Kiro’s POV Ayokong umalis. Ayokong iwan siya ngunit ayokong nakikita siyang nasasaktan lalo at ako ang dahilan kaya napilitan akong tumalikod na lamang at lisanin ang condo niya. Ang gulo ng utak ko. Hindi ako makapagisip ng mabuti. Nahahati ang puso ko sa dalawa, sa pagkakaibigan naming tatlo ni Ian at sa nararamdaman ko para sa kanya. Mahal ko siya ngunit paano si Ian? Sumakay ako sa aking kotse at pinaharurot ito paalis sa condominium building ni Lee. Hindi ko alam kung saan ako tutungo hanggang sa nakita ko na lamang ang sarili ko sa isang bar. I just wanted to drink and get drunk. Iniwasan kong magawi sa A’choholic dahil ayokong may makakita sa aking katropa ko. Dumiretso ako sa bar counter at umupo sa isa sa mga stool na naroon. Ang bigat ng puso ko, t*ngina! Umorder ako ng wh