Lee’s POV Nang marating ko ang unit ay kay bilis kong pinindot ang apat na passcode ng unit ko. Mabilis ko itong binuksan at pumasok sa loob. Humukbang ako patungo sa kwarto ngunit kakasara ko lang ng pinto ng unit ko ng muli itong bumukas. "Lee." Tawag niya sa pangalan ko. Natigil ako sa paghakbang. “Why? What happened?” Dahan-dahan ko siyang hinarap. Napatitig ako sa mga mata niya. Bakas ang pag-alala sa mga ito habang mariing sinalubong ang mga titig ko. Humakbang siya palapit ngunit umatras ako. “Please, dyan ka lang, wag ka na munang lumapit, please,” saad ko sa gitna ng mga hikbi ko. Ngayon naman ay naguguluhan niya akong tinignan. “Bakit? May kasalanan ba ako? May nagawa ba akong mali? Tell me, please.” “Pwedeng iwan mo muna ako? Iwan mo muna akong mag-isa?” Pakiusap ko sa