Chapter 9: Brother

669 Words
"Sama ka na lang muna sa amin mamaya. Magbabar-hopping kami" ang pag-iinbita ni Cassie sa akin. Alam kong hindi ako makakatanggi lalo na kapag siya ang nag-imbita. Kung ano-ano na namang pang-ookray ang maririnig ko mula sa kanya kung hindi ako sasama. "Sige, pero dadaan mun ako sa bahay , magpapaalam kay Mama at magpapalit para naman hindi ako kahiya-hiya sa pupuntahan natin" ang tugon ko na may pagkasarkastiko. Hindi naramdaman ni Cassie na siya ang pinapatamaan ko kaya sumang-ayon siya at tumugon ng "Oo nga" Mabilis na natapos ang araw, Malaki ang pasasalamat ko dahil hindi nagkrus ang landas namin ni Darren. Mas lalo akong na-excite sa pagbabarhopping namin dahil nalaman ko na kasama si Evo and the rest of the gang. Nagpaalam muna ako kila Cassie at Zia. Naglalakad na ako sa loob ng village nang madaanan ko ang bahay na tinutuluyan ni Darren. Lumabas ng bahay si Kuya Louie. Sa tuwing lalabas siya ng bahay ay nakasuot siya ng Amerikana, Nagtratrabaho kasi siya sa isang kumpanya and mataas ang position niya roon. Natigilan siya sa pagpasok sa kanyang kotse nang makita ako. "Stefano, pauwi ka na?' "Hindi pa Kuya. Dadaan lang ako sa bahay para magbihis" ang nakangiti kong tugon. Ngumiti siya pabalik. "Mukhang may lakad ka,ha! Hinay-hinay lang sa chicks. Chickboy ka ata eh" ang biro niya sa akin. Kung alam lang niya na chickboy talaga ako. Kalahating chick; kalahating boy. "Ako pa Kuya." ang pagsakay ko sa biro niya. "Anyways, may bago kang housemate?" "Si Darren. Nagkakilala na kayo ng kapatid ko?" ang tanong niya. Nagulat ako sa impormasyong yun. Hindi ko alam na may kapatid siya. Chua kasi ang apelyido ni Darren samantalang Atienza naman ang sa kanya. Magulo pero ayaw ko nang mag-usisa. Alam kong may mga bagay na hindi na pinapakialaman lalo na kung tungkol sa pamilya. "Hindi pa, Kuya Louie. Nabalitaan ko lang" ang pagsisinungaling ko. Ayaw ko lang malaman ni Kuya Louie na hindi kami magkasundo ni Darren at mainit ang dugo ko sa kapatid niyang alien. Kaya naman pala magkahawig silang dalawa. Mabait sa akin si Kuya Louie; ewan ko lang dun sa kapatid niya na feeling close sa akin. "Ay, ganun ba? He's studying in the same University" "Opo, He's an engineering student" ang pagkadulas ko sa maliit na impormasyon na maaring magpabuking sa akin. "Yeah, how did you know that? Akala ko ba hindi mo pa siya nakikilala?" ang pag-uusisa niya muli. "Hindi nga. He actually knows how to establish a name immediately. Naging Team Captain with just one night. Talk of the town kasi siya sa campus" ang pagpapaliwanag ko. "Ganun ba? Sana magkakilala kayo ng personal ni Darren. I'm sure magiging close kayo" ang masaya niyang paghiling sa bagay na nangyari na at sa isa pang bagay na hinding-hindi mangyayari. Ako at yung alien na yun, magbuddy-buddy? I could just imagine! Hinding-hindi kami magiging magkaibigan! "Cause a part of you wants more than that" ang banat ng ikalawa kong pagkatao. "Asa ka! Bwisit nga ako sa kanya, hindi ba?" ang sumbat ko sa aking sarili. "Pero nalove-at-first-sight ka nung nakita mo yung pagsesenti mode niya" natameme ako sa kaisipang yun. May gusto nga ba ako sa kanya? Pero si Evo at si Evo lang ang matagal ko nang inaasam. Kahit na suntok sa buwan na maging kami; si Evo at si Evo lang talaga. Natigil ang pakikipag-usap ko sa aking sarili nang muling nagsalita ang gwapong-gwapo na si Kuya Louie. "Sige, mauna ana ako at baka malate ka pa sa lakad mo. Dumaan ka na lang dito sa bahay one of these days kung hindi ka busy para mapakilala kita sa utol ko." "Sige, Kuya Louie. Ingat na lang sa pamamaneho" ang huling sinabi ko sa kanya bago niya Pinaandar ang kotse. Kaagad naman akong nakarating ng bahay. Dumeretso ako ng kuwarto at naghanda. Naligo agad ako at ngayon ay sinusuri ang mga damit sa aking aparador. Binato ko sa kama ang mga napili kong isuot at kaagad na nagbihis. Lumabas ako ng kuwarto para hanapin si Mama sa buong bahay. Natagpuan ko siya sa bakuran at nagtatanim na naman ng kung anu-anong halaman. ,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD