Nagising si Arthus na walang nakakapa sa kaniyang tabi. Kumaripas s'ya ng bangon at agad na iginala ang paningin sa kaniyang silid. Pinuntahan n'ya ang cr at walan ring tao sa loob.
Hindi alintana ang pagiging wala n'yang kahit na anong suot sa katawan, nilibot n'ya ang buong bahay n'ya at nang hindi n'ya makita ang hinahanap n'ya ay napatigil s'ya. Umigting ang mga panga ng binata at laglag ang balikat na bumalik sa loob ng kaniyang silid.
Wala na rin s'yang nakita na damit pangbabae sa loob ng bahay kaya alam n'ya na kung ano ang ibig sabihin no'n. Umalis ito at hindi nagsabi sa kaniya. Pagak na natawa ang binata na dumiretso sa banyo. Natatawa s'yang isipin na sa buong buhay n'ya ay ngayon pa lang nangyari na babae ang tumakbo palayo sa kaniya.
What the f uck!
"Calla Vasquez...." He murmured. Napapikit si Arthus nang bigla na lang nag-iba ang kaniyang pakiramdam nang banggitin n'ya ang pangalan ng dalaga.
Diniinan n'ya ang kaniyang kamay sa dingding ng shower nang biglang magpakita ang mukha ng dalaga sa kaniyang isipan nang pumikit s'ya. Malakas ang daloy ng tubig sa shower ngunit biglang nag-init ang kaniyang katawan. Hindi na naiwasan ni Arthus ang sarili at tinulungan ang sariling makaahon sa init na naramdaman n'ya dahil lang sa isang pangalan.
Nang matapos maligo ay agad s'yang nagbihis at hindi kagaya ng araw-araw na ginagawa n'ya pagkagising na magluluto at maglilinis muna s'ya bago umalis. Pero ngayon ay nagmamadali s'yang umalis bitbit ang susi ng sasakyan at maging ang kaniyang pitaka.
"Hijo, bakit ka naman nagmamadali?"
Napatigil si Arthus sa pagpasok sa driver's seat ng sasakyan nang marinig ang boses ng kinikilala n'yang nanay dito. Ang kaniyang land lady.
"Nay. Magandang umaga po sa inyo." Yumuko ang binata at ngumiti nang batiin ang matanda.
"Maaga ka yata ngayon. At bakit ka ba nagmamadali na tila may hinahabol ka?"
Medyo kumunot ang noo ng binata habang nakaharap sa may malawak na ngiting matanda sa mukha nito habang nakikipag-usap sa kaniya. Agad na nawala ang kaniyang ngiti sa mukha nang may maisip na possibleng nangyari.
*"Tama!"* aniya sa isip.
"Nay, kanina ka pa rito, hindi ba?" Mabilis namang tumango ang matanda. "May nakita po ba kayong ----"
"Maganda? Napakagandang babae ba ang tinutukoy mo?" Nakangising sabi pa nito.
Umawang ang bibig ni Arthus dahil alam n'yang ang babaeng tinutukoy n'ya ang ang sinasabi rin ng matanda. "Opo. Matangkad at maputi." *"And hot"*
"Kanina pagdating ko rito ay nakita ko s'yang nakatayo roon sa may gate. Ang sabi n'ya ay galing s'ya sa isang kaibigan na nakatira sa isa sa mga unit dito. Nalaman ko na isa s'yang banyaga dahil kahit na marunong itong magtagalog ay halata pa rin sa tono nito ang pagiging banyaga. Sino ba 'yon?" Mahabang saad ng matanda. Humakbang ito palapit sa kaniya at binigyan s'ya ng nakakalokong ngiti. "Kasintahan mo ba ang magandang babaeng 'yon?"
"Bagay po ba kami, nay?" Tanong pa n'ya rito at nagulat naman s'ya nang bigla itong pumalakpak.
"Ay naku!" Pumalakpak ito ng malakas. "Salamat diyos ko! Alam mo ba na sinabi ko sa kaniya na may gwapo akong tenant dito? Ikaw ang tinutukoy ko kaya lang mukhang hindi naman s'ya interesado sa 'yo, anak." Humaba ang nguso ng matanda kaya nalaglag ang balikat ni Arthus sa narinig.
Hindi makapaniwalang tiningnan ni Arthus ang matanda ng mas malalim. "Bakit naman po?" Kumunot din ang kaniyang noo.
"Nung sinabihan ko kasi s'ya na may gwapo akong tenant hindi n'ya pinansin. May magarang sasakyan din na sumundo sa kaniya. Baka iyon na ang kaniyang kasintahan."
Umigting ang panga ni Arthus sa narinig. Noong nakita n'ya si Calla sa loob ng bar ay wala s'yang nakita na may kasama itong lalake. Aalamin n'ya kung nasaan ang dalaga.
"Nay, kailangan ko nang umalis. Maiwan ko na po kayo, salamat."
Hindi n'ya na hinintay na sumagot sa kaniya ang matanda. Mabilis s'yang pumasok sa loob ng sasakyan at agad na binuhay na makina nito. At habang nasa byahe, habang nagda-drive ay tinawagan n'ya ang kaibigan na si Lance.
("Just make sure it is something worthy.") Paos na sabi nito sa kabilang linya nang sagutin nito ang tawag.
Seryoso ang mukha ni Arthus habang ang dalawang kamay ay nasa manibela. Nakatuon ang kaniyang mga mata sa daan habang ang kaniyang isip ay hindi maiwaksi rito ang magandang mukha ni Calla.
"I am on my way there to your place," diretsong sabi n'ya at kahit na hindi n'ya nakikita, alam n'yang hindi na kayang i-drawing ng kahit na sinong artist ang hitsura nito ngayon.
("What the hell? Why are you even coming over?") Ramdam ni Arthus ang inis mula sa boses ng kaibigan kaya mahinang natawa lamang s'ya.
"I am in less than kilometre away," aniya pa.
("F uck you, Russo! F uck you!")
Umiling si Arthus dahil sa inis at tinis ng boses nito mula sa kabilang linya. Hindi n'ya pwedeng palampasin ang oras. He can't let Calla gets vanished just like that. Ngayon pa lang. Ngayon pa lang nangyari na nakuha ng babae ang kanyang atensyon.
At his very first glance, he knew for fact that Calla is not an ordinary woman. Her posture, her movement, her everything. She worth everything in the world.
Agad na lumabas ng sasakyan si Arthus nang makarating sa tapat ng bahay ni Lance. Among the four of them, s'ya lang ang walang bahay at masaya s'ya sa ginawa n'ya dahil hindi pwedeng pumunta ang mga kaibigan n'ya sa bahay n'ya.
He doesn't need to feed them. He don't regret about it. Pinindut n'ya ang door bell pero akmang pipindutin n'ya ito sa pangatlong beses nang bumukas ang maliit na gate.
"Balak mo bang sirain ang door bell ko? Siguraduin mo lang na babayaran mo 'yan." Masungit na salubong sa kaniya ng bagong gising na si Lance.
Naningkit naman agad ang mga mata ni Arthus. "Did you wait for me?" Nakangising tanong n'ya rito.
Pero imbis na sagutin ang tanong ay isang matulis na tingin ang ibinigay nito sa kaniya. Arthus laughed that made Lance even more annoyed. "Don't you want to get in? Please. I am still sleepy as f uck!"
"What are you.....a girl?" Asar pa ni Arthus dito. "Hey!" At mabuti na lang mabilis ang kaniyang reflexes at napigilan n'ya ang pagsara ng kaibigan ng gate na 'to.
Natatawa si Arthus na lumingon sa sasakyan bago pumasok sa loob ng bahay ng kaibigan. Hindi n'ya na ito pinasok sa loob ng gate dahil mukhang wala namang balak si ang kaibigan n'ya na pagbuksan ang malaking gate.
"Why the hell did you come here, Russo?" Nakataas ang kilay nitong tanong sa kaniya.
Tumaas din naman ang kilay ni Arthus nang makita ang posisyon ng kaibigan. Nakaupo ito sa sofa habang nakataas ang dalawang paa sa mesa at may hawak na kape.
"Where's my coffee?" Kunot-noong tanong n'ya rito.
"Did you even have a stock of coffee in here? If you do, help yourself but if you have nothing then sit the f ucking down and tell me the reason why you f ucking just disturb my f ucking sleep?" Walang prenong sabi nito.
Pero dahil ang bahay ng kaniyang mga kaibigan ay bahay n'ya na rin. Dumiretso s'ya sa kusina at nagtimpla ng kape. Wala naman na s'yang narinig sa kaibigan na reklamo. Nagkibit-balikat si Arthus na bumalik sa sala bitbit ang tinimpla nitong kape.
"What is that?" Turo n'ya sa papel at ballpen na nasa mesa.
"Papel at ballpen." Sarkastikong sagot naman ng huli.
"That is not what I mean, idiot." Masungit naman na bawi nito sa kaibigan.
"Listahan ng utang mo 'yan sa 'kin." Muntik nang mabulunan si Arthus sa narinig. "Ano na ang kailangan mo pata makabalik na ako sa pagtulog."
Sumeryoso ang mukha ni Arthus at napansin iyon ni Lance kaya umayos ito ng upo. "I need to find someone."
Kumunot ang noo ni Lance ngunit sumeryoso na rin ang mga mata at ang mukha nito.
"Important?" Pagtatanong ni Lance.
Sumimsim si Arthus sa kape bago sinagot ang tanong ng kaibigan. "Very important..."