Chapter 8: Insist

725 Words
Sinuri ko ang nakapaskil at tinignan ang schedule ng photo exhibit. Naramdaman kong parang biglang nawala ang mga tao sa paligid ko ngunit hindi ko na pinansin ang mga mumunting bagay katulad nun. Para akong binuhusan ng tubig nang may marinig na pamilyar na boses. "Hey, tiger" ang bati niya sa akin, napalingon ako sa aking likod at napakunot ang noo sa aking nakita. Siya yung sa village namin na sinamahan ko sa pag-eemo niya. "Ikaw?" "We meet again, Tiger" "Stop calling me that" "Anyway, Darren Chua" sabay abot sa kamay niya; tinitigan ko lang yun. Linipat ko ang aking tingin sa mukha niya. Pamatay ang ngiting pinapakita niya. Parang hindi siya yung taong nakita ko sa village. "Come on, take it. I won't bite you" Bumalik ang tingin ko sa maputi at malapad niyang kamay. Walang ano-ano ay hinablot niya ang isa kong kamay at hinawakan sabay handshake. "Ayan, that's how people shake hands, tiger" Hinila ko ang aking kamay habang kumunot ang ang noo ko sa ginawa niya. Hindi biro kundi insult ang naging dating sa akin ng sinabi niya kaya naman uminit ang ulo ko. Wrong timing ang pasulpot niya sa mood swings ko. "Anong akala mo sa akin? Tanga? Alam kong makipakamayan and didn't I tell you to stop calling me tiger." "I will; if you'll give me your name" ang seryoso niyang sagot. Napaikot ang mata ko. Hindi ko alam kung bakit sobra siyang interisado sa akin. Hindi ako nagsusuplado o kung ano pa man. Nabwibwisit lang ako sa paweather-weather niyang ugali. Gwapo sana siya kung hindi siya ganun. "Why the hell should I?" "First, we're friends. Second, maraming gustong makipagkaibigan sa akin and last, you're drawn to me" natawa ako sa kahambugan niya. Hindi ko alam kung saan nanggagaling yung mga pag-aasume niya. "Let me rephrase that, Darren" ang pagsisimula ko. "First, we are not friends yet. Second, no one wants to be friends with you cause you look like a perverted alien from Pluto and last, you owe me one. Yun ang mga rason kung bakit gusto mong makipagkaibigan sa AKIN." "True. Well, the part that I look like a perverted alien is not true" ang depensa niya sa sarili. Inangat ko ang kamay ko sa mukha niya. "Talk to the hand!" tinalikuran ko na siya at lumayo. Parang Ondoy Part Two yung pagkikita naming yun. Nahahanginan talaga ako sa kanya. Bakit ganun? Parang rumihistro sa isip ko ang moment na nag-iisa siya at lumuluha? Masyado bang nagkaroon ng impact sa akin yun at ganun na lang ang pagkabwisit ko sa pinapakita niyang kayabangan? Is it really the weather or hindi ko lang matanggap sa sarili ko na-iinfatuate ako sa soft side niya? Pumasok ako sa classroom at naupo sa usual seat ko; sa pinakalikod at pinakagilid sa tabi ng huling bintana. Katabi ko na naman si Cassie at Zia na walang alam kundi magdaldalan sa kung anu-anong kasosyalan at kung sino-sinong damuhong maisip nilang pag-usapan. Nakatitig lang ako sa mga estudyanteng naglalakad sa grounds nang automatic na lang na napalingon ang ulo ko nang marinig ang pangalang Darren Chua mula kay Zia. "That Darren Chua, nakita ko na siya" "Me too. He's like so gwapo ever!" ang kinikilig na pagsang-ayon ni Cassie. "And guess what? Nung dumaan siya sa harap ko, he's so bango and he's wearing Very Irresistible Givenchy" "Anong gwapo run? He looks like a perverted alien from Pluto" ang pagsingit ko sa usapan nila. Napatingin sila sa akin at nakita ko sa kanilang mga mata ang pagtatanong. "Tsaka ang mga taong sobrang bango; malamang hindi naliligo" "May issue ka ba kay Darren? Kilala mo siya?" ang tanong ni Zia. Umiling na lang ako para hindi na sila magtanong pa. Ubod kasi ang pagkachismosa ng dalawa kaya mahirap na. Sa secret ko lang naging consistent si Cassie sa pagpigil ng matabil niyang dila. "If I know, naiinsecure lang yang si Stefano dahil hindi na siya ang talk of the town" ang sabi ni Cassie kay Zia. "See. Inamin niya na hindi siya naliligo kaya; pinapaubaya niya na lang kay Tommy Hilfiger ang amoy niya." "Hindi ako insecure sa kanya. Kelan pa ba ako naging talk of the town? If I know, pinag-uusapan niyo akong dalawa sa likod ko." ang naiinis kong tugon sa mga accusations nila. "Every day akong naliligo kahit samahan niyo pa akong dalawa sa banyo at panoorin niyo akong magsabon ng katawan" "Eew, Stefan; over ka naman" si Zia. "Loosen up. Stress lang yan" FzloG6 ^[
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD