Hindi na s'ya sumagot sa sinabi ni Arthus hanggang sa nakita nila ang kaniyang mga kaibigan at maging ang kanilang driver na naghihintay sa kanila sa dulo ng daan.
"What are you guys doing here?" Tanong n'ya sa mga ito.
"Te estamos esperando. No podemos ir allí sin ti, podrían confundir quiénes somos." *(We are waiting for you. We can't go there without you, they might get confuse who we are.)* sagot ni Natasha. Tinanguan n'ya ang kaibigan saka tiningnan ang tahimik na driver nila.
"Pumunta po ako sa bandang iyon, Ma'am Calla. Nakita ko po ang number na nakasulat sa ibinigay ninyo sa akin na papel. Malapit na lang naman po tayo," sambit ng kanilang driver.
Naramdaman ni Calla ang paghigpit ng pagkakahawak ni Arthus sa kamay n'ya. Tiningnan n'ya ang binata pero hindi ito nakatingin sa kaniya at nakatingin ito sa malayo. Seryosong-seryoso ang mga mata nito.
Ibinalik n'ya ang paningin sa kanilang driver pero ang nakangising sina Natasha at Irene ang mas nakakuha ng kaniyang atensyon. The two were freak-ing smiling looking at her and the hands of her with Arthus.
She gulped and tried to take her hand back but Arthus hold it even more tighter.
"Shall we go there?" Nakangising sambi ni Irene.
Tumango ang kanilang driver at agad nitong itinuro sa kanila ang daan. Walang imik si Arthus habang at naglalakad lang ito sa kaniyang tabi nang hindi binibitawan ang kaniyang kamay.
"Now I understand why Calla bought us this clothes and asked us to wear this." Dinig n'yang sabi ni Natasha na sinang-ayunan ni Irene.
Bumili s'ya ng halos magkakatulad na damit para sa kanilang tatlo. They can't go there wearing their signature dresses for according to her research. Wearing those kind of clothes might just get the attention of the people.
Now, they're wearing a simple shirt, a jeans and a sneakers. She's also not wearing any make up but just letting Natasha and Irene to have it. It's not illegal. She just doesn't want too much attention to be given to them while walking at this side walk.
"It actually kind off feeling weird wearing sneaker and no heels." Natatawang sabi naman ni Irene.
"De hecho, no esperaba que la Reina viviera en este tipo de lugar hace mucho tiempo." *(I actually didn't expect the Queen to be living in this kind of place way back.)* Dinig n'yang sabi ni Natasha.
Calla laughed. Natasha and Irene was used to talked sh*t about the royals for they were aware what the royal members are doing to her. Even her own parents and speacially now that the most unexpected thing to happen in the House of Vazquez just happened.
Anothe royal member face will be plastered in the face of the world's telivision anytime. In the internet and all.
"Nandito na po tayo."
Muling nabuhay ang kaba sa dibdib ni Calla nang marinig ang sinabi ng kasama nilang driver. Nakalimutan n'ya ang pangalan nito kaya hindi n'ya ito tinatawag.
"Oy. Pogi!"
Sabay silang lahat na napalingon nang marinig ang boses na iyon mula sa gilid ng bahay na kung saan sila nakaharap.
Nakita ni Calla ang isang batang lalake na may malawak na ngising nakatingin kay Arthus. Sa tingin n'ya ay nasa apat o limang taong-gulang ang bata.
"Nasaan ang lola at lolo mo, lakas?"
Napatingin si Calla kay Arthus nang magsalita ito. Kilala nito ang bata at kilala rin ito ng bata. So, he indeed went here.
*"I wonder if this was the first time her went here."* aniya sa sarili.
Nilingon ni Calla ang mga kaibigan at nakita n'yang nakatuon sa bata ang mga mata ng dalawa.
"Nasa loob po, pogi," nakangising sagot naman ng bata. "Ang dami mo namang chix ,pogi." Natawa pa nitong dagdag.
Narinig ni Calla ang pagtawa ni Arthus. "Maaari po bang sabihin sa lolo at lola mo na narito ako?"
Agad na tumango ang bata at saka tumakbo papasok sa loob ng bahay.
It was a two-storey house. Not as huge as the House of Vasquez, doesn't have the privilege that the palace has but the people in this place has that wide smile on their faces.
"Ilang beses ka nang nagpunta rito?" Tanong ni Calla kay Arthus nang mawala na sa paningin nila ang bata.
"Pangatlo ito ngayon." Nakangiting sagot ng binata. Napa-iling ang dalaga.
"Ma'am Calla, hihintayin ko na lang po kayo sa sasakyan." Dinig n'yang sabi ng driver kaya nilingon n'ya ito.
"Sige, salamat," aniya rito. Isang malawaka na ngiti ang sumilay sa mukha ng kanilang driver bago sila nito iniwan.
"Sa akin ka na sasakay mamaya pabalik ng Manila," biglang sambit ni Arthus.
Kinunutan n'ya ng tingin ang binata at akmang pagsasabihan n'ya ito nang biglang may narinig s'yang mga boses na nagmumula sa loob ng bahay.
"Nasaan si pogi?!"
"Sino ang kaniyang mga kasama?"
"Kasama na ba n'ya ang aking apo? Bakit ang bilis n'yang nakabalik?"
Iilan lamang iyon sa mga narinig at naintindihan ni Calla. Umawang ang kaniyang bibig nang may lumabas na dalawang matanda at dalawang may edad na. Sa tingin n'ya ay hindi nalalayo ang edad ng kaniyang mama sa dalawang mas bata na narito.
"Arthus, anak. Nakabalik ka kaagad at may mga kasama ka." Nakangiting sabi ng matandang lalake.
Napatingin si Calla sa mga kaibigan na nakatingin din sa kan'ya. Ang dalawa na hindi nakaka-intindi ng tagalog ay pawang mukhang nawawala.
"Nosotras no podemos entender nada." *(We can't understand anything.)* nakangiwing sabi ni Natasha.
"lo explicaré más tarde." *(I will explain later.)* aniya rito ngunit umiling si Irene at ipinakita ang cellphone nito.
Napa-smirk na lang s'ya nang makitang naka-set ang cellphone nito sa translator microphone. Nanlaki ang mga mata ni Natasha kaya natawa si Irene.
"Mierda! ¡Me olvide de eso!" *(Sh!t! I forgot about that!")* mabilis na ginaya ni Natasha ang ginawa ni Irene.
"Hali kayo, pumasok muna kayo," nakangiting wika ng matandang babae.
Tumingin si Calla kay Arthus nang tingnan s'ya ng binata. Nakangiti itong nakatingin sa kaniya. Inilapit ng binata ang bibig nito sa kaniyang tainga at saka bumulong. "That's your lola and lolo."