baso sa office ni Daddy?" malungkot niyang saad.
Hindi naman ako nakapagsalita sa tanong niya at nanghihinang napaupo ako sa gilid ng kama niya.
"Come here, sweetie."
Inihiga ko ang ulo ng anak ko sa kandungan at marahang hinaplos ang buhok niya.
"Hindi ako inaway ng Daddy mo. Alam mo namang may pagka-amazona si Mommy ‘di ba? Kaya ako ang umaway kay Daddy mo."
Tiningala niya ako. "Then bakit mo siya inaway?"
"Sinabihan niya kasi kong tumaba eh." Ngumuso ako at ilang sandali lang ay natawa si Sera.
Tumigil siya sa pagtawa at hinaplos ang pisngi ko. "I don't believe you Mommy but if you really don't want to talk about it. It's fine. After all, I'm happy because you're here with me. I love you Mommy..."
"I love you too, sweetie. Always remember that."
Kung maibabalik ang panahon pipiliin ko pa rin na maikasal kay Seth kahit na naging failed ang marriage namin.
Dahil kay Sera. Siya ang pinakamagandang regalo sa akin.
Hinalikan ko ang noo ni Sera na nag-uumpisa nang pumikit ang mga mata.
"Mommy, pwede bang dumito ka na lang at huwag nang umalis?" pagkasabi noon ay tuluyan na siyang nakatulog.
Gusto kong manatili sa tabi mo Sera. Ayokong iwan ka. Gusto ko pang makita ang pagdadalaga mo. Gusto pa kitang makitang ikasal. Ang maalagaan ang mga apo ko sa 'yo. But I'm sorry sweetie... Mommy can't do it.
I'm not scared to death. I'm scared of leaving my daughter.
Kumibot ang mukha ng anak ko nang pumatak ang luha ko rito. Pinunasan ko ang pisngi niya at tinangkang buhatin siya para maihiga nang maayos sa kama niya pero sa laki ng anak ko muntik pa akong matumba. Iniisip ko pa kung gigisingin ko si Sera nang binuhat siya ni Seth na hindi ko namalayang pumasok sa kuwarto ng anak namin.
Tumayo ako at pinagmasdan si Seth na masuyong iniaayos ang pagkakahiga ni Sera makaraan ay hinalikan niya ito sa noo.
Seth is a good father. I will be gone soon but I'm sure that Seth will be there for our daughter... That's right Rykki... Stop worrying, hindi niya papabayaan ang anak ninyo.
"Masyado ng gabi para bumiyahe ka pa. Magpahatid ka na sa driver," malamig ang boses niyang saad sa akin. Nilagpasan niya ako at lumabas ng kuwarto ni Sera.
Nang matauhan sa sinabi niya ay nagmamadali ko siyang sinundan. "I already told you na gusto kong makasama si Sera!"
Tumigil ako sa paglalakad at matalim ang matang pinagmasdan niya ako. "And I also told you na hindi puwede! It's a no, Rykki! Hindi ka puwedeng tumira dito!"
Bakit? Dahil ba maraming magagalit?
Gusto kong sabihin pero alam ko na masasaktan lang ako sa isasagot niya.
"Tatlong buwan na lang Seth bago ang graduation ni Sera, kakaunting panahon lang ang hinihingi ko! Limang taon mo na siyang kasama! Pagbigyan mo naman ako!"
Umiling si Seth. "Desisyon ng korte yun Rykki. Don't you think may dahilan kung bakit ganon?" nang-uuyam niyang saad.
Kumuyom ang kamao ko dahil alam ko kung anong ibig niyang sabihin. Pinapamukha na naman niya sa akin na wala akong kakayahan. That I am not capable of taking care of our daughter. Gusto kong sabihin na ang estado lang sa buhay namin ang naging batayan ng korte. Dahil ako— ako ang laging kasama ni Sera habang lumalaki siya. Binuhos ko lahat ng pagmamahal ko rito habang siya ay subsob sa trabaho at pambababae niya.
Pero ayoko nang makipagtalo pa. Kasi pagod na ako. Pagod na pagod na.
Huminga ako nang malalim at nakikiusap ang matang pinagmasdan ko si Seth. "Please Seth, I just want to be with her. Hayaan mong tumira ko dito. I'll stay invisible to you. Hindi mo ko makikita. W-wala ring makakaalam na rito ko nakatira. Please Seth. This will be the last favor na hihingin ko sa 'yo."
"Bakit ngayon pa? Forget it. Call me whatever you want but I'm sorry I can't—"
"Daddy!"
Napahinto si Seth sa pagsasalita at maging ako ay nagulat nang maramdaman ang mahigpit na pagyakap sa akin ni Sera na ni hindi namin namalayan na lumabas sa kuwarto niya.
"Why can't you let my Mommy stay in here?! You are so cruel!" umiiyak at galit niyang saad kay Seth.
"Serafina, watch what you're saying!" sigaw ni Seth na mas lalong nagpaiyak kay Sera.
"Sera stop talking like that to your Dad!" saway ko kay Sera. Umiiyak pa rin ito habang pahigpit nang pahigpit ang yakap sa akin. Tila natatakot na umalis ako.
"I'm coming with you, Mommy. If Dad won't let y-you stay. Sasama ko sa 'yo! My, malaki na ako, I read that I can now choose kung kanino ko na gustong sumama—"
“Sera!” pagpipigil ko sa sinasabi niya nang masulyapan ang sakit sa mga mata ni Seth.
"Serafina! Go back to your room!"
"Sera listen to your Dad..."
Humihikbing humiwalay sa akin si Sera at naglakad patungo kay Seth. "Dad, I promise. I'll behave. I'll do everything you want me to do. I'll do well in my studies. You want me to be a Valedictorian, right? I'll make it happen. J-just please let Mommy stay with us...Please Dad. I'm s-sorry for being bad. I'll change Daddy..."
Lumambot ang ekspresyon ni Seth at niyakap nito si Sera. "Stop crying, cupcake. Fine. Your Mommy can stay here." pagkasabi niya sa huling linya ay sinamaan niya ako nang tingin.
TBC