"Arthus?"
Ngumiti ang binata nang tawagin s'ya ng matandang babae.
"Nay, kanina po, ang sabi ko....." Lumingon ang binata kay Calla na ngayon ay wala nang suot na mask at sombrero. "Pagbalik ko rito ay kasama ko na po ang matagal n'yo nang pinapangarap na makita."
Nanlaki ang mga mata ng mga taga-rito. Agad nitong tiningnan silang tatlo ngayong naglalaro na sa mga isipan ng mga ito na isa sa tatlong babae na narito ay si Calla.
"Magandang araw po sa inyo," wika ni Calla.
Mas lalong gumumhit ang gulat sa mga mukha ng mga taong narito nang magsalita at magtagalog s'ya. Ang dalawang matatanda at ang mga halos kaedad lang ng kaniyang mama ay kanina pa hindi naalis ang mga paningin nito sa kaniya.
*"Are they seeing mama in me? I have the biggest resemblance on her."* sambit ni Calla sa sarili.
"Magandang-araw naman po sa iyo, hija. Ano ang pangalan mo?" Nakangiting sabi ng matandang babae.
"Alam mo habang nakatingin ako sa 'yo, may nakikita akong kakilala ko," saad naman ng babaeng sa tingin n'ya ay hindi nalalayo ang edad sa mama n'ya.
*"She's probably mama's older sister."*
"Tama sila...." Saad naman ng matandang lalake.
Ang kabang kanina pa nabubuhay sa kaniyang dibdib ay mas lalong lumakas. Tumingin s'ya sa kaniyang mga kaibigan at nakangiti itong nakatingin sa kaniya.
Naramdaman naman n'ya ang pagmasahe ni Arthus sa kaniyang kamay.
"Ako po.....ako po si Calla.....Calla Vasquez."
Kinakabahan n'yang sabi.
On the other hand, the ones she was facing coudn't really tell she was nervous because she doesn't look like one. She still is looking the strict and the princess Calla the world knows.
Napatigil silang lahat nang umiyak ang matandang babae. Naglakad ito palapit sa kaniya at lumuhod sa kaniyang harapan.
"Nay!"
"Ma!"
"Koring!"
Sabay-sabay na sigaw ng mga narito dahil sa gulat.
Calla was startled with that happened. She immediately held the old woman and assited her to stand up.
"You don't have to kneel down, nay," aniya rito.
Nanlaki ang kaniyang mata nang bigla s'yang yakapin ng matanda.
"Ma," sambit ng isang babae at hinimas ang likod ng matanda dahil sa sobrang iyak nito.
"Ang tagal-tagal kong naghintay na makita ka, apo. Ang tagal-tagal." Umiiyak na sambit nito.
Tumulo ang luha ng dalaga dahil sa sinabi ng matanda. Bumitaw ang matanda sa pagkakayakap sa kaniya at tumingala upang tingnan s'ya sa mga mata.
"Napakaganda mo." Nakangiting saad nito kasabay ng pagtulo ng mga luha nito.
"Ma, bitawan mo muna ang bata," saad ng isang babae. Natawa naman ng mahina ang matanda at mukhang nahihiyang bumitaw sa kaniya.
"Pasensya ka na, hija. Na-excite lang kasi si mama na makita ka," nakangiting saad naman ng isa pang babae.
She remembered her mom once mentioned she has 3 sisters. Among them, she's the third daughter and has 1 brother, the youngest.
"Ikaw ba ang anak ni Veronica?" Pagtatanong ng matandang lalake.
She nodded. "Opo," she answered.
"Ikaw na nga...." Umiiyak na saad ng matandang babae.
"Ilang taon ka na, hija?" Nakangiting tanong naman ng isang babae.
"25 po," sagot n'ya.
"Alam mo ba na halos 30 years na naming hindi nakikita ang mama mo?" Malungkot na saad ng matandang babae
"Lima kaming magkakapatid, ako ang panganay ako ang iyong tita Jocelyn." Pagpapakilala ng may edad na babae.
"Ako naman ang pangalawa at ang sinundan ng mama mo, ako si Everlita." Itinuro nito ang isang babae na nakangiting nakatingn sa kaniya, "iyan ang iyong tiyahin na sumunod sa mama mo, siya si Adela at may kapatid kaming lalake ang bunso sa aming magkakapatid nasa Manila, isa na s'yang engineer." Dagdag pa nito.
"Nagpunta po ako rito nang hindi po alam ni mama. Hindi po kasi n'ya ako papayagan kapag nagpaalam po ako sa kaniya," aniya sa mga ito.
Nagkatinginan ang mga kapatid ng kaniyang mama at malungkot na nakangiting tumingin sa kaniya.
"Hindi naman po kami nagugulat," sagot ni Jocelyn. Malungkot ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya.
"Wala pong nasabi sa akin si mama tungkol po sa inyo. She would never let me ask anything about you," sabi n'ya sa mga ito.
She wants to understand where is the anger of her mother came from. Her mother loathed her family in this country and she hate them so much to stay away and not showing herself for almost 30 years despite of the life she has now.
"Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako napapatawad ng anak ko." Naiyak ang matandang mag-asawa sa sinabi ng matandang babae.
Napalunok si Calla habang nakatingin sa mga ito. Kitang-kita n'ya mula sa kaniyang peripheral view ang tahimik na nakikinig n'yang mga kaibigan at maging ang binata na nakaupo sa kaniyang tabi.
"Isang araw, noong sa squatter area sa Manila pa kami nakatira." Napatingin si Calla sa nagpakilalang si Everlita nang magsalita ito. "Nasunog ang buong lugar at kasama na ang bahay namin. Natupok ang buong lugar at walang natira sa amin."
"Mabilis na kumalat ang apoy," dagdag naman ni Adela. " Kinse pa lang si Veronica noong mga panahon na 'yon. Iniligtas n'ya ang bunso namin na limang taon nung panahong 'yon. Kaming tatlo lang nasa bahay noon dahil si Ate Jocelyn at Everlita ay kasama sina nanay at tatay na nangunguha ng basura na maibebenta."
Tahimik na nakikinig si Calla sa bawat kwento ng mga taga-rito. Hindi n'ya akalain na ganun kahirap ang buhay ng kamag-anak ng kaniyan mama. Her mom came from the so-called poorest of the poor kind of family.
No wonder why her mom would trade everything and the world to stay in the power.
"Huli na nang napansin kong nasusunog ang bahay namin dahil natutulog ako. Ginising pa ako ng mama mo nun." Mahinang natawa si Adela sa gitna ng pagkukwento. "Sakto naman na dumating sina ate Jocelyn at Everlita pero hindi na sila makapasok dahil sa lakas ng apoy."
Mas lalong nabuhay ang curiousity ni Calla na mas maintindihan kung saan nanggaling ang galit ng mommy n'ya sa pamilya nito. Her mom struggled to hold the power and never let it slide in her hand.