Chapter 10: Hot Seat

671 Words
"O, bakit bihis na bihis ka? May pupuntahan ka?" ang pag-uusisa ni Mama nang makita ako. "Opo. Kasama ko sila Cassie, Zia, Evo and tsaka yung iba pa naming kaibigan. Bale, sampu kami" "Sige, pero mag-iingat ka,ha? Baka mapagtripan ka ng mga adik diyan sa labas." ang bilin niya. Tumango lang ako. "Dadalhin mo ba yung sasakyan?" "Hindi na po. Magtataxi na lang ako pauwi o kaya baka ihatid din ako nila Cassie. Susunduin nga pala nila ako. ang pagpapaliwanag ko, baka kasi magpakahysterical na naman si Mama sa pagco-commute ko ng gabi. May bumisina sa harap ng bahay kaya agad akong nagpaalam kay Mama at lumabas ng gate. Nakita ko ang kotse ni Cassie na nakapark sa harap ng gate namin. Bumaba ang bintana ng pintuan ng front passenger's seat at kaagad kong naaninag ang pulang-pulang pouty lips ni Cassie na halos ay makipagkompetensya sa isdang lapu-lapu. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Kinindatan ko siya nang ilapat niya muli ang tingin sa aking mukha. "Hop in!" Sumakay ako sa kotse niya, katabi ko si Zia na hindi papatalo sa pagpapaganda. Binati ko siya agad nang makaayos ako ng upo. "Ang yummy mo naman ngayon, Stefan" "Pwede na rin" ang kaagad na komento ni Cassie sa papuri ni Zia. Hindi ko alam kung bakit ako ang napag-iinitan niya ngayon pero alam ko namang nature niya ang pagiging maldita; madalas ay hinahayaan ko na lang siya at madalas ay nakakahanap ako ng mga pambanat para sa kanya. "Oh, come on Cassie. Stop pouting your lips then. Kahit na anong gawin mo; I won't kiss you" áng naging tugon ko sa kanya. Nagulat siya at napatingin sa akin samantalang si Zia naman ay natawa. "Nice one, Stefan; you got her" Napangiti ako sa mumunting tagumpay ko ngayon. Hindi nagtagal ay nakarating kami sa isang kilalang bar. "Nasa loob na silang lahat; tayo na lang ang kulang" si Zia. Pumasok kami ng bar. Parang modelo ang mga kasama kong babae kung lumakad kaya naman naka-agaw sila ng pansin. Maraming nadis-appoint nang makita nila na umangkla si Zia sa braso ko. Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang pag-agaw namin ng atensyon ng ibang customer.Good music filled my ears. Pinapatugtug ngayon ang Where Have You Been ni Rihanna. Swak na sawak yun para sa dalawa kong kasama. Medyo nahirapan kami sa paghanap sa mga kasamahan namin dahil sa dami ng tao. It's eleven in the evening and I consumed just three bottles of beer. I turned down at least nine people who want to dance with me. Tahimik lang ako ngayon at nakikinig lang sa usapan ng mga kaibigan ko. Nagunguna sila Cassie at Zia sa pakikipagdaldalan tungkol sa kung anu-anong bagay. Kasama namin si Evo pero hindi ko alam kung bakit parang walang pagkakataon na magbond kami. Madalas kasi ay nakikipagsayaw siya o kaya naman nakikipagkwentuhan o nakikipagflirt sa kung sino-sinong nilalang sa bar na yun. "Lasing ka na ata, Stefan" si Evo. Napalingon ako sa kanya samantalang ang lahat ay nabaling ang atensyon sa akin. Ang gwapo niya talaga ngayon; as usual naman eh. "Magsalita ka naman kahit mura" "f**k! s**t!" ang pagmumura ko. Natawa ang lahat nang gawin ko ang sinabi ni Evo. Sa unang pagkakataon ay nahotseat ako ng barkada; salamat sa pinakamamahal kong si Evo, nasira ang plano kong magpaka-invisible sa buong gabi. "Bakit ba ang tahimik mo?" ang tanong ni Red. "Stress lang siguro" "Anong klaseng stress yan? Stress sa puso? "Sa utak" ang mabilis kong tugon. "Kamusta na pala kayo ni Grace?" "Wala na kami nun. Three months na. Nakipagbreak siya sa akin" "Huh? Bakit naman? Anong rason?" "Well, I'm too studious according to her" ang tugon ko. Ganun ang mga past relationship ko. Iniiwan ako sa mga simpleng bagay; mapababae man o lalake. Mahirap talagang i-please ang tao. Gusto nila ng perpekto. "Ano ba yan? Too studious, too smug, too Brazilian-looking, too tall, too "modelly" , too giving" si Zia. "Ang aarte naman ng mga ex mo. Ayaw ng matalinong pang Mr. United Nations ang itsura. Mga nakadrugs ata yang mga babae mo!" Napakibit-balikat na lang ako at ngumiti. "Don't worry, Stefan, You'll find someone better." si Evo. 443@_1
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD