Chapter 6

535 Words
"Yes?" ang may lambing niyang tanong. Teka, lambing ba talaga yun o nag-iilusyon lang ako? He's straight, I know he is. Imposibleng landiin niya ako when he knows na I'm straight too. "Imposible nga ba?" ang tanong ng kabilang dako ng isip ko. "Could you hand me some water?" ang paki-usap ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling yun. Inalis niya ang kamay sa balikat ko. nakita ko siyang naglakad papalayo. Nakahinga na ako ng maluwag. "You're set" ang sabi ni Katrina na nagsilbing stylist ni Cassie. Umalis siya ng tent pero nanatili pa rin ako sa pagkakaupo. Dumating si Evo hawak-hawak ang isang bote ng mineral water. Inabot niya sa akin to at kaagad naman akong uminom. "So, what's our plans?" ang out of the blue niyang tanong na nakapagpasamid sa akin. Naubo ako ng bonggang-bongga. He gently patted my back while asking me if I'm okay. Tumango na lang ako nang makarecover. Anong plans? Naguguluhan ako. Is he asking me out? Nag-aasume na naman ako. Eh, hindi nga kami ganun ka close. "Malay mo, he wants to know you better" ang komento ng kabilang dako ng pag-iisip ko. "W-what plans?" "I'm in; with your photo-shoot. It would be nicer kung ikaw na lang ang nagyaya sa akin at hindi si Cassie" ang tugon niya. Hindi ko pa rin maintindihan ang pinagsasabi niya. Cassie is up to something again. May pagkapakialamera kasi yung babaeng yun, daig pa ang Diyos; may plano na agad sa'yo. Hindi ko alam kung anong isasagot sa kanya. Ayaw kong magsalita; baka magmukha akong tanga dahil sa sitwasyon. Silence is safest. Pumasok si Cassie ng tent at tinawag kaming dalawa. Paglabas namin ay nadatnan na namin si Bea sa set. She's wearing a nice black serpentina dress. Maayos din ang kanyang buhok na parang pang 80's ang dating. May class talaga ang taste ni Cassie kaya nagrereflect din sa mga hilig niya at sa theme ng mga photo-shoot niya. Bago kami nagsimula ay nagsagawa muna kami ng briefing tungkol sa theme. Habang nag-eexplain si Cassie ay pasimple kong sinusulyapan si Evo. May mga pagkakataon na nagtatama ang aming mga tingin at sa mga pagkakataong ganun ay una kong binabawi ang aking tingin. Napagtanto ko na story ng photo-shoot ay love triangle. Moreover, Cassie wants to shoot pictures of Evo and me having a fight scene. It would be a glamorous mess ang pagdadagdag niya. Napakibit-balikat na lang ako. Hindi nagtagal ay nagsimula ang photo-shoot. FIRST FRAME. Nasa gilid ako nakamasid kay Evo at Bea na nagdadate sa isang romantic na place. SECOND FRAME. Sinugod ko si Evo habang Nagulat si Bea sa nangyari. THIRD FRAME. Nagsusuntukan na kami ni Evo. FOURTH FRAME: Nagsusuntukan kami sa ibabaw ng mesa habang nagkalat ang pagkain sa mga suit namin. FIFTH FRAME: Iniwan lang kami ni Bea na sugatan. "And that is a wrap!" ang sigaw ni Cassie. Nagpalakpakan naman ang mga estudyanteng nanood ng photo-shoot. Napabuntong-hininga ako. Panay ang puri sa akin ng mga kaklase ko kahit na mukha na akong fresh lumpia na natapunan ng sari-saring sawsawan o kung anu mang nasa mesa sa set. Bago ako nag-ayos ng sarili ay linapitan ko si Cassie. "Nice job as always, Stefan! kaya naman hindi ako nagkamali na kunin ka" X]*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD