Chapter 7

1502 Words
"Cassie, what did you say to Evo?" ang deretsahan kong tanong sa kanya. Ngumiti siya ng nakakaloko at hinawakan ang buhok ko. Hindi nagtagal ay linaro-laro niya ito gamit ang daliri. Sa malayuan ay para kaming mag-syota na nagpapakasweet sa isa't-isa. "Hindi ba you're not done with your photo-shoot. Malapit na nating ipass yung individual portfolios natin. So, I asked Evo to be your subject" ang pag-eexplain ni Cassie. "Cassie, alam mo naman na landscape photography yung kinuha ko. Hindi basta-basta na magpapalit ako. Malilintikan naman ako nan kay Prof." ang naiinis kong tugon sa kanya. I value my studies and I can't afford to have failing grades in my class cards. "As if you don't know that he's a miserable kind of person." "Relax darling. Kinausap ko na si Prof for you. Alam kong mahihirapan kang kumuha ng good shots dahil sa weather. Please don't take it negatively. Gusto ko lang na tulungan kita. That's what friends are for right?" "Yeah, sorry if I overreacted" ang paghingi ko ng paumanhin sa kanya. Hindi ko naisip na maganda pala ang intension niya sa pangingialam sa proyekto ko. However, hindi niya pa rin sinabi sa akin agad kaya naiinis pa rin ako. "No big deal" sabay ngiti niya sa akin. Kahit nakakiinis ang ugali ni Cassie kung paminsan-insan ay na-aapreciatte ko ang pagiging loyal at true niya sa kanyang mga kaibigan. "If you need some help; tutulungan kita" "Thanks" Pagkatapos ay nagpaalam na ako para makapaghanda sa una naming klase. Naabutan ko si Evo sa tent habang nagpapalit. Napapatitig ako sa kanya habang isa-isa niyang inaalis ang butones ng kanyang suot na polo. Inalis niya ito at tumambad sa akin ang katawan niyang ubod ng kinis. Base sa itsura, alaga sa gym ang katawan niya. Big hard pecks and six abs. Pinkish n*****s. "Did I pass your standards?" Napatingin ako sa mukha niya. Nakangiti siya ng nakakaloko. "Silly" ang pagtugon ko. Hindi ko na siya pinansin at sinimulan ko na rin ang pagpapalit. Hinubad ko ang polo na pinasuot sa akin kanina. Napatingin ako kay Evo. Sinusuri rin niya ang katawan ko. Napangiti ako. "Enjoying the view, Primitivo delo Santos?" "I am" ang tugon niya na ikinagulat ko. "You maintain your body well" "Hindi naman" sabay suot ko ng aking sando at sweat shirt. Hindi ko na sinuot pa ang pinabaon na bonnet ni Mama. Bago ako umalis ay nagbilin ako kay Evo. "I'm gonna call you or send you a message kung kailan yung photo-shoot" "Okay, anytime, hon" ang tugon niya habang sinusuot ang pantalon. Nakatalikod siya so I could see his buttocks. It was perfect. Hindi ko alam kung dahil sa katititig sa iba't-ibang parte ng katawan niya kaya nabibingi ako. "What did you just call me?" "What?" ang balik niyang tanong, humarap siya sa akin. Nakita ko ang pagsara niya ng kanyang zipper at pagsara ng butones ng kanyang pantalon. He looked at me. "Stefan. I called you Stefan, that's your name, right?" "Sorry, iba yung pagkakarinig ko" ang paghingi ko ng pasenya sa kanya. Tama nga guni-guni ko lang yun and why would he call me hon? Hindi naman kami. But a part of me wants him to be mine. Tuluyan na akong lumabas ng tent. Nagsimula na ang buhay estudyante ko. Hindi man ako ganun kastudious ay sumasabay ako sa mga kaklase ko. Minsan nga lang inaatake ako ng katamaran tulad ngayong lutang ang utak ko dahil sa naging pag-uusap namin ni Evo. Hindi ba dapat maging excited ako dahil may pagkakataon na para mas maging malapit ako sa kanya? Kinakabahan lang siguro ako dala na rin sa kaisipan na makakasama ko siya. However, bakit ganun na lang kadali ang pagpayag niya kay Cassie? Yung iba ko namang kaklase, tinuturn-down niya. Tulad nga ng nasabi ko; hindi kami ganun kaclose. Napapaisip talaga ako sa sudden change of events sa buhay ko. Shall I expect more? "Hey, Stefano, paano na yung portfolio mo?" ang tanong ni Cassie na nagpabalik sa akin sa reyalidad. "What about it, Cassie?" "Earth calling Stefano Rodriguez; pina-aga ni Prof yung submission ng portfolio" "W-what?" ang gulat kong tanong. Hindi ako makapaniwala sa pagpapalit ng isip ni Prof. Hinanap ko sa lecture room si Sir. Hindi ko namalayan na nakalabas na pala siya at tapos na ang klase. "Why did he do that? I'm so dead! As in double dead na; botcha pa!" "I'll try my best to help you; anyway, my fault naman ako sa pagrurush mo" si Cassie. Batid kong nag-aalala siya para sa akin. Marami akong hahabulin sa mga subject ko. Ayaw kong bumagsak. "Don't worry; gagawa na lang ako ng paraan para masubmit ko on-time yung portfolio" ang nasabi ko. Kinakabahan man ako sa mga pwedeng mangyari ay mas gusto kong isipin na lahat ng problema ay may solusyon. "May mga shots ka naman di ba? Alam ko namang mahilig ka sa stolen shots. Bakit hindi yun na lang ang ipasa mo. Just think of a theme na pwedeng magconnect sa pictures." ang suhestyon niya habang nag-iisip ako ng mga pwedeng gawin. Tama siya; bakit pa ako mag-aabalang magpagod sa set kung pwede naman akong kumuha sa mga out of the blue kong shots. Unting edit lang siguro: crop, and effects. "Sige, try ko yang suggestion mo" "Nga pala, yung mga pictures na ipapass natin; ilalagay sa photo display sa College week natin" "Great! Just great! Makikita ng buong university ang puchu-puchu kong gawa. The horror!" ang pagmamaktol ko. "OA" ang komento ni Cassie. love game_chapter 8: transferee Sa loob ng tatlong araw ay pinili kong makapag-isa para magawa ko ang aking proyekto. Halos sa lahat ng dako ng Unibersidad ay ginawa kong workplace. Paborito ko ang library. Nag-eedit ako ng picture habang nakaikinig sa iPod ko. Wala namang pakealamanan sa library kaya okay lang kung doon ako tumambay. Sa makalawa na ang pagpapasa ng portfolio. Nanghihinayang man sa napurnadang photo-shoot namin ni Evo ay masaya pa rin ako dahil nagprisinta pa rin siyang model ko sa mga susunod pa naming proyekto. Sa hindi magandang pagkakataon ay nakita ako ni Cassie at Zia. Kaagad silang tumabi sa akin. Hindi ko sila masyadong pinapansin buhat na rin sa proyekto ko; madalas ay nauuna na akong umalis ng lecture room para pumunta ng library at ituloy ang aking gawain. "How's your portfolio?" ang tanong ni Zia. "Good. I still need to edit three more pictures; place my watermark and then print" ang tugon ko; hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa monitor ng aking laptop habang pinapagalaw ang mouse at paclick-click kung minsan. "Stefan, have you heard the latest?" ang tanong ni Cassie. Alam kong tsismis na naman yun tungkol sa isa sa mga schoolmate namin. Hindi ko rin alam kung saan nasasaganap ni Cassie ang mga nangyayari sa buhay-buhay ng mga estudyante sa unibersidad namin. "May nabuntis na naman ba o nagpabuntis? Or you decided to be nice na?" ang walang gana kong tanong sa kanya. Humagikgik naman si Zia. Isang malutong na batok ang natanggap ko kay Cassie. napatingin ako sa kanya habang hinihimas-himas ang batok ko. "Bayolente ka na pala ngayon?" "Umayos ka nga, Stefan!" ang utos ni Cassie. Itinigil ko muna ang pag-eedit ko para makinig kay Cassie. Alam kong hindi ko magagawa ng maayos ang proyekto ko habang andyan sila. "Ganito kasi yun, may bagong dating na estudyante sa College of Engineering and Applied Technology; sumali siya ng varsity team. Naging Captain siya within just one night." "Really?" ang natanong ko. Ako man rin ay nagtaka sa balitang yun. "Paano naman nangyari yun? "Hinamon kasi nitong transferee na si Darren Chua yung captain ng one on one. Ang kasunduan kapag yung captain ang manalo; magiging waterboy si Darren; kapag si Darren naman ang manalo; siya na ang magiging Captain." "Let me guess. Yung Darren na yun ang nanalo" ang pagtutuloy ko sa kwento ni Cassie. Napatango siya. "Well, I think he deserves it. Kung ganun talaga siya kagaling; we can't do something about it. He earned it fairly." "With just one night? Three years na pinaghirapan nun ng Captain, tapos maaagaw lang ng ganun-ganun?" ang depensa ni Cassie sa pagkatalo ng captain. "Malay mo; nakatsamba lang yun" "Exactly" ang pagsasang-ayon ko sa parteng yun. "However, may naging usapan sila; and the captain have to live up with it. Baka rin naman kasi, he underestimated the transferee. Hindi naman ibig sabihin na kung may experience ka; magaling ka na. Meron at meron pa ring hihigit sa'yo" "I rest my case" ang tugon ni Cassie habang si Zia ay patango-tango habang nagsasalita ako kanina. "Anyways, alam naming na-didisturb ka namin sa ginagawa mo. Mauna na kami sa classroom." ang paalam ni Zia. Laking pasasalamat ko dahil matutuloy ko na ang ginagawa ko. "Nakapost na pala sa mga bulletin yung schedule para sa College week natin" si Zia pa rin. Tumango na lang ako bilang tugon dahil medyo tinatamad pa ako. Makulimlim na naman kasi ang langit. Hindi ko alam kung bakit may epekto ang madilim na ulap sa pagiging moody ko. Hindi ko na nagawa pang ipagpatuloy ang pag-eedit. Isinilid ko ang aking laptop sa aking bag at lumabas na rin ng library. Natigil ako nang madaanan ang bulletin board ng College of Engineering and Applied Technology. Nakaka-agaw ng atensyon ang ipinaskil ng Institute of Communications. ,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD