Chapter 11: Stake

596 Words
Napangiti ako sa sinabi niya. Sana siya na lang yung someone better na sinasabi niya. "Hindi problema sayo ang mga ganyan. You can get anyone you want" "Are you sure with that, Evo?"ang tanong ni Cassie. Tumango naman si Evo. "Anyone?" "Yehp, anyone" ang tugon ni Evo. "Look at him" Tinignan ako ni Cassie. Muli niyang binaling ang atensyon kay Evo. "I doubt that, Evo" "Wanna bet, Cassandra?" ang hamon ko kay Cassie. Napatingin silang lahat sa akin. Nagsimula silang maghiyawan sa nagaganap na tension sa pagitan naming tatlo. "Are you sure with that, Stefano? Cause I always win" ang toxic na sinabi sa akin ni Cassie. Pabiro niyang sinabi sa akin pero batid kong seryoso siya; ayaw na ayaw niyang natatalo. "That is not the right question, Cassie." ang nakangiting tugon ko sa kanya. Our friends started to cheer. Nakaka-agaw na kami ng atensyon ng mga taong malapit sa table namin. "If that is the case, then. Wala nang bawian" "Game. Tomorrow magkakagirlfriend agad ako" "My terms,Stefano" "Shoot" "Darren Chua" ang sabi niya. Natigilan ako ng sinambit niya ang pangalan ng alien na yun. Napatingin ang lahat sa kanya. Hindi siya natinag sa mga nagtatanong na tingin bagkus ay ngumiti siya ng matamis. Nanlaki ang mga mata ko sa ngiting yun; nagkakaclue ako sa gusto niyang mangyari. Nagtitigan kami. "Pardon" ang sabi ko. Kailangan kong mapalinawagan. "Simple lang. Para mapatunayan mo sa amin na talagang kaya mong makuha ang kahit sino. Make Darren Chua your lover" napanganga ako sa mga sinabi niya. Sa dami-dami ng tao, bakit siya pa? Kakayanin ko kaya? Hindi yun ang tanong. Tatanggapin ko ba ang hamon ni Cassie? Nakatuon na ang atensyon sa akin ng lahat ng aking mga kaibigan. Pati sila ay hindi makapaniwala sa gustong ipagawa sa akin ni Cassie. Daig pa nito ang nakakamatay na hazing para lang makasali sa isang fraternity. "That's impossible, Cassie" si Red. "Lalake si Darren at lalake rin si Stefan." "That's the point. Yun yung challenge. Paano ba yan Stefan, hindi pa nagsisimula, talo ka na" ang pang-iinis ni Cassie sa akin. Tumawa siya:the evil witchy laugh. "1000 bucks: he'll ask me out, another 1,000: he'll say that he loves me" ang sinabi ko. Naghiyawan ulit ang mga kaibigan namin sa pagtanggap ko sa hamon. "I'm not done yet. Another 1,000 bucks: we'll become lovers" Mas lalong Lumakas ang hiyawan nila na nakaka-attract ng atensyon ng iba pero wala kaming pakialam dahil sa init ng tension na nagaganap. "2000 bucks: We will passionately KISS" Parang tangang naghihiyawan ang mga kaibigan namin. Hindi naman makapaniwala ang iba sa mga sinabi ko; napatakip ng labi si Zia. "And if you lose, Stefan?" ang mahinahong tanong ni Cassie. "Ano bang gusto mo?" "Maging Personal Alalay ko for one sem" ang nakangiti niyang tugon. "Deal" "This is serious,Stefan. We have our friends; sila ang witness sa pustahan natin. I can't wait for you to wear your PA uniform. I guess pink looks good on you" ang huling panunukso ni Cassie. "Alam ko nang matagal mo na akong gustong masolo. Do your best but you won't get me" ang pagsakay ko sa panunukso niya. Pagkatapos ng pustahan namin ay Bumalik kami sa dati. Nakikipagsayawan na silang lahat samantalang solo flight naman ako sa pagtungga ng beer. Nagulat ako ng tumabi si Evo sa akin. "Seryoso ka ba sa pustahan niyo ni Cassie?" ang tanong niya sa akin. "Yeah. Wala naman na akong choice, di ba? You know Cassie" "Kaya mo ba? Mahirap yung hamon niya. Mabuti naman kung bading yun." "Ewan. Bahala na" napabuntong-hininga ako. Paano ko gagawin? Lalo na't kumukulo ang dugo ko sa lalakeng yun. "Paano kung ma-inlove ka sa kanya ng tuluyan?" "Posible ba yun?" "Oo naman. We may never know. Love works in mysterious ways" "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD