Lee’s POV Wala kaming imikan ni Kuya Kian habang binabagtas namin ang daan pauwi sa condo ko. Hinatid niya ako hanggang sa loob mismo ng unit ko. Nauna akong pumasok habang nasa likod ko siya. “Thank you, Kuya Kian,” saad ko. “Are you okay?” Nahinto ako sa paghakbang ng marinig ko ang boses niya. “Yes kuya,” mahinang tugon ko. Hindi ko siya nilingon dahil isa-isa na namang pumatak ang luha sa mga mata ko. “You want me to stay? You know, Kuya will always be here for you,” kinagat ko ang pangibabang labi upang pigilan ang sariling mapahikbi. Napaihip ako ng hangin ng maramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko. “You can lean on me, you can share it with me, I’m willing to listen.” “I-i’m good, Kuya. Gusto ko lang mapag-isa.” Mabilis kong pinalis ang mga luhang nagsilaglagan sa pisngi k