Chapter 2

1997 Words
Kiro’s POV “Ayaw mo bang tumesting sa akin? How about f*ck buddy?” “F*ck!” Wala sa sariilng napamura ako at mariing napapikit. Kung alam lang talaga niya kung anong klase ang pagpipigil na ginawa ko kanina pa, wag lang ako mawalan ng control sa sarili at magawa ang bagay na tiyak na pagsisisihan naming dalawa pag nawala na ang espirito ng alak sa mga katawan naming dalawa. Hindi ako lasing pero nakainom ako at mas lalo lamang iyong nagsindi sa apoy na nararamdaman ng katawan ko ngayong magkadikit ang katawan namin ni Lee. Dinagdagan pa ng mga tanong niyang mas lalong nagpapukaw sa aking pagkalal*ki. Nagmulat ako ng mga mata at bahagyang inilayo ang mukha upang tingnan siya. Mariin akong napatitig sa mga mata niya. Kung hindi kaya siya lasing o kaya'y hindi nakainom ay magagawa rin ba niyang sabihin sa akin ang mga lumalabas sa bibig niya ngayon? Maganda si Lee, sobrang ganda… She’s hot too. Wala sa kalingkingan niya ang mga babaeng kinakama ko at ginagawa ko lang paraosan. Ang problema, tropa ko siya, malaki ang respeto ko sa lahat ng tropa kong babae. “Stop it, Lee…” Nahihirapan kong saad. Tila bulong iyong lumabas sa mga labi ko. Ipokrito ako kung itatanggi kong natutukso ako. Napalunok ako ng bumaba ang tingin ko sa labi niya. “Why? Don’t you find me attractive, Kiro? Don’t you find me appealing? Hindi kaba nalilibugan sa akin?” Muli ay napamura ako sa sinabi niya. Pigil Kiro, pigil! Kung ayaw mong masira buhay mo, magpigil kang hayop ka! Sita ko sa aking sarili. Muli ay napatitig ako sa mga mata niya. “You’re gorgeous, you’re hot, you’re attractive pero sobrang taas ng respeto ko sayo—” mahina kong usal. “Then, wag mo kong respetuhin,” putol niya sa sasabihin ko pa. T*ngina! Mas lalo lamang sumakit yung puson ko! Kung ‘di ko lang talaga ‘to tropa kanina pa ‘to umuungol, eh! “You’re just drunk, Lee–” “Kaya nga samantalahin mo na habang may lakas ng loob pa akong akitin ka,” she pulled me once again, nais niya kong halikan ngunit pinigilan kong maglapat ang mga labi naming dalawa. “F*ck me, Kiro,” D*mn! Mura ko sa aking isipan! I stared at her again. Her eyes were now closed. Nahihirapan na akong magpigil. Patawarin ako ng Ninong ko pero t*ngina, lalaki lang ako at hindi ako santo. Hindi ko na nga napigilan ang sarili kong siilin siya ng halik sa labi at mas lalo lamang akong nakaramdam ng init ng sa unang pagkakataon ay natikman ko kung gaano kalambot ang labi niya, the softest at sweetest lips I have ever tasted. Tinugon nya ang mga halik ko, napakainosente ng mga halik niya. Halatang walang karanasan ngunit imbes na mawalan ako ng gana ay mas lalo lamang niya akong pinapainit. Unti-unti kong dinagan ang sarili sa ibabaw niya. Tuluyan na akong nawalan ng kontrol sa sarili. Mas naging mapusok ang paghalik ko sa kanya nang i pwesto ko ang sarili sa gitna ng mga hita niya. Nagsimulang maglakbay ang palad ko sa malambot at perpektong kurba ng katawan niya. Mula sa hita niya pataas. Bawat balat niyang nalalatayan ng palad ko ay ‘di ko mapigilang panggigigilan. Nilihis ko ang suot niyang mini dress hanggang baywang niya. Pinasok ko sa loob ang palad ko. Natigil siya sa pagtugon sa halik ko at napaawang ng maramdaman niya ang pagpisil ko sa isa niyang umbok. Bumaba ang halik ko manipis niyang panga, pababa sa lalamunan niya, “Kiro…” Daing niya sa pangalan ko na mas lalong nagpapusok sa akin. Ang sarap pakinggan ng pagkakabigkas niya. Mabilis kong hinubad ang suot niyang damit. Tinulungan niya rin akong hubarin ang mga suot ko. Kay bilis ng bawat kilos. Puno ng pagmamadali, tila hinahabol kaming dalawa. Iniwan ko lamang ang boxer shorts ko. Parehong naka underwear na lamang kaming dalawa ng muling dinagan ko ang sarili sa kanya. Napamura ako ng idiin ko ang akin sa gitna niya, gustong-gusto ko na siyang angkinin ngunit mas nais kong halikan ang bawat bahagi at sulok ng katawan niya. Sinakop agad ng dalawang palad ko ang magkabila niyang dibdib at hinalikan ang gilid nito. She was still wearing a bra, I l*cked the side of it, ginilid ko ang nakatakip na pad sa isa niyang tuktok at dinilaan iyon ngunit bigla akong natigil ng mapansin kong bumibigat ang paghinga niya. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Natigil ako sa ginagawa upang siguraduhing tama ang hinala ko. Tinulugan niya ako? Seryoso? Bahagya akong natawa at napailing. Hindi ko alam kung madidismaya o kaya’y magpapasalamat na nakatulog ito. Napangit na lamang ako. Tinakpan ko muli ang nakalabas nitong n*pple. Bahagya kong nilayo ang katawan mula sa kanya. Lumuhod ako sa kanyang harapan at pinagmasdan ang maganda niyang mukha. She looks like an angel, kamukhang-kamukha niya si Tita Claire. Yumuko ako ulit at pinatakan sya ng halik sa labi bago tuluyan akong bumangon at bumaba sa kama niya. Tinungo ko ang kanyang walk-in closet kumuha ako ng pantulog niya. Lumabas ako ng walk-in closet at binihisan ko siya. Nang matapos ay napahiga ako sa tabi niya, nakatihaya, napatitig ako sa kanyang kisame. Iniisip ko kung anong maging reaksyon niya sa kapusukan naming dalawa. Lihim na lamang akong dumadalangin na sana’y wala siyang maalala sa ginawa naming dalawa hanggang sa ‘di ko na namalayang nakaidlip na pala ako. Nauna akong nagising at ang magandang mukha ni Lee agad ang nabungaran ko. Napangiti ako habang nakatitig sa kanya. Hindi ito ang unang beses na magkatabi kaming natulog ngunit ito ang unang beses na nagkaroon ako ng pagkakataong titigan siya. Tinaas ko ang isang kamay ngunit agad ko ring ibinaba ng dahan-dahan nitong minulat ang mga mata, mabilis ko namang pinikit ang akin. Ramdam ko ang paninitig niya ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang haplusin niya ang pisngi ko. Bago ko pa man ipagkanulo ang sarili ay binaling ko ang mukha sa kabilang side. Lee’s POV Kinabukasan, nang magmulat ako ng mga mata ay agad akong napangiti. Sino bang hindi? Mukha lang naman ng lalaking gustong-gusto ko ang unang nasilayan ng mga mata ko. Ang sarap kung palaging ganito. Nakadapa ito sa kama ko. Walang suot pang-itaas at ang mukha niya’y sa akin nakabaling. Kay sarap ng kanyang tulog na para bang payapang-payapa siya na ako ang katabi niya. Asa ka pa Lee! Kastigo ko sa aking sarili. Tumagilid ako upang mas mapagmasdan ang gwapo niyang mukha. Mula sa makakapal iyang mga kilay, tangos ng kanyang ilong at maninipis na mga labi. Perfection… Lihim na sambit ko. Tinaas ko ang isa kong kamay at marahang hinaplos ang kanyang pisngi ngunit agad ko ding inalis ng marinig ko ang mahina niyang daing. Akala ko’y tuluyan na siyang magigising ngunit bumalik lamang sa pagtulog ulit at ibinaling sa kabilang direksyon ang kanyang mukha. Saglit na tinitigan ko siya bago ako tumihaya. Napatitig ako sa puting kisame ng aking condo at malakas na napabuntong hininga. Wala akong maalala sa ginawa ko kagabi maliban sa nag-iinom lamang ako sa loob ng VIP. Hanggang sa nakaramdam ako ng hilo at sinandal ang likod ng ulo ko sa sandalan ng couch, hanggang doon lamang ang naalala ko. Bumangon ako at umupo sa ibabaw ng aking kama. Iba na ang suot kong damit. Pinakiramdama ko ang sarili, baka lang may nangyari sa amin ni Kiro ngunit wala akong kakaiban naramdaman maliban sa masakit ang ulo ko. Hopia yarn? Muli ay kastigo ko sa aking sarili. Pinangko ang buhok. Inalis ko ang comforter na nakatakip sa katawan ko. Bumaba ako sa kama at tumayo. Pumasok ako sa loob ng aking walk-in closet at kumuha ng tuwalya. Pumasok ako sa loob ng aking banyo upang maligo. Hinubad ko suot ko pang-itaas. Sunod ang suot kong short. I was about to unhook my bra ng mapalingon ako sa aking likuran ng maramdamang tila may nakatitig sa akin. Napatigil ako ng mabungaran ko si Kiro. Nahinto rin ito at bahagyang nagulat ng makita ako sa loob. Nagkatitigan kaming dalawa. “Chist! Kanina ka pa ba dyan?” Tanong ko sa kanya. Gaano ba kalalim ang iniisip ko at ‘di ko namalayang nabuksan ang pintuan ng banyo at ang pagpasok niya sa loob. “Naiihi na ako, lumabas ka muna, iihi lang ako,” saad nito na ‘di man lang tiningnan ang kabuohan ko. Aasa ba ulit ako? Wala naman talaga akong appeal sa kanya at ilang beses na rin niyang nakita ang katawan kong naka bikini lang. Ni minsan ay ‘di ko nakitang tinignan niya ako na may pagnanasa o may malisya. Malamang nakita na niya itong suot kong underwear dahil siya ang nagbihis sa akin. “Iihi ka lang pala, umihi ka dyan, tatalikod lang ako, tumalikod ka rin sa akin,” saad ko sa kanya. Maglalagay pa ba ako ng malisya? ‘Di naman ito natatablan ng lib0g sa akin dahil nga wala sa bukabularyo nitong pumatol ng tropa. “Ayoko, baka silipan mo ko,” umilag ito at natawa ng batuhin ko siya ng t-shirt ko. “Akala mo naman kalakihan at may masilip talaga,” tukso ko sa kanya. “‘Di mo sure, Lee,” he smirked, feeling so proud. “Maraming buhay na itong nasira sa laki at haba. Yung iba nga isang taon bago makalakad,” mayabang niyang saad sabay kindat. Masama ko siyang tinitigan na para bang ‘di nagdulot ng kakaiba sa katawan ko ang sinabi niya. Sige nga sirain mo nga buhay ko. Damn! Ba’t pagdating sa kanya nawawala ang pagiging inosente ng utak ko pero hindi ko rin mapigilan mapangiwi sa sinabi niya kung totoong malaki nga yung kanya. Maangas na sinalubong niya ang mga titig ko, mariin, pilyo siyang ngumise. “Natigilan ka? Are you imagining it?” Bahagya akong nagulat sa sinabi niya. “Gago! Kadiri! Hayop!” Pagkasabi ko’y mabilis ko siyang pinagsarhan ng pintuan. Ang lakas ng pakakasarado ko ngunit mas malakas ang pagtawa niya na umalingaw-ngaw sa buong unit ko. Ni lock ko ang pintuan. Napapikit ako at napasandal ang likod ko sa likod ng pintuan ng aking banyo. Ganun ba ka-obvious ang mga titig ko sa kanya. Magpigil ka, Lee. Utang na loob, masasaktan ka lang. Kastigo ko sa aking sarili pero hanggang kailan ko kaya mapipigilan ang nararamdaman ko sa kanya? Nagpatuloy ako sa paghubad sa natitira kong saplut sa katawan. Tinapat ko ang sarili sa ilalim ng shower head. Pinihit ko ang faucet, napasinghap ako ng maramdaman ang malamig na tubig sa katawan ko. Ilang saglit lang ay natapos na akong maligo, kinuha ko ang towel at binalot ko sa aking sarili. May nakaikot din na maliit na towel sa buhok ko. Nag-toothbrush ako at nag-apply ng skincare sa aking mukha bago ako lumabas ng banyo. Nakita kong nanatiling nakahiga si Kiro sa kama ko, naglalaro ito ng kung ano sa kanyang cellphone. Nang mapansing lumabas ako ay nag-angat ito ng tingin sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin, sinamaan rin niya ako ng tingin at habang naglalakad ako patungong walk in closet ay nanatiling nakatitig kami sa isa’t-isa. “Tingin, tingin mo dyan?” Pabirong pagsusungit ko. “Tingin, tingin mo rin dyan?” Balik niya sa akin. “Wala kang balak umuwi, Dong?” “Paki mo ba? Wala pa akong breakfast kaya dalian mo dyan, Day!” “Paki ko sa breakfast mo! Hawak ko ba rice cooker mo?” Patuloy na pambabara ko sa kanya. “Bilisan mo dyan! Gutom na ako, baka ikaw kainin ko,” napatigil ako. Napakurap-kurap. Shuta! Ba’t iba ang hatid sa akin ng sinabi niya. Maging ito ma’y natigilan. Napalunok ako. Sabay kaming napalingon ng biglang makarinig na may nag-doorbell. Bumangon ito sa pagkakahiga. “Magbihis ka na, ako na magbukas ng pintuan,” saad nito sa akin. Naka boxer shorts lamang itong lumabas ng kwarto ni ‘di man lang nag-abalang magsuot ng pangitaas na damit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD